Ang Residence Tax ay nararapat na bayaran ng lahat ng may sweldong mamamayan maging banyaga man na naninirahan sa Japan mula Enero 1 sa Munisipalidad na tinitirahan.
Kung sarili mo itong babayaran o tinatawag na “ Normal na Koleksyon”, may matatanggap na payment slip mula sa Munisipyo ng lugar na tinitirahan at ito ay babayaran bago matapos ang palugit ng pagbabayad. Para sa mga empleyado, ito ay binabawas sa buwanang sweldo kaya hindi na kailangang magbayad sa munisipyo.
Para sa impormasyon ukol sa pagbabayad ng residence tax, proseso kapag bumalik na sariling bansa, epekto sa pag proseso ng residence status, mangyaring alamin sa aming nilkhang dokumento na nasa maraming wika.