Kung ikaw ay isang empleyado at inaawas sa sweldo ang bayad sa resident tax, hindi na kailangang magbayad ng resident tax, subalit kung titigil na sa trabaho at uuwi na sa sariling bansa, nararapat na ikaw mismo ang mag asikaso o magproseso ng pagbabayad ng resident tax.
Kaya kami po ay lumikha ng leaflet na nasa maraming wika na naglalaman ng mga impormasyong base sa Legal Affairs Bureau ukol sa paraan ng pagbabayad ng resident tax pagkatapos tumigil sa trabaho at uuwi na sa sariling bansa. Atin po itong basahin at gawing basehan.
Para sa mga katanungan, mangyaring kumontak sa Hokkaido Foreign Resident Support Center.