Ang Hokkaido Foreign Resident Support Center ay magsasagawa ng Konsultasyon sa Araw ng Sabado + Konsultasyon sa Prosesong Pang Imigrasyon para sa mga banyagang naninirahan sa Hokkaido sa Linggo, Ika-28 ng Nobyembre. Ang detalye ay nasa ibaba.
Konsultasyon sa Araw ng Linggo + Konsultasyon para sa mga Proseso sa Imigrasyon
Petsa at Oras: Nobyembre 28, 2026 (Sabado), 9:00 umaga - 12:00 tanghali, 1:00 hapon - 5:00 hapon
Lugar: Hokkaido Foreign Resident Support Center
Paraan: Maari kayong magkonsulta sa amin ng personal, o kaya sa pamamagitan ng telepono, pagtawag sa online
Presyo: Libre
Reserbasyon: https://forms.gle/BvuvMvrvFdAs8qcVA
*Kung nais na kumunsulta sa Opisyal ng Imigrasyon, mangyaring magpa reserba hanggang Nobyembre 25(Miyerkules). Ang mga walang reserbasyon ay maaari ring kumunsulta subalit bibigyan ng prayoridad ang mga nag pa reserba.
Maaari kayong komunsulta sa mga tauhan ng center at mga opisyales ng Imigrasyon tungkol sa mga sumusunod na mga paksa.
1) Tauhan ng Center: Health Insurance, pensyon, lisensya sa pagmamaneho, mga problema sa trabaho, at marami pang iba.
2) Mga Opisyales ng Imigrasyon: Residence status, Re-entry permit, Permanent residence, atbp.
Umaasa po sa inyong pagkontak sa amin.