Ang tuwing ika-limang taon na pambansang census ay gagawin simula Setyembre 20, 2025 hanggang Oktubre 8, 2025 (Miyerkules). Ang census na ito ay para lahat ng naninirahan o residente sa japan na walang kinalaman sa nasyonalidad o gulang*. Ito ay isa sa mga batas kaya kailangan ipasa po natin ang ating data!
*Ang banyaga na mananatili lamang sa Japan nang walang 3 buwan ay hindi masasabing residente sa Japan kaya hindi na kailangang magpasa ng kanyang data.
Para sa gagamit ng internet o magpapasa ng data online ay maaaring magamit ang mga wikang Hapon, Ingles, Koreyano, Biyetnam, Portuguese at Kastila. Para sa ibang wika, mangyaring mag access sa hp upang makita ang questionnaire na naka translate sa maraming wika at nakasaad ang paraan ng pagsusulat nito.
Para sa detalye, tingnan po ang homepage ng census na may iba’t ibang wika.
https://www.kokusei2025.go.jp/language/
