Mga Anunsyo

  • HOME
  • Mga Anunsyo
  • Kami po ay Magtutungo sa Kushiro sa Ika-26 ng mayo (Linggo)!
Kami po ay Magtutungo sa Kushiro sa Ika-26 ng mayo (Linggo)!
2024.05.26
Pagtitipon

 

Sa darating na ika-26 ng Mayo (Linggo) ang Hokkaido Foreign Resident Support Center ay magsasagawa ng sesyon ng Libreng Kosultasyon (Propesyonal na Konsultasyon) para sa mga dayuhang residente sa Siyudad ng Kushiro. Ang mga detalye ay ang mga sumusunod.

◇Libreng konsultasyon sa Kushiro◇
Petsa at oras: Mayo 26, 2024 (Linggo) 11:00 am - 3:30 pm
Lugar: Kushiro Tourism at International Relations Center 3F, Training room 3
    https://goo.gl/maps/ioi1QEW6XzWeVdAe8

Mga Propesyonal na Maaaring Konsultahin: Certified Scrivener, mga opisyales ng Sapporo Regional Immigration Bureau
Mga Wikang Magagamit: Nihonggo, Ingles, Tagalog (Ibang wika sa pamamagitan ng interpretasyon sa telepono)
Bayad: Libre
Reserbasyon: https://forms.gle/z5F2gt9jt7E3Cm6i7
*Bagamat aming inererekomenda ang pagpapareserba, kami rin po ay tumatanggap ng walk-in

Mga Usaping Maaaring Ikonsulta:
1) Tauhan ng Support Center: health insurance, pensyon, lisensya sa pagmamaneho, mga problema sa trabaho at marami pang iba.
2) Mga Opisyales ng Imigrasyon: para sa mga katanungan tungkol sa bisa o residence status, permiso ng muling pagpasok o re-entry permits, permanenteng paninirahan o permanent residency, atbp.
3) Certified Scrivener: mga katanungan tungkol sa bisa o residence status, naturalisasyon o pagkuha ng Japanese citizenship, kontrata, huling habilin, pagpaparehistro ng sasakyan, iba’t- ibang paggamit ng lupain, atbp.

Amin pong inaasahan ang inyong partisipasyon.