Kung ikaw ay pursigidong makapag-aral sa nasabing paaralan at ma- meet ng pamilya mo ang criteria para dito, katulad ng required na income ng buong pamilya, ikaw ay maaaring mag-aplay ng JASSO Scholarship na makakatulong na bayaran ang tuition fee at mga gastos bilang estudyante.
Para sa detalye ukol sa mga residence status na maaaring mag-aplay, paraan ng aplikasyon at criteria nito ay mangyari pong basahin ang multilingual leaflet na aming ginawa base sa impormasyon na nakasaad sa Japan Student Services Organization, Ministry of Education, Culture, Sports, Science and Technology, at Immigration Services Agency.