Mga Anunsyo

Para sa ligtas na Pagpunta sa Beach
2026.07.09
Mga Anunsyo

 

Sa nakaraang 5 taon, dito sa Hokkaido ay may umaabot na 58 katao, kabilang ang mga banyaga ang mga naaaksidente. Kasama rito ang mga nagpunta at lumangoy sa beach na hindi itinalaga para languyan at 12 katao ang mga nasawi. Upang makaiwas sa ganitong aksidente, mangyaring pumunta lamang sa mga itinalagang beaches.

Gayundin, ating alamin ang Impormasyong nilikha ng 1st Regional Coastguard Headquarter, ang “Ligtas na Pagpunta sa Beach at Hazzard map nito”na nasa maraming wika upang malaman ang katangian ng dagat at mga puntos na makakaiwas sa mga aksidente.