Mga Anunsyo

  • HOME
  • Mga Anunsyo
  • Kami po ay magtutungo sa Shin Hidaka sa ika-15ng Nobyembre (Linggo)!
Kami po ay magtutungo sa Shin Hidaka sa ika-15ng Nobyembre (Linggo)!
2026.11.15
Pagtitipon

 

Sa ika- 15 ng Nobyembre (Linggo) ang Hokkaido Foreign Resident Support Center ay magsasagawa ng Seminar para sa mga Banyagang residente at Libreng Konsultasyon (Propesyonal na Konsultasyon) para sa mga banyagang naninirahan sa Shin Hidaka. Ang Detalye ay nakasaad sa ibaba.

◇ Seminar para sa mga banyagang residente◇

Paksa: Basic na Kaalaman ukol sa Sistema ng Japan Pension
Petsa at oras: Nobyembre 15, 2026 (Linggo) 11:00 ~ 12:00
Lugar: Co-pu Sapporo Shizunai 2 F Meeting Room
https://maps.app.goo.gl/4nN1QXjGNa7GbTL66
Tagapagsalita: Japan Pension Service
Wika: Mayroong dokumentong nakasulat sa mga wikang Hapon, Hindi, Ingles, Indonesia, Tagalog.
Bayad: Libre
Reserbasyon:https://forms.gle/UQeUccCjv8u5ExcTA

Nilalaman:
・Ano ang Pensyon? Buod ng Pampublikong Pensyon ng Japan
・Mga uri ng Pension at halagang babayaran/matatanggap
・Mga impormasyon ukol sa lump-sum withdrawal payment at iba pa

◇Libreng Konsultasyon Shin Hidaka◇

Petsa at oras: Nobyembre 15, 2026 (Linggo) 12:00 ~ 3:00
Lugar: Co-pu Sapporo Shizunai 2 F Meeting Room
https://maps.app.goo.gl/4nN1QXjGNa7GbTL66
Mga Propesyonal: Opisyal ng Japan Pension Service, Opisyal ng Sapporo Immigration Services Agency
Wika: Hapon, Ingles, Hindi, Biyetnam (mga wika na magagamit sa pamamagitan ng machine translation)
Bayad: Libre
Reserbasyon: https://forms.gle/UQeUccCjv8u5ExcTA
*Para sa mga may nais na kumunsulta sa opisyales ng Imigrasyon, mangyaring magpareserba hanggang Nobyembre 11 (Miyerkules).

Mga usapin na maaaring ikunsulta:
1) Tauhan ng Support Center: mga katanungan ukol health insurance, pensyon, lisensya ng pagmamaneho, mga problema sa trabaho at marami pang iba.
2) Opisyal ng Japan Pension Service: Mga katanungan ukol sa Pension.
3) Opisyal ng Immigration: residence status o visa, re-entry permit, pag apply ng permanent residence, at iba pa.

Amin pong inaasahan ang inyong partisipasyon