Sa oras na mabuo ang inyong taunan na sueldo ay nakumpirma sa katapusan ng taon, ang “year-end adjustment” ninyo ay gagawin ng inyong employer. Ito ang pamamaraan ng pagsasa-ayos ng inyong mga tax sa taong ito; ang sobra o kakulangan ng halaga mula sa inyong sueldo mula sa halaga ng tax withheld mula sa inyong sueldo sa taong ito ay determinado, at kaya ang pagkakaiba lang ay alinman sa i-refund o kaya likumin nang alinsunod. Ang year-end tax adjustment ay mahalaga dahil kung gagawin ng inyong employer ang pamamaraan na ito, karaniwan, hindi mo na kailangan na mag-file ng inyong income tax-return!
Maaari rin kayong maging karapat-dapat na tumanggap ng iba’t-ibang uri ng tax deductions sa pamamagitan ng year-end tax adjustment. Mangyaring tandaan na ang year-end tax adjustment sa taong ito ay mayroong pagbabago gaya ng pagtaas ng kita para sa mga dependents na karapat-dapat para sa dependent deduction, at karagdagan sa basic deduction.
Para sa mas maraming kaalaman, gaya ng kung sino ang sakop para sa year-end tax adjustment, at mga pamamaraan upang tumanggap ng iba’t-ibang tax deductions, mangyaring tingnan ang aming multilingual leaflet na aming ginawa base sa impormasyon mula sa National Tax Agency website.