Simula Oktubre 1, 2026 ay magkakaroon ng pagbabago sa presyo ng babayaran para sa proseso sa Imigrasyon at ganoon rin sa bayad kung mag aaplay ng Permanent Residence.
Subalit, kung nag aplay hanggang Setyembre 30, 2026 at maaprubahan man pagkaraan ng Oktubre 1, ang babayaran ay ang dating presyo nito. At ang mga taong hindi kaya o mahihirapang magbayad ng bagong halaga na may angkop na dahilan at napatunayang siya ay may karapatan, maaaring mag aplay ng eksemsyon o bawas sa halagang babayaran.