Mga Anunsyo

  • HOME
  • Mga Anunsyo
  • Kami po ay magtutungo sa Urakawa sa ika-14 ng Nobyembre (Sabado!
Kami po ay magtutungo sa Urakawa sa ika-14 ng Nobyembre (Sabado!
2026.11.14
Pagtitipon

 

Sa ika- 14 ng Nobyembre (Sabado) ang Hokkaido Foreign Resident Support Center ay magsasagawa ng Seminar para sa mga Banyagang residente at Libreng Konsultasyon (Propesyonal na Konsultasyon) para sa mga banyagang naninirahan sa Urakawa. Ang Detalye ay nakasaad sa ibaba.

◇Seminar para sa mga banyagang residente◇

Paksa: Ligtas na Pagmamaneho sa Panahon ng Taglamig
Petsa at oras: Nobyembre 14, 20206 (Sabado) 13:00 ~ 14:00
Lugar: Urakawa Fureai Center
https://maps.app.goo.gl/269gCm6AJgFHuLiL7
Wika: Hapon, Hindi (Aktwal na interpretasyon)
Bayad: Libre
Reserbasyon: https://forms.gle/UQeUccCjv8u5ExcTA

◇Libreng Konsultasyon sa Urakawa◇

Petsa at oras: Nobyembre 14, 20206 (Sabado) 13:00 ~ 14:00
Lugar: Urakawa Fureai Center
https://maps.app.goo.gl/269gCm6AJgFHuLiL7
Mga Propesyonal na maaaring konsultahin: Opisyal ng Ahensya ng Imigrasyon sa Sapporo
Wika: Hapon, Ingles, Hindi, Biyetnam (mga wika na magagamit sa pamamagitan ng machine translation)
Bayad: Libre
Reserbasyon: https://forms.gle/UQeUccCjv8u5ExcTA
*Para sa mga may nais na kumunsulta sa opisyales ng Imigrasyon, mangyaring magpareserba hanggang Nobyembre 11 (Miyerkules).

Mga paksang maaaring ikonsulta:
1) Tauhan ng Support Center: mga katanungan ukol sa segurong pangkalusugan o health insurance, pensyon, lisensya ng pagmamaneho, mga problema sa trabaho at marami pang iba.
2) Mga Opisyales ng Imigrasyon: para sa mga katanungan tungkol sa bisa o residence status, permiso ng muling pagpasok o re-entry permits, permanent residence, atbp.

Amin pong inaasahan ang inyong paglahok.