Mga Anunsyo

  • HOME
  • Mga Anunsyo
  • Pag-aaplay para sa Sertipikasyon ng Japanese Kriminal Rekord
Pag-aaplay para sa Sertipikasyon ng Japanese Kriminal Rekord
2024.03.26
Mga Anunsyo

 

Maaari kayong hingan na magbigay ng “criminal record certificate” kung kayo ay mag-aaplay ng bisa o pagtatrabaho sa pang-edukasyon, pamahalaan, o institusyong Pinansyal. Ang aming Center ay madalas nakakatanggap ng mga tanong mula sa mga banyaga na naninirahan/dating nanirahan sa Hokkaido tungkol sa pamamaraan ng aplikasyon.

Sa kadahilanang ito, kami ay naghanda nang iba’t-ibang wika na polyeto o leaflet na pinagbuod-buod ang pamamaraan ng aplikasyon at mga puntos na dapat tandaan o isulat sa pag-aaplay ng sertipikasyon ng kriminal rekord, batay sa impormasyon mula sa Hokkaido Police website.

Kung kayo ay may ilang katanungan, mangyaring komunsulta sa may kaugnayan na Police Main Headquarters o Regional Police Headquarters na nakakasakop sa inyo. Mangyaring kumontak sa aming Center kung kailangan ng tagasalin.