Ang Hokkaido Foreign Resident Support Center ay magsasagawa ng libreng konsultasyon sa Certified Scrivener sa darating na September 25, Huwebes.
Libreng Konsultasyon sa Certified Scrivener
Petsa at Oras: Setyembre 25 (Huwebes) 1:00 hapon ~ 5:00 hapon
Lugar: Hokkaido Foreign Resident Support Center
Paraan: Harapan, telepono, online
Bayad: Libre
Reserbasyon: https://forms.gle/5g2fMqpWyRqk8Y1S9
Ang mga Certified Scriveners ay makakasagot sa inyong mga katanungan ukol sa mga usaping nasa ibaba:
・Bisa ng Paninirahan o Residence status
・Permanenteng Paninirahan o Permanent residence
・Naturalisasyon o pagkuha ng Japanese citizenship
・Pag rehistro ng sasakyan
・Pagsisimula ng negosyo, pagkuha ng lisensyang kailangan sa pagnenegosyo
・Kontrata
・Huling habilin
・Paggamit ng lupain at iba pa.
Amin pong inaasahan ang inyong pagkontak sa amin.
Para sa karagdagang impormasyon ukol sa Certified Scriveners, mangyaring i-click ang nasa ibaba kung saan may iba’t-ibang wika.
https://www.gyosei.or.jp/about/language