Para sa sambahayan na may anak na isinilang noong Abril 2, 2006 hanggang Hunyo 1, 2025 ay makakatanggap ng benepisyo mula sa proyektong Suportang Bigas at Gatas para sa pagpapalaki ng anak (Part 3). Ang aplikasyon ay nagsimula noong Abril 4 na matatapos sa Hunyo 30 kaya nararapat na mag aplay na ang mga hindi pa nakakapag aplay.
Para sa karagdagang impormasyon mangyaring basahin ang leaflet na "Suportang Bigas at Gatas para sa Pagpapalaki ng Anak (Part 3)".
O kaya, kumontak sa nasa ibaba para sa katanungan.
・Homepage Chatbot
https://hkd2025kosodate-ouen.jp/
Maaaring Gamiting Wika: Ingles, Tsina, Koreano, Biyetnam
・Call Center para sa Aplikasyon
☏ 011-350-8680
✉ Setai.support@hkd2025kosodate-ouen.jp
Maaaring magamit na wika: Ingles, Tsina, Koreano, Biyetnam