Mga Anunsyo

  • HOME
  • Mga Anunsyo
  • Libreng Konsultasyon sa Certified Scrivener sa Mayo 23 (Huwebes)!
Libreng Konsultasyon sa Certified Scrivener sa Mayo 23 (Huwebes)!
2024.05.23
Pagtitipon

 

Ang Hokkaido Foreign Resident Support Center ay magsasagawa ng libreng konsultasyon sa Certified scriveners sa darating na Mayo 23, Huwebes mula 1:00 p.m. hanggang 5:00 p.m.

Libreng Konsultasyon sa Certified Scrivener
Petsa at Oras: Mayo 23, 2024 (Huwebes) 1:00 p.m. to 5:00 p.m.
Lugar: Hokkaido Foreign Resident Support Center

Paraan: Harapan, telepono, online
Bayad: Libre
Reserbasyon: https://forms.gle/aSq37tSegLBg4xiC8
* Bagamat hindi kailangan ang reserbasyon, makakatulong po na malaman naming nang maaga ang inyong nais ikonsulta at upang maging mas mabilis at mas maayos ang takbo ng sesyon.

Ang mga Certified Scriveners ay makakasagot sa inyong mga katanungan ukol sa mga usaping nasa ibaba:
・Bisa ng Paninirahan o Residence status
・Permanenteng Paninirahan o Permanent residence
・Naturalisasyon o pagkuha ng Japanese citizenship
・Pag rehistro ng sasakyan
・Pagsisimula ng negosyo, pagkuha ng lisensyang kailangan sa pagnenegosyo
・Kontrata
・Huling habilin
・Paggamit ng lupain at iba pa.

Amin pong inaasahan ang inyong pagkontak sa amin.

Para sa karagdagang impormasyon ukol sa Certified Scriveners, mangyaring i-click ang nasa ibaba kung saan may iba’t-ibang wika.
https://www.gyosei.or.jp/about/language