Ang dating health insurance card ay expired na. mangyaring ipakita ang Myna Health Insurance Card o Health Insurance Eligibility Certificate sa reception desk ng mga hospital o clinic at pharmacies.
* Dati, kung ang nadala mong health insurance card ay hindi mo alam na expired na, ito ay maaari paring magamit, subalit ang paggamit nito ay magtatapos na sa darating na Hulyo 31, 2026. Kung ang gagamitin mong health insurance card na expired na sa araw o lagpas ng Agosto 1, ikaw ay kailangang magbayad ng buong halaga sa pagpapagamot.
Kami po ay lumikha ng leaflet na nasa maraming wika ukol mga paraan ng paggamit ng MyNa Health Insurance Card at Health Insurance Eligibility Certificate. Mangyaring basahin at atin pong gawing batayan.