Mga Anunsyo

  • HOME
  • Mga Anunsyo
  • Mga Madalas na Katanungan: Ukol sa Pension Lump-sum Withdrawal Payment
Mga Madalas na Katanungan: Ukol sa Pension Lump-sum Withdrawal Payment
2024.01.12
Mga Anunsyo
Ang Pension Lump-sum Withdrawal Payment ay maaaring tanggapin ng banyagang nagbabayad ng pensyon sa Japan kung siya ay babalik na sa sariling bansa. Nararapat na mag-aplay nito at sa dahilang masalimuot ang proseso nito, marami ang mga nagtatanong sa amin kung paano ang nararapat nilang gawin.

Kaya kami po ay lumikha ng leaflet para sa mga madalas na katanungan ukol sa Lump-sum Withdrawal Payment na base sa homepage ng Japan Pension Service. Atin po itong gamiting basehan.

Para sa mga katanungan, mangyaring sumangguni sa Pension Office na inyong kinasasakupan. Maaaring kumonsulta sa Pension Office na may serbisyo ng interpretasyon na aabot sa10 wika.
  •  

  •  

  •