Mga Anunsyo

  • HOME
  • Mga Anunsyo
  • Libreng Konsultasyon sa Certified Scrivener sa Abril 18 (Huwebes)!.
Libreng Konsultasyon sa Certified Scrivener sa Abril 18 (Huwebes)!.
2024.04.18
Pagtitipon
 

 

Ang Hokkaido Foreign Resident Support Center ay magsasagawa ng libreng konsultasyon sa Certified scriveners sa darating na Abril 18, Huwebes mula 1:00 p.m. hanggang 5:00 p.m.

Petsa at Oras: Abril 18, 2024 (Huwebes) 1:00 p.m. to 5:00 p.m.
Lugar: Hokkaido Foreign Resident Support Center
    (Sapporo, Chuo-ku Kita 3 jo, Nishi 7, Hokkaido Government Annex Building 12th floor)
    https://goo.gl/maps/VcgFtimAuAmGeGmC9
Paraan: Harapan, telepono, online video call (Zoom, Skype), o SNS (WeChat, WhatsApp, KakaoTalk, LINE)
Bayad: Libre
Reserbasyon: https://forms.gle/XteNewxwHtrBGGQw8
* Bagamat hindi kailangan ang reserbasyon, makakatulong po na malaman naming nang maaga ang inyong nais ikonsulta at upang maging mas mabilis at mas maayos ang takbo ng sesyon.

Ang mga Certified Scriveners ay makakasagot sa inyong mga katanungan ukol sa mga usaping nasa ibaba:
・Bisa ng Paninirahan o Resident status
・Permanenteng Paninirahan o Permanent residence
・Naturalisasyon o pagkuha ng Japanese citizenship
・Pag rehistro ng sasakyan
・Pagsisimula ng negosyo, pagkuha ng lisensyang kailangan sa pagnenegosyo
・Kontrata
・Huling habilin
・Paggamit ng lupain at iba pa.

Amin pong inaasahan ang inyong partisipasyon.

Para sa karagdagang impormasyon ukol sa Certified Scriveners, mangyaring i-click ang nasa ibaba kung saan may iba’t-ibang wika.
https://www.gyosei.or.jp/about/language