Information Regarding COVID-19

  • HOME
  • Information Regarding COVID-19
Information from the Consulate General
Information from HIECC
Information from HIECC
Kabuuan ng mga Pinakabagong Impormasyon ukol sa COVID-19 (3/23/2023)
2023.03.23

Kabuuuan ng mga pinakabagong impormasyon na ipinahayag ukol sa COVID 19 at regular na pananatilihing bago ang mga impormasyon.

Ang Hokkaido ay kasalukuyang nasa Lebel 1

Mga hakbanging panglaban sa Covid-19 “Mga Hiling para sa mga Residente ng Hokkaido”

① Lubusang pagpapatupad ng mga batayang hakbangin
 *Tungkol sa paggamit ng mga masks
② Kung wala kang sintomas, ngunit alalang maimpekta, magpasuri
③ Ikonsidera ang pagkuha ng bakuna (Bivalent COVID-19 na bakuna)
④ Paggayak ng mga gamit

【Libreng PCR testing facility sa Hokkaido】 (Nihonggo)
【Hokkaido COVID-19 Chat Bot】 (Nihonggo)
【Libreng self-test kit】(Hokkaido Positive Case Registration Center) (Ang mga nakatira sa Sapporo, Asahikawa, Hakodate, Otaru, pakitingnan ang website ng lungsod) 

<Mga Kaso ng COVID 19 sa Hokkaido>
Talahanayan ng kaso ng COVID 19 sa Hokkaido (3/22/2023)

<Bakuna ng COVID-19>
Ang kailangang pagitang panahon ng paghihintay sa pagpapabakuna para sa bagong Bivalent Vaccine ay pinaikli!(10/21/2022)
Para sa mga dayuhang nagnanais magpabakuna sa COVID-19
COVID-19 Vaccination Certificate
Form ng paunang medikal na pagsusuri para sa bakuna sa coronavirus
Mga tagubilin para sa bakuna sa coronavirus (Gawa ng Pfizer)
Paunawa ukol sa bukuna sa coronavirus (Halimbawa)
MHLW COVID-19 Vaccine Call Center: 0120-761770 (Ingles) 9:00~21:00 (kabilang ang mga araw ng Sabado, Linggo at Pista)

<Leaflets, Flyers at iba pa na nagsasaad ng mga impormasyon ukol sa COVID-19>
Gabay sa Paggamit Ng Mask simula sa ika-13 Marso, 2023 (Hokkaido) ≪Pinakabago≫
Simula sa Pag test hanggang sa Pagpapagaling - COVID-19 sa Hokkaido (Hokkaido)
Kahilingan sa mga Positibo ang resulta ng test (Hokkaido)
Paano kung ang “kakilala, kaibigan, kasambahay o pamilya ay nagkaroon ng impeksyon ng COVID-19”? (Hokkaido)
Ano ang nararapat gawin kung may alalahanin na nahawahan ng COVID-19 (Hokkaido)
Sa pag iwas sa COVID-19 at pagkalat ng impeksyon (MHLW)

<Mga Programa ukol sa mga Suporta>
Kabuuan ng Suporta kaugnay ng COVID-19 Para sa Indibiduwal (Ingles) (10/01/2022)
Tumanggap ka na ba ng Temporary Loan Emergency Fund loan forgiveness notification? (5/17/2022)
Impormasyon ukol sa pagbabayad ng Espesyal na Loan
  1. Abiso ukol sa simula ng pagbabayad
  2. Temporary Loan Emergency Fund loan forgiveness notification (Ingles) (MHLW)
  3. Hiling para sa direktang pagbabayad sa bangko
Impormasyon ukol sa Benepisyong Pinansyal sa Pabahay(Ingles) (MHLW)

<Paalaala mula sa Opisina ng Imigrasyon / MHLW>
Para sa mga banyagang may planong pumunta sa Japan (10/7/2022)
Para sa mga magkakaroon ng kasong hirap sa pag uwi sa sariling bansa (5/31/2022)
COVID-19: Current Japanese Border Measures (Ingles) (MHLW)

<at iba pa>
Mga Katanungan at Kasagutan sa Houterasu: Legal na bagay-bagay ukol sa COVID-19(10/1/2020)
Konsultasyon sa iba’t ibang Wika ukol sa Corona Virus (4/6/2020)

Talahanayan ng kaso ng COVID 19 sa Hokkaido
2023.03.22

Atin pong tingnan ang PDF.

Tungkol sa “Mga Hiling para sa mga Residente Ng Hokkaido” mula Marso 13
2023.03.13

Noong Marso 13, ang Prepektura ng Gobierno ng Hokkaido o Hokkaido Prefectural Government ay nagbigay ng bagong “Mga Hiling Para sa mga Residente ng Hokkaido” bilang bahagi nang mga hakbanging panglaban sa Covid-19.

Mangyaring tingnan ang kalakip na mga dokumento para sa mas maraming impormasyon.

Mga nararapat gawin kung ang sarili o ang kapamilya o kasambahay ay nahawahan ng COVID-19
2023.03.13

Mangyaring tingnan ang kalakip na mga dokumento para sa mas maraming impormasyon.

Gabay sa Paggamit Ng Mask simula sa ika-13 Marso, 2023
2023.03.12

Ang gabay ng Gobiyerno tungkol sa paggamit ng mask sa bansang Hapon ay babaguhin simula Marso 13, 2023. Ang Punong-Tanggapan para sa COVID-19 at ibang Pagpigil Ng mga lumalabas na nakakahawang Sakit o Emerging Infectious Disease Control at ang Kagawarang Pangkalusugan o Ministry of Health, Trabaho at Kapakanan o Labor and Welfare ay nagpahayag ng “Revision of mask usage policy” o “Pagbabago nang Patakaran sa Paggamit Ng Mask.”

Pag extend ng Panahon ng Aplikasyon para sa Muling Pagtanggap ng Benepisyo ng Housing Security
2023.02.14

Para sa mga napaso na ang palugit sa pag aplay ng benepisyo ng Housing Security, maaari muling mag aplay hanggang sa katapusan ng Marso 2023. Bagamat walang naging malaking pagbabago sa nilalaman nito, dahilan ng pagtaas ng halaga ng mga bilihin at gasolina, bilang solusyon ay magiging maluwag para sa mga inatasan na maghanap ng trabaho .

Para sa detalyadong impormasyon, basahin ang kalakip na file.

Para sa pangangailangan ng interpretasyon, mangyaring kumontak lamang po sa center.

Mga Kahilingan para sa lahat ng mga residente ng Hokkaido upang mapigilan ang pagkalat ng impeksyon sa panahon ng Taglamig
2023.01.13

Dahil sa patuloy na pagtaas ng impeksyon at ang pagkalat ng panahunang impluensa, ang gobierno ng Hokkaido ay humiling sa lahat ng mga residente ng Hokkaido na sundin ang mga batayang hakbangin sa impeksyon.

1. Lubusang pagpapatupad ng mga batayang hakbangin
*Sa kalagayan ng mataas na peligro gaya ng mga winter events atbp., Ibayong ingat sa pagkuha ng mga batayang hakbangin
2. Ikonsidera ang pagkuha ng bakuna (Bivalent COVID-19 na bakuna at panahunang bakuna para sa impluensa)
3. Paggayak ng mga gamit

Mangyaring sumangguni sa nakalakip na dokumento para sa mas maraming impormasyon.

*Makakakuha pa rin ng libreng pagsusuri sa mga pinaggaganapan. Mangyaring tingnan ang mga sumusunod na link para sa mas maraming impormasyon: (Nippongo lang po)
https://kensa-hokkaido.jp/

*Ang Hokkaido Positive Case registration center ay nagbibigay ng libreng self-test kits sa mga pasyenteng
https://kensa-hokkaido.jp/

Ang Hokkaido Positive Case Registration Center ay nagbibigay ng mga libreng self-test kit sa mga pasyenteng may sintomas na may mababang panganib ng matinding impeksyon. (Ang mga nakatira sa Sapporo, Asahikawa, Hakodate, Otaru, pakitingnan ang website ng lungsod)
https://www.pref.hokkaido.lg.jp/hf/kst/124211.html

Para sa mga tumanggap nang Espesyal na Utang Pondo o Special Loan Fund/ Salaping Tulong na Pautang Para Sa Pang-araw-araw Na Pamumuhay o Monetary Assistance for Everyday Life Loan
2022.12.26

Ang mga abiso ay ipadadala sa pamamagitan ng koreo para sa mga tumanggap nang Salaping Tulong Na Pautang Para Sa Pang-araw-araw na Pamumuhay o Monetary Assistance for Everyday Life/ Espesyal Na Utang Pondo o Special Loan funds, at sa mga nakatakda nang mag-umpisa ng pagbabayad mula sa Enero 26, 2023.

Para sa sanggunian o reference, ang Hokkaido Council of Social Welfare ay lumikha ng gabayan sa mga uri ng mga dokumento na ipadadala at ang nilalamang paliwanag. Mangyaring sangguniin ito bilang isang pangangailangan.

Kung kayo ay may katanungan tungkol sa kailangang pamamaraan , mangyaring kumontak sa amin dito sa Foreign Resident Support Center.

Mangyaring tingnan ang kalakip na mga dokumento para sa mas maraming impormasyon

Mangyaring siguruhin na i-tsek ang mga dokumentong ipinadala bago magsimula ng pagbabayad.

Kahilingan sa lahat ng Residente ng Hokkaido para sa pagpasok ng Bagong Taon
2022.12.16

Sa nalalapit na pagpasok ng Bagong Taon ay maraming bumibiyahe pabalik sa kanilang hometown o kaya ay nagliliwaliw sa iba’t ibang lugar na kung saan ay hindi maiiwasan ang may makasalamuha na napakaposibleng maging dahilan ng impeksyon. Kaya muling hinihiling sa lahat na mas lalong maging maingat at ugaliin ang wastong pamamaraan na panlaban sa impeksyon.

≪Mga Pamamaraang Panlaban sa impeksyon para sa pagpasok ng Bagong Taon≫
・ Ang 5 aksyon o nararapat gawin kung nasa 3 sitwasyon na malaki ang peligro ng impeksyon
・ Panatilihin ang katamtamang init ng silid at wastong bentilasyon
・ Magpabakuna ng Bivalent vaccine laban sa Omicron variant
・ Maging palaging handa araw-araw

Para sa detalyadong impormasyon, basahin ang kalakip na file.

※Ang libreng COVID Test ay patuloy na isasagawa sa Bagong taon sa mga pangunahing lugar na may transportasyon. Para sa detalyadong impormasyon, mangyaring I click ang link na nasa ibaba.( Wikang Hapon lamang)
https://kensa-hokkaido.jp/

Impormasyon ukol sa Makabagong pagsasauri ng Lebel ng COVID-19 bilang pagharap sa Omicron Variant
2022.11.30

Atin pong tingnan ang PDF.

Impormasyon ukol sa Impeksyon ng COVID-19
2022.11.28

Mula sa pagpasok ng Nobyembre, ang impeksyon sa buong rehiyon ay patuloy na dumarami, kaya, hinihiling sa lahat ng residente ng Hokkaido na makiisang masidhing isagawa ang mga pangunahing panlaban sa impeksyon upang maiwasan ang paglawak nito. Ito ay ang mga sumusunod.

≪Pag iwas na lumawak ang Impeksyon≫
① Masidhing pagsasagawa ng mga pangunahing panlaban sa impeksyon
② Pagpapabakuna laban sa Omicron
③ Sumailalim sa COVID-19 Test (kung makikihalubilo sa mga may edad o may primary illness)

※Ang Panahon ng Libreng COVID-19 Test sa Hokkaido ay na extend. Para sa detalye, I click po ang link sa ibaba (wikang hapon lamang)
https://www.pref.hokkaido.lg.jp/covid-19/kensa_muryouka.html

Para sa karagdadagang impormasyon, basahin ang kalakip na file.

Ang kailangang pagitang panahon ng paghihintay sa pagpapabakuna para sa bagong Bivalent Vaccine ay pinaikli!
2022.10.21

Ang kailangang panahon ng paghihintay matapos tumanggap ng unang 2 dosis ng bakuna para sa COVID-19 hanggang sa Bivalent vaccine ay magagamit na at pinaikli mula 5 buwan ay naging 3 buwan.

Mangyaring tandaan na ang availability at Sistema ng booking para sa pagpapabakuna ay magkakaiba depende sa munisipalidad, kaya mangyaring paki tingnan ang website ng/o kumontak sa inyong lokal na munisipiyo para sa detalyadong impormasyon kung paano ito matatanggap. Kung kayo ay nangangailangan ng suporta o tulong sa pagsasalin, mangyaring huwag mag-atubiling kumontak sa amin!

Mangyaring tingnan ang nakalakip na dokumento para sa karagdagang mga detalye

Paunawa mula sa Ahensya ng Serbisyong Imigrasyon para sa mga may planong pumunta sa bansang Hapon
2022.10.07

Para sa karagdagang kaalaman, basahin ang kalakip na file.
Para sa iba pang katanungan, huwag pong mahiyang tumawag sa center.

Simula sa Pag test hanggang sa Pagpapagaling - COVID-19 sa Hokkaido
2022.10.05

Simula sa pagpasok ng Setyembre, nagkaroon ng mga malaking pagbabago sa mga hakbang kaugnay ng COVID-19 sa maraming lugar tulad ng paraan ng pag test, lugar ng pagpapagaling at health consultation centers.

Mula sa impormasyong inilabas ng gobyerno ng Hokkaido at iba pang pang opisyal na mapagkukunan, ang Hokkaido Foreign Resident Support Center ay gumawa ng bagong summary na kung saan pinagsama ang mga impormasyong ito upang masagot ang mga ilang katanungan tulad ng “Saan maaaring kumunsulta kung nababahala na nahawahan?”, “Kung ako ay positibo ng COVID-19, anong medical support ang maaari kong matanggap?” o “Gaano katagal ang panahon ng pagpapagaling sa tahanan?” Makikita ang infographic upang masagot ang mga katanungang ito at iba pa. Narito ang outline ng mga nilalaman:

❶ Kung ikaw ay alala na nahawa ng COVID-19 – Testing at Magpatingin sa doktor
❷ Kung ikaw ay Positibo sa COVID-19 – Pagpapatala at Medikal na Konsultasyon
❸ Gaano katagal ang Panahon ng Pagpapagaling mula sa COVID-19? – Pagpapagaling at Paglabas
❹ Kung nangangailangan ng Suporta dahilan ng COVID-19 – Nilalaman ng Suporta

Para sa karagdagang impormasyon, basahin ang kalakip na file.

Hiling sa lahat ng naninirahan sa Hokkaido upang tumulong sa pagsugpo ng COVID-19 (Mula 1 OCT 2022)
2022.10.01

Mula sa petsang Setyembre 30, [Ang mga hakbang upang mapigilan ang pagkalat ng Impeksyon at makaiwas sa Presyur ng Healthcare System] ay tapos na. Gayon pa man, mula Oktubre 1, patuloy po kaming humihiling sa lahat ng naninirahan sa Hokkaido nang inyong pakikipagtulungan na masugpo ang COVID-19.

Para sa mas maraming impormasyon,mangyaring sumangguni sa mga dokumentong nasa ibaba.

Mga Bagong Pamamaraan upang maiwasan ang paglawak ng impeksyon at pagkakaroon ng presyon sa Sistema ng Medikal
2022.09.01

Bagamat makikita sa kasalukuyan na bumababa ang bilang ng kaso ng impeksyon sa Hokkaido, hinihiling sa mga mamamayan na sundin ang mga bagong measures upang maiwasan ang pagkalat ng impeksyon na makakapagdulot ng presyon sasSistema ng medical at upang maipagpatuloy ang gawin o okasyon ng sosyo-ekonomiko. Ang Pagpapatupad ng mga pamamaraan na ito ay simula ika 1 hanggang ika 30 ng Setyembre. Ito ay ang mga sumusunod.


*Mga Pamamaraan upang maiwasan ang pagkalat ng impeksyon at presyon sa Sistema ng medikal*
Pamamaraan ➊ Pangunahing panlaban sa impeksyon at bakuna laban sa COVID-19 (Para sa mga residente at mga nananatili sa Hokkaido) ※1
Pamamaraan ❷ Pamamaraan sa pagpapatuloy ng negosyo para tuluyang pagsasagawa ng mga sosyo-ekonomikong aktibidades(Para sa mga negosyo)
Pamamaraan ❸ Seguridad at Sapat na serbisyong pang kalusugan at medikal(Para sa Gobyerno ng Hokkaido)

※1 Kahilingan sa mga residente ng Hokkaido(Detalyadong impormasyon para sa Pamamaraan ➊)
・Wastong Pagpapatupad ng mga pangunahing panlaban sa impeksyonThorough (3 GAWAIN) at promosyon ng bakuna.
 ①Sa Pang araw-araw:
  ‐Iwasan ang 3 C, Ugaliin ang Social Distancing, Magsuot ng Mask, Maghugas at magdisinfect ng mga kamay, at siguraduhing may wastong bentilasyon.
  ‐Lubos na pag iingat ng mga may edad, may primary illness at mga taong makikisalamuha sa mga ito.
 ②Salu-salo:
  ‐Huwag magsalu-salo nang matagalan, iwasan ang pag inom ng maraming alak, huwag magsalita nang malakas o pasigaw at magsuot ng mask kung magsasalita.
 ③Eksamen:
  ‐Kung nababahala na maaaring nahawahan ng COVID-19, huwag mag atubiling magpa eksamen kahit na ano man ang estado ng bakuna
  (Ang mga walang sintomas ay makakapag pa eksamen nang libre sa mga lugar ng eksamen.
  Ang mga may sintomas ay kailangang pumunta sa pagamutan na tumatanggap ng pasyente kahit na may lagnatTr)
・Ikonsidera ang pagpapabakuna laban sa COVID-19: Ikonsidera ang pagpapabakuna, lalo na sa mga may edad na at sa mga kabataan.

※2 Ang pagkakaroon ng libreng ekasamen sa Hokkaido ay na extend hanggang Setyembre 30. Para sa karagdagang impormasyon, I click ang link sa ibaba (wikang Hapon lamang)
https://www.pref.hokkaido.lg.jp/covid-19/kensa_muryouka.html

Para sa impormasyon, basahin ang kalakip na dokumento.

Kahilingan para sa Kooperasyon ng buong mamamayan ng Hokkaido upang maiwasan ang pagkalat ng impeksyon sa Tag init
2022.08.10

  Ngayong Tag init ang Gobyerno ng Hokkaido, hangga’t maari ay hindi magpapataw ng anomang bagong paghihigpit sa kilos ng bawat isa at gagawa ng hakbang para maiwasan ang pagkalat ng impeksyon upang manatiling maisagawa ang mga pang sosyal at ekonomiyang aktibidades.
  Subalit, may alalahanin ukol sa mabilis na pagtaas ng bilang ng mga taong na impeksyon dahilan sa paghina ng immunity at pagkakaroon ng madalas na pakikihalubilo sa panahon ng summer vacation at paglabas ng bagong variant na BA.5
  Kaya hinihiling sa lahat ng residente ang kooperasyon sa pagsasagawa ng mga basic na pag iwas sa impeksyon upang ang lahat ay maipalipas nang maayos at ligtas ang summer vacation. Ang mga Kahilingan ay mga sumusunod.

** 3 Package ng COVID-19 Countermeasure para sa Tag init **
Adhikain ○1 Tiyakin na sapat o wasto ang probisyon ng mga pang medikal na pasilidad
(tutok sa Hokkaido area).
Adhikain ○2 Pag enganyo ng mga aksyon na makakabawas sa peligro ng impeksyon at pagpapabakuna ( tutok sa mga residente ng Hokkaido at mga bumibiyahe rito).*
Adhikain ○3 Balanseng pagpapatupad ng mga countermeasures at pagbalik ng sigla ng pang sosyal na ekonomiya (tutok sa mga negosyo)

*Kahilingan sa Kooperasyon ng mga Residente ng Hokkaido ( Detalye ng Adhikain ○2 )
・Wastong pagpapatupad ng countermeasures o panlaban sa impeksyon.(Lalo na kung nakikihalubilo sa mga may edad at sa mga masasabing may nararamdamang sintomas)
・Wastong pagsunod sa mga countermeasures lalo na sa mga nursing home, eskwelahan at nursery.
・Magpabakuna
・Magbasta ng mga kakailanganin sa oras na magka impeksyon (halimbawa ng pagkain, gamut at iba pa para sa 3 araw).
At doblehin ang ingat kung nakikihalubilo sa mga may sakit o primary illness na magiging delikado ang buhay kapag nahawahan.

Mangyaring tandaan na kahit na I upload na ang buod ng “3 Package ng COVID-19 Countermeasure para sa Tag init” (1 pahinang bersyon), ang buong bersyon na may 13 pahina ay I a upload agad matapos maisalin sa maraming wika.

Para sa detalye, basahin ang kalakip na file.

COVID-19 Vaccination Certificate (gagamitin sa loob ng Japan o pang Internasyonal)
2022.08.01

Sa dahilan na naging maluwag na sa pagpapatupad ng Pamamaraan Panlaban sa impeksyon at ang mga okasyon at pagpunta sa ibang bansa ay nabalik sa dati, maaaring maragdagan pa ang mga okasyon na kinakailangan ang COVID-19 Vaccine Certificate.
Ikaw ba ay nakapag aplay na ng iyong Vaccine Certificate?

Ang The Hokkaido Foreign Resident Support Center ay lumikha ng infographic base sa mga impormasyon mula sa Ministry of Health Labour, and Welfare na mas madaling maiintindihan ng lahat. Huwag mong mag atubiling sumangguni sa infographic kung kinakailangan.

Kahilingan para sa Kooperasyon ng buong mamamayan ng Hokkaido upang maiwasan ang pagkalat ng impeksyon sa Tag init
2022.07.15

 Ngayong Tag init ang Gobyerno ng Hokkaido, hangga’t maari ay hindi magpapataw ng anomang bagong paghihigpit sa kilos ng bawat isa at gagawa ng hakbang para maiwasan ang pagkalat ng impeksyon upang manatiling maisagawa ang mga pang sosyal at ekonomiyang aktibidades.
 Subalit, may alalahanin ukol sa mabilis na pagtaas ng bilang ng mga taong na impeksyon dahilan sa paghina ng immunity at pagkakaroon ng madalas na pakikihalubilo sa panahon ng summer vacation at paglabas ng bagong variant na BA.5
 Kaya hinihiling sa lahat ng residente ang kooperasyon sa pagsasagawa ng mga basic na pag iwas sa impeksyon upang ang lahat ay maipalipas nang maayos at ligtas ang summer vacation. Ang mga Kahilingan ay mga sumusunod.

1)Ipagpatuloy ang 3 aksyon sa pag iwas sa pagkalat ng impeksyon
2)Wastong pagsuot ng mask.
・Mangyaring magsuot ng mask kung magsasalita sa loob ng gusali, pakikihalubilo o pagkikita sa mga may edad na, mga taong may malubhang kapansanan o kung pupunta sa ospital.
・Upang maiwasan ang heat stroke, tanggalin ang mask kung nasa labas (maliban kung makikipag usap nang malapitan).
3)Mga Bakuna
・ Para sa mga may edad na at may malubhang kapansanan, mangyaring magpabakuna ng pang apat (booster).
・ Kung ikaw ay bata pa, mangyaring gamitin ang summer vacation sa pagpapabakuna ng pangatlo (booster).

Para sa karagdagang impormasyon, basahin ang kalakip na file.

Bilang karagdagan, ang libreng PCR Test ng Hokkaido ay na extend hanggang Agosto 31. I click ang link sa ibaba para sa impormasyon (Wikang Hapon lamang).
https://www.pref.hokkaido.lg.jp/covid-19/kensa_muryouka.html

Panahon ng bisa ng certificate of eligibility
2022.06.22

Alamin ang impormasyon sa nakalakip na dokumento.

Para sa mga katanugan, tumawag po nang diretso sa Immigration Bureau.
Para sa serbisyo ng interpretasyon, huwag pong mag atubiling tumawag sa center.

Mga Pagbabago na kaugnay ng Pamamaraan sa Landing Refusal at muling pag konsidera ng Cross-Border Travel Restrictions
2022.06.10

Noong ika-10 ng Hunyo, ang Immigration Services Agency (ISA) ay nagbago ng kanilang binuod na impormasyon ukol sa “Pamamaraan sa Landing Refusal upang maiwasan ang paglawak ng COVID-19 ant muling pag konsidera ng Cross-Border Travel Restrictions para sa mga banyaga.” Mangyaring basahin ang nasa ibaba para sa mga nabagong puntos.
〇 Mga Detalyadong halimbawa para sa permiso ng pagpasok/muling pag pasok sa bansa na nasa ilalim ng “espesyal na sitawasyon.” O hindi inaaasahang mga pangyayari.

① Sa mga baguhang papasok ng bansa upang bisitahin ang pamilya o kakilala *
Kung mag iimbita ng pamilya o kakilala na pumunta sa Japan, ang taong nag iimbita ay kinakailangang makumpleto ang mga sumusunod na paraan:
1) Gumawa ng invitation letter
Wikang Hapon: https://www.mofa.go.jp/mofaj/files/100351134.pdf
Ingles: https://www.mofa.go.jp/files/100351153.pdf
2) Magsumite ng Kasulatan ng Pagsumpa (ukol sa quarantine measures, at iba pa.) kung mg aaplay ng visa sa Embahada ng Japan na nasa ibang bansa.
Wikang Hapon: https://www.mofa.go.jp/mofaj/files/100351133.pdf
Ingles: https://www.mofa.go.jp/files/100351152.pdf

*Para sa mga bibisita sa mga kakilala, mabibigyan ng permiso ang pagpasok sa bansa kung nasa mga kalagayan na nakasaad sa ibaba
(A)Kung ang relasyon ay maitutulad bilang kamag-anak.
・Kasintahan
・Hindi man kasal subalit ang relasyon ay maitutulad bilang asawa.
(B)Kinakailangang bumisita sa bansa
・Pupunta sa kasal o burol
・Bibisitahin ang may sakit na kakilala
② Kung ang nakapagpatala sa MHLW’s Entrants, Returnees Follow-up System (ERFS) ayon sa Makabagong Pamamaraan (29) ay kumpleto na at may nakalabas na ang visa, ang mga sumusunod na kso ay mabibigyan ng permiso.
(1) Baguhang pagpasok sa bansa bilang temporary visitors (walang 3 buwan) dahilan ng pakay na pagnenegosyo o pagtatrabaho.
(2) Baguhang pagpasok bilang temporary visitors para mag sightseeing (bibigyan lamang ng permiso kung ang travel agent o tour guide ang tatayo bilang tatanggap na organisasyon)
(3) Baguhang Pagpasok bilang long-term stay

Para sa karagadgang impormasyon, basahin ang kalakip na file.

PAUNAWA: Ang mga Hakbang para sa landing Refusal ay pabago-bago Ang impormasyon na nasa itaas ay tama sa ngayong petsa na iak-10 ng Hunyo, 2022. Para sa pinakabagong impormasyon, mangyaring tingnan sa mga sumusunod na mga links
Immigration Services Agency of Japan (Hapon)
https://www.moj.go.jp/isa/hisho06_00099.html  

Ministry of Foreign Affairs of Japan (Hapon/ Ingles)
https://www.mofa.go.jp/mofaj/p_pd/pds/page25_002019.html

Ang special measures para sa mga nahirapang bumalik sa kanilang sariling bansa dahilan ng COVID-19 ay matatapos na.
2022.05.31

Noong Mayo 31, ang Immigration Services Agency ng Japan ay naglabas ng impormasyon ukol sa pagtatapos ng special measures para sa mga nahirapang umuwi ng kanilang sariling bansa dahilan ng COVID-19.
Ito ay ang mga sumusunod..

〇 Pag renew ng period of stay para sa mga nabigyan ng residence status dahilan sa kahirapang umuwi sa sariling bansa.
“Designated Activities (6 buwan)”→ “Designated Activities (4 buwan)”
“Temporary visitor visa (90 araw)”→“Temporary visitor visa (90 araw)”
※1-2 Maaaring mag renew. Ang numero na maaaring mag renew ay depende sa petsa ng pagpaso ng kasalukuyang period ng stay.

〇 Mga bagong aplikante ng residence status dahilan ng kahirapang umuwi sa sariling bansa.
Residence status na may kinalaman sa kahirapan sa pagbalik sa sariling bansa o pagpunta sa ibang bansa ay ipagkakaloob lamang kung ang period of stay ng aplikante na nasa residence status ay mapapaso bago mag Nobyembre 1, 2022 o mismong araw na ito.
※Ang pag renew ng anomang residence status na ipinagkaloob sa mga sumusunod na kaso ay hindi mabibigyan ng permiso.

※Aming lubos na nirerekomenda sa mga dating intern trainees na nakapasok sa bansa sa status of residence na specific activity (working holiday) at mga seasonal workers (Ski instructors, Hotel staff, at iba pa) na basahin ang mga nabagong special measures na nilalaman ng mga dokumento na nasa ibaba.

Para sa karagdagang impormasyon, basahin ang nakalakip na dokumento sa ibaba.

Kahilingan para sa Kooperasyon ng buong mamamayan ng Hokkaido upang maiwasan ang pagkalat ng impeksyon
2022.05.27

Dahilan sa nabawasan ang bagong pasyente na may impeksyon, ang 3 pamamaraan upang maiwasan ang paglawak ng impeksyon at kahilingang magpabakuna ng pangatlong beses ay patuloy na isasagawa. Ang Hokkaido ay gumawa ng bagong panukala o pagluluwag sa pagsuot ng mask at border control o travel advisory. Ito ay ang mga sumusunod:

1)Patuloy na pagpapatupad ng 3 pamamaraan panlaban sa impeksyon.
2)Pag papabakuna ng pangatlong beses o COVID-19 booster.
 ・Upang maiwasan ang maimpeksyon o ma ospital, tayo po ay magpabakuna.
3)Konsiderasyon sa pagsuot ng mask
・Ang pagsuot ng mask ay iba base o depende sa lugar, kung mag uusap o hindi, at layo ng agwat
sa bawat isa.
 ※Kung bibisita sa mga may edad na o pupunta sa ospital, mangyaring magsuot po ng mask.
4)Pagluluwag ng border control o travel advisory
 ・Simula sa buwan ng Hunyo, maaari ng lumapag ang international flight sa New Chitose Airport

Para sa karagadagang impormasyon, basahin ang kalakip na file.

Bilang karagdagan, ang libreng PCR Test ng Hokkaido ay na extend hanggang Hunyo 30. I click ang link sa ibaba para sa impormasyon (Wikang Hapon lamang).
https://www.pref.hokkaido.lg.jp/covid-19/kensa_muryouka.html

Notice regarding repayment forgiveness
2022.05.17

*Information about repayment exemptions and consultation desks

Pakiusap na pakikipagtulungan mula sa mga residente ng Hokkaido
2022.05.13

Noong Mayo 13, “Pakiusap na pakikipagtulungan mula sa mga residente ng Hokkaido upang maiwasan ang paglawak ng COVID-19 sa panahon ng tag-sibol” ay inedit. Ang mga sumusunod ay ang mga detalye.

★ 3 mga pagkilos upang pigilan ang paglawak sa panahon ng Tag-sibol
➊ 〔Sa araw-araw〕
・Iwasan ang 3Cs,ugaliin ang distansyang pisikal, magsuot ng mask, maghugas at disimpektahin ang mga kamay at siguradong bentilasyon
❷ 〔Kung kakain sa labas〕
・Gawing maigsing oras, iwasang uminom ng marami, pigilin ang paggamit ng malakas na boses at magsuot ng mask habang nag-uusap
❸ 〔Kung alala na ikaw ay nahawahan ng COVID-19〕
・Anuman ang iyong istado ng bakuna, magpatingin. (para lamang sa mga kaso ng asymptomatic)
★ Kumuha ng pangatlong booster na bakuna hangga’t maaari

※ Ukol sa pagsusuot ng mask sa labas: Ang mga temperaturang mataas at ang humidity ay dagdag sa panganib ng heatstroke. Mula ngayon, sa mga lantarang lugar kung saan may sapat na distansyang pisikal ng bawat isa ay tiyak (2 metro o higit,) ang pagtanggal ng inyong mask ay rekomendado.

Mangyaring tingnan ang kalakip na file para sa mga karagdagang detalye.

Bilang karagdagan, ang panahon upang makakuha ng libreng patingin sa mga itinalagang libreng patinginan na lugar sa Hokkaido ay pinahaba hanggang Mayo 31. Mangyaring tingnan ang link sa ibaba para sa mga karagdagang impormasyon. (Nihonggo lamang)
https://www.pref.hokkaido.lg.jp/covid-19/kensa_muryouka.html

Regarding “3 Actions to Prevent the Spread of COVID-19 during Golden Week”
2022.04.27

On April 27, Hokkaido government released additional information regarding “3 Actions to Prevent the Spread of COVID-19 During Golden Week.” See the attached document for details.

【Free PCR testing facility in Hokkaido】(Japanese)
https://www.pref.hokkaido.lg.jp/covid-19/kensa_muryouka.html
* Free testing sites will be open at major transportation hubs (Sapporo Station, Odori Station (2 locations), New Chitose Airport, Asahikawa Airport, and Hakodate Airport) for the entire Golden Week Period (April 28 ~ May 8).

【Information about COVID-19 vaccination in Hokkaido】(Japanese)
https://www.pref.hokkaido.lg.jp/hf/kst/covid/wakuchin_2.html

Regarding “Request for Cooperation to Prevent the Spread of COVID-19 during Golden Week”
2022.04.22

On April 22, Hokkaido government has made a request for cooperation to prevent the spread of COVID-19 during Golden Week. The details are as follows.

【Request for Cooperation to Prevent the Spread of COVID-19 during Golden Week】
All residents of and visitors to Hokkaido, please practice the following infection control actions
1. When visiting home or travelling:
- Conduct health check, and be careful about your physical condition
- If you are concerned about possibility of infection and wish to take the test, please take the test before departure
2. To travel safely and securely, please practice the “New Travel Etiquette”
3. If you are receiving vaccination during Golden Week, please make a reservation promptly in advance

For further details, please see the attached file.

【Free PCR testing facility in Hokkaido】(Japanese)
https://www.pref.hokkaido.lg.jp/covid-19/kensa_muryouka.html

【Information about COVID-19 vaccination in Hokkaido】(Japanese)
https://www.pref.hokkaido.lg.jp/hf/kst/covid/wakuchin_2.html

Hinggil sa “Hiling ng pakikipagtulungan mula sa mga naninirahan sa Hokkaido upang mapigilan ang pagkalat sa panahon ng Tag-sibol.”
2022.04.15

Ang mga “panukalang hakbang upang mapigilan ang muling-pagkalat ng impeksyon sa pagsisimula ng bagong piskal na taon” ay nagwakas noong Abril 17. Gayon pa man, upang mapigil ang muling-pagkalat ng impeksyon mula sa isang mabilis makahawang Omicron variant na may puersang BA.2, ang Gobierno ay nagdeklara ng “Hiling ng pakikipagtulungan mula sa mga naninirahan sa Hokkaido, upang mapigilan ang pagkalat ng impeksyon sa panahon ng Tag-sibol” umpisa sa Abril 18th. Ang mga detalye ay ang mga sumusunod.

【Hiling ng pakikipagtulungan sa mga residente ng Hokkaido upang mapigilan ang pagkalat sa panahon ng Tag-sibol】
Petsa: Abril 18, 2022 (Lunes) - Pansamantala
Target na lugar: Buong Hokkaido
Tatlong Pagkilos na hiling mula sa mga mamamayan ng Hokkaido
1.〔Pang-araw-araw〕
- Iwasan ang 3Cs, ugaliin ang pisikal na distansya, magsuot ng mask, disimpektahin ang mga kamay, siguruhin ang bentilasyon
2.〔Pagkain sa labast〕
- gawin sa maigsing oras, huwag uminom ng marami, iwasan ang malakas na boses, magsuot ng Mask habang nag-uusap
3.〔Kung nag-aalala na ikaw ay maaaring na-impeksyon ng COVID-19〕
- anuman ang iyong katayuan ng bakuna, magpatingin. (Kung ikaw ay walang sintomas, maaaring magpatingin sa isa sa mga Libreng Patinginan Lugar. Kung may sintomas, maaaring pumunta sa isang medical institution na tumatanggap ng mga outpatients na may lagnat)

Sumangguni sa nakalakip na file para sa mga karagdagang detalye.

Sa karagdagan, ang pagsasakatuparan ng panahon para sa libreng pagpapatingin at PCR at mga lugar nang pagpapatinginan sa Hokkaido ay pinahaba hanggang Mayo 31. Paki tingnan ang link sa ibaba para sa mas maraming impormasyon. (wikang Hapon lamang)
https://www.pref.hokkaido.lg.jp/covid-19/kensa_muryouka.html

Mga Magulang at Tagapag-alaga: “Bagong Paraan Sa Buhay Eskwela” Ang paliwanag ng “Suspensyon ng attendance”
2022.04.06

Ang Hokkaido Board of Education ay naglabas nang anunsyo para sa mga Magulang at mga Tagapag-alaga sa kanilang website noong Abril 6, 2022.

Para sa detalyeng impormasyon, basahin ang kalakip na file.

Para sa mga Lilipat ng Tirahan
2022.04.04

Sa Pagtatapos at pagpasok ng Taon ng Piskal ay napapadalas o nagkakaroon ng maraming okasyon o pagtitipon na kung saan ay malaki ang peligro ng impeksyon. Kaya upang maiwasan ang mabilis o malakas na makahawang Omicron variant at BA.2 variant, nararapat na isagawa ang mga pangunahing hakbang panlaban sa impeksyon. At ito ay ipinapahayag ng Gobyerno ng Hokkaido para sa mga lilipat ng tirahan.

Para sa detalye basahin ang kalakip na file.

Mga Hakbang Panlaban sa Impeksyon para sa katapusan ng Piskal na Taon
2022.03.18

Iniangat ang Quasi-State of Emergency sa Hokaido noong ika 21 ng Marso. Subalit ang bilang ng mga pasyente kada araw ay nananatili paring mahigit sa 1000 katao. At sa panahong ito ay may mga okasyon o aktibidades na inaasahan tulad ng pagtatapos sa paaralan at paghahanap ng trabaho. At dahil ditto, ang gobyerno ay nagdeklara ng “Mga Hakbang Panlaban sa Impeksyon para sa katapusan ng Piskal na Taon na sisimulan sa ika 22 ng Marso upang maiwasan ang muling paglawak ng bagong Omicron variant BA 2.na naglalaman ng mga sumusunod.

【Mga Hakbang Panlaban sa Impeksyon para sa Katapusan ng Piskal naTaon】
Panahon: Marso 22 (Martes) - Abril 17, 2022 (Linggo)
Mga target na Lugar: Buong Hokkaido
Kahilingan sa lahat nang residente ng Hokkaido:
〔Kung Lalabas ng tahanan〕
・Kung magbibiyahe sa ibang preperektura sa panahon ng Spring vacation, mangyaring umiwas sa 3 C, magsuot ng mask at siguraduhin ang wastong bentilasyon sa isang kulong na lugar.
※Nirerekomenda ang paggamit ng hindi pinagtahi-tahing mask
〔Kung dadalo sa salu-salo〕
・Lalo na sa pagpunta sa Welcome o Farewell party, piliing puntahan ang mga restawran na sertipikado ng Hokkaido Infection Prevention Measures o restawran na may wastong pagsasagawa ng mga hakbang panlaban sa impeksyon.
・Magsuot ng mask kung magsasalita, huwag magkalasing, huwag sumigaw o magsalita nang malakas at hangga’t maaari ay magsalu-salo sa loob ng maikling oras.
・Mas maging maingat at masidhing isagawa ang mga hakbang kung dadalo sa malaking salu-salo o ddadaluhan ng malaking bilang.

Para sa detalye, basahin ang kalakip na file.

Kabuuang Update Ng COVID-19 Kaugnay Suporta Para sa Indibiduwal
2022.03.07

Para sa detalyadong impormasyon, basahin po ang kalakip na file.

Para sa mga Negosyante sa Hokkaido na naging apektado ng malawak na pagkalat ng COVID 19
2022.03.07

Para sa detalyadong imprmasyon, basahin po ang kalakip na file.

*Para sa mga katanungan at interpretasyon, huwag pong mahiyang tumawag sa center.

Impormasyon ukol sa pag extend ng "Quasi-State of Emergency sa Hokkaido"
2022.03.04

Bagamat bumaba na ang bagong bilang ng impeksyon, may iba na naming omicron variant (BA2) na mas malakas makahawa at mabilis rin ang pagkalat. Napag alaman rin na may kaso na ito sa Hokkaido at upang maagapan ang paglawak nito, ang「Quasi-State of Emergency sa Hokkaido」ay na extend simula Marso 7 (Lunes) ~Marso 21, 2022(Lunes).

Hinihiling sa Mamamayan na ipatupad pareho ang Pangunahing mga hakbang panlaban sa impeksyon at pagsasagawa ng Panlipunang Aktibidades para sa pagbangon o ikabubuti ng Ekonomiya na isasagawa sa loob ng 2 linggo.

Para sa Detalye, basahin po ang kalakip na file.
.

Impormasyon ukol sa Pang Pinansyal na benepisyo para sa Samnahayan na exempted sa resident tax
2022.02.25

Ang Cabinet Office ay naglabas ng pahayag na magbibigay ng pinansyal na benepisyo para sa mga Sambahayan na exempted sa pagbabayad ng resident tax. At para makatanggap nito, kinakailangan ang proseso.

1. Maaaring makatanggap:
A) Sambahayan na ang buong miyembro ay「exempted sa Resident tax per capita」ng taong 2021.
B) Sambahayan na lumiit ang kita epekto ng COVID-19 at ang sweldo ng buong miyembro ay mas 「mababa sa batayan ng exemption sa pagbabayad ng resident tax」simula Enero 2021.
※B) Upang malaman ito, kumontak sa tinitirahang munisipyo. Kung ang dahilan ng pagliit ng kita ay hindi epektong COVID-19, hindi maaaring mag aplay.

2. Halaga na matatanggap
- 100,000 yen (1sambahayan )

3. Kailan matatanggap
- Magkakaiba depende sa Munisipalidad

4. Ukol sa Pag aplay
- A) Ang sambahayan tulad nito:Makakatanggap ng liham na kumpirmado ang aplikasyon mula sa munisipyo. Alamin ang nilalaman at ipadala sa munisipyo.
- B) Ang Sambahayan tulad nito:Kailangang mag aplay kung saan rehistradong munisipyo. Ipadala ang application form kalakip ang dokumento na magiging ebidensya ng kita sa munisipyo.

5. Kontak
- Tinitirahang Munisipyo
※Kung kailangan ng interpretasyon sa pag aaplay, kumontak po sa Center.

Para sa detalye, basahin ang kalakip na dokumento.

Weather Warning / Advisory
2022.02.21

Starting from February 20, 2022, weather warnings and advisories regarding blizzards have been announced.

For information about the current warnings and advisories, please check the Hokkaido Disaster Prevention Portal site.
https://www.bousai-hokkaido.jp
(Japanese, English, Chinese, Korean, Vietnamese, Thai, Tagalog, Spanish, and 5 more languages)

① Lifelines
- Road: https://info-road.hdb.hkd.mlit.go.jp/RoadInfo/index.htm (Japanese, English)
- JR: https://www.jrhokkaido.co.jp/ (Japanese, English, Chinese, Korean)
- Power: http://teiden-info.hepco.co.jp/ (Japanese only)

② Evacuation Site Information
https://www.bousai-hokkaido.jp/evacuation 
(Japanese, English, Chinese, Korean, Vietnamese, Thai, Tagalog, Spanish, and 5 other languages)

③ Disaster Information Mail Service
If you would like to receive disaster information updates via email, you can register using the link below.
https://mail.bousai-hokkaido.jp/
(Japanese, English, Chinese, Korean, Vietnamese, Thai, Tagalog, Spanish, and 5 other languages)

Impormasyon ukol sa kung Paano Haharapin ang Omicron Variant para sa mga Magulang at mga Tagapag-alaga
2022.01.25

Ang Hokkaido Board of Education ay naglabas nang anunsyo para sa mga Magulang at mga Tagapag-alaga sa kanilang website noong Enero 25, 2022. Ang nilalaman ay ang mga sumusunod:

Dahilan sa masusing pananaliksik ng Health Center, Ang kasambahay o pamilya ng taong may impeksyon ay nararapat suriin subalit pansamantala, maliban sa mga ito, ang mga taong may posibilidad na nahawahan ay nararapat na ring suriin.

Bilang Kapalit ng Health Center, ang pagsusuri kung napatunayan na may estudyanteng nagkaroon ng impeksyon ay ipapaubaya sa eskwelahan. At upang maiwasan ang pagkalat nito, alamin ang sitwasyon ng impeksyon at pagdesisyunan na isara muna ang eskwelahan.

Mga Kahilingan sa mga Magulang o Tagapag-alaga:
〇 Kung ang anak ay naging positibo ng COVID-19 o kumuha ng PCR Test, mangyaring ipaalam sa eskwelahan.
〇 Kung ang anak ay naging positibo ng COVID-19 at may nakasalamuhang kaibigan sa labas ng eskwelahan, mangyaring ipaalam sa pamilya nito.

※Ang Eskwelahan ay may listahan ng mga naging close contact ng taong may impeksyon, kaya mangyaring makiisa sa anumang pamamaraan ng eskwelahan.

Para sa detalyeng impormasyon, basahin ang kalakip na file.

Pangunahing Mga Hakbang sa Hokkaido simula Enero 27
2022.01.25

Dahilan sa patuloy na paglawak ng impeksyon ng Omicron sa Hokkaido, at ang porsyento ng okupadong higaan sa ospital ay lumagpas na sa Alertong Lebel 2 ng COVID-19 sa Hokkaido. Kaya ang Gobyerno ng Hokkaido ay nag anunsyo noong ika 25 ng Enero na ipapatupad ang Pangunahing mga Hakbang. Ang Buod ng impormasyon ay nasa ibaba.

【Pangunahing Mga Hakbang sa Hokkaido】
Panahon: Huwebes, Enero 27, 2022 – Linggo, Pebrero 20, 2022
Lugar: BuongHokkaido
Kahilingan sa mga Residente at mga Nananatili sa Hokkaido:
〔KUNG LALABAS〕
・Iwasan ang pagpunta sa mataong lugar o Malaki ang peligro na mahawahan.
・Iwasan ang hindi mahalagang pagbiyahe sa ibang Preperektura.
〔KUNG KAKAIN〕
・Iwasan ang pagpunta sa mga restawran pagkaraan ng pinaikling oras ng serbisyo nito..
・Kung pupunta sa kainan/inuman, gawin sa hanggang 4 na katao at ugaliin ang mga sumusunod:
(Maikling Oras) (Huwag Magsalita nang Malakas) (Huwag uminom nang marami) (Magsuot ng mask kung magsasalita)

Para sa impormasyon, tingnan ang kalakip na files.

Ano ang nararapat gawin kung may alalahanin na nahawahan ng COVID-19
2022.01.12

Alam mo ba kung saan nararapat kumunsulta kung may alalahanin na nahawahan ng COVID-19?

Ang Hokkaido Foreign Resident support Center ay lumikha ng Paskil (Infographic) na nasa iba’t ibang wika. Ito ay naglalaman ng mga impormasyon na inilabas ng Gobyerno ng Hokkaido ukol sa kung ano ang mga nararapat gawin kung may alalahanin na nahawahan ng COVID-19. Manyaring atin po itong basahin.
Ang Paskil na nasa iba’t ibang wika ay maaring I download mula sa link na nasa ibaba.

Upang Maiwasan ang Paglawak ng Impeksyon sa Panahon ng Taglamig
2022.01.07

Noong ika 4 ng Enero, napag alaman na may unang residente ng Hokkaido na nahawahan ng omicron variant at dahilan nito ay lumawak ang impeksyon sa buong rehiyon.

Sa kasalukuyan, ang Hokkaido ay nasa lebel 1, subalit kung patuloy na lalawak ang impeksyon ng omicron variant, ang antas ng alerto ay magiging lebel 2.

Hinihiling sa bawat residente ng Hokkaido na lalong mag ingat upang maiwasan ang paglawak ng impeksyon at iwasang pumunta sa mga lugar na nasa ilalim ng pangunahing hakbang tulad ng Hiroshima ken, Yamaguchi ken at Okinawa kung walang mahalagang pakay.

Kung may pangamba ukol sa impeksyon, mangyaring kumunsulta.
・Para sa may sintomas o hindi maganda ang timpla ng katawan, mangyaring sumangguni sa family doctor o Konsultasyon ukol sa Kalusugan (0120-501-507) (※Sa residente ng Sapporo, Hakodate, Asahikawa, or Otaru , mangyaring kumunsulta sa health center ng bawat lugar)
・Kung walang sintomas ngunit may pangamba ukol sa impeksyon, maaaring magpa eksamen sa lugar na nagbibigay ng libreng eksamen (Enero 8 hanggang Pebrero 7) lalo na sa mga nanatili sa mga lugar na malawak ang impeksyon ng omicron ( mnagyaring tingnan angf HP para sa detalye).

Para sa detalyadong impormasyon, basahin ang kalakip na file.

Para sa mga Banyagang lilisan ng japan na may permiso ng re-entry
2021.12.01

Ang muling pagpasok ng banyagang may status of residence, na natili ng 14 na araw bago ng paglapag, sa isa man sa mga itinilagang mga bansa/preperektura ng Ministry of Foreign Affairs and the Ministry of Health, Labor and Welfare ay hindi mapapayagang pumasok sa bansa maliban lamang kung may mahalagang dahilan o nasa natatanging sitwasyon, bilang pagpapatupad ng pamamaraan sa paglalakbay dahilan ng COVID-19.

Para sa detalyadong impormasyon, basahin po ang kalakip na file.

Mga Hakbang Sa Pagpigil Ng Impeksyon Ngayong Katapusan at Bagong Taon.
2021.11.30

Sa pagtatapos ng taon at sa darating na Bagong Taon ay malamang ang pagtaas ng mga taong bagong makikilala, gaya nang sa pagsasalu-salo sa Katapusan ng Taon at sa Bagong Taon, halimbawa, gaya ng mga party ng pagtatapos ng Taon, Bagong Taon, Pasko, Selebrasyon ng Pagsapit Sa tamang Gulang atbp. Noong nakaraang Taon, naitalang tumaas ang bilang ng mga bagong impeksyon sa Hokkaido matapos ang panahon ng bakasyon. Batay rito, at upang maiwasan ang paglawak ng impeksyon , nitong Nobyembre 30, ang Gobiyerno ng Hokkaido ay naghayag ng “Mga hakbang Sa Pagpigil Ng Impeksyon Ngayong Katapusan Ng Taon at Bagong Taon Na Bakasyon.” Sumangguni sa ibaba para sa pangkalahatang ideya ng mga hakbangin.

❆Mga Hakbang Sa Pagpigil Ng Impeksyon Ngayong Katapusan Ng Taon At Bagong Taon Na Bakasyon.
【Masusing Ipatupad Ang Mga Pangunahing Pamamaraan Ng Pag-iwas Sa Impeksyon】
・Umiwas sa 3 ‘C’
・Magsuot Ng Mask
・Pagtiyak sa Wastong Bentilasyon
・Ugaliin ang Paghuhugas at pag-sanitize ng mga kamay atbp.

【Sa Pagbiyahe / Pagbisita Sa Bahay】
Ibayong pagpapatupad ng tamang hakbang sa pag-iwas sa impeksyon, lalung-lalo na kung ang makakadaop-palad ay hindi regular na nakakasama.

【Sa Tapos Ng Taon /Bagong Taon Na mga Pagtitipon】
・Piliin ang mga restawran,atbp. Na sumusunod sa mga hakbang ng pag-iwas ng impeksyon, tulad ng mga Hokkaido Restawran na may sertipikadong taglay.
・Ipatupad ang “Tahimik na pagkain” (Maikling oras, Huwag iinom ng marami o malakas na boses, mag Mask kung magsasalita)
・Bigyang pansin at sundin ang mga guidelines kung kakain o iinom ng maramihan o kung hindi madalas makasama ang mga magiging kainuman.

Para sa mas maraming impormasyon, Paki tingnan ang kalakip na mga dokumento.

Upang Maiwasan ang Paglawak ng Impeksyon sa Panahon ng Taglamig
2021.11.19

Dahilan sa bumaba hanggang lebel 2 ang Sitwasyon ng Impeksyon sa Hokkaido at nakikita ang pagiging mabuti, ang 「Pamamaraang Panlaban sa Impeksyon para sa Panahon ng Taglagas」 ay tinapos noong Oktubre 31 (Linggo). Subalit sa dahilang lumalamig na ang panahon at nalalapit na ang pagpatak ng yelo, dumarami ang gumagamit ng stove sa loob ng bahay o gusali at mga nagsasara ng mga bintana kaya sisimulang ipatupad ang 「Pamamaraan upang Maiwasan ang paglawak ng impeksyon sa panahon ng Taglamig simula Nobyembre 1 (Lunes). Ito ay ang mga sumusunod.

❆Upang Maiwasan ang Paglawak ng Impeksyon sa Taglamig❆
11/1(Lunes)~ pansamantala

【Residente at mga Nanatili sa Hokkaido】
・Masidhing pagsasagawa ng mg a Pangunahing Pamamaraan
(Iwasan ang 3 C, Pagsuot ng mask, wastong bentilasyon, paghuhugas ng kamay at iba pa)

【Lalo na kung pupunta sa Kainan/Inuman】
・Pumunta lamang sa mga lugar na sertipikado ng Gobyerno ng Hokkaido
・Ugaliin ang “Mokushoku”o pagkain nang tahimik(maikling oras, huwag sumigaw, huwag uminom nang marami, magsuot ng mask kung magsasalita)

Para sa detalyadong impormasyon, basahin ang kalakip na file.

Bagong Pamamaran ukol sa Pagbibiyahe sa Ibang Bansa (19)
2021.11.05

Ang impormasyong ito na inilabas ng Ministry of Health, Labour and Welfare ukol sa outline ng [Bagong Pamamaraan ukol sa Pagbibiyahe sa Ibang Bansa (19)]. Kabilang sa pamamaraan na ito ang mga papasok sa Japan ay nararapat na magsumite ng Certificate of Examination mula sa kaugnay na ministry o ahensya nang maaga upang maging katibayan na ang tatanggap na organisasyon sa japan ay magiging responsible sa pamamahala sa kanilang magiging lagay, asal at iba pa. Ito ay ang mga sumusunod.

1.Pamamaraan ng Aplikasyon para sa mga tatanggap na organisasyon sa Japa
Ang mga nasa Japan na tatanggap na organisasyon na nais ipatupad ang pamamaraan na ito ay nararapat mag aplay sa kaugnay na ministry (na nasa ilalim ng jurisdiction ng taong kanilang tatanggapin).
・Application form/Application destination (Wikang hapon lamang)
https://www.mhlw.go.jp/stf/seisakunitsuite/bunya/0000121431_00318.html

※Ang ministry/agency na mamahala ay kakaiba ayon sa business. Mangyaring kumontak sa kaugnay na ahensya bago magsumite ng aplikasyon.
※Hindi kailangan ang mga papel sa aplikasyon, ito ay isasagawa sa pamamagitan ng e-mail o online system.
※Ang Certificate of Examination na inilabas ng kaugnay na ministry o ahensya ay kinakailangan. Ang [Bagong Pamamaraan] ay hindi maisasagawa kung wala ito.

2.Pamamaraan pagkatapos ng Aplikasyon
Kung ang tatanggap na organisasyon ay maagang nakakuha na ng numero ng Certificate of Examination mula sa kaugnay na ministry o ahensya, ang flight ng taong bibiyahe ay magiging kumpirmado, ang kaniyang impormasyon ay mai rerehistro sa WEB form na nasa Ministry of Health, Labour and Welfare.
※Para sa impormasyon kung paano mag aplay ng log in ID na kailangan upang makapagrehistro sa WEB Form, mangyaring sundin ang nakasulat sa information sheet na ipinamahagi ng namamahalang mistry o ahensya ng negosyo.
Paunawa sa Aplikasyon:
・Ang tatanggap na organisasyon ay nararapat na magsumite ng mga dokumento sa kaugnay na mistry o ahensya mula 3 linggo bago ang dating ng taong pupunta sa Japan.T
・Para sa mga baguhang papasok sa Japan, aabutin ng 2 linggo bago lumabas ang visa pagkatapos makakuha ng Certificate of Examination.

Kontak (binago):
「Bagong Pamamaraan ukol sa pagbiyahe sa ibang bansa(19)call center」※
・Telepono: 0120-220-027
       0120-248-668
       050-1751-2158
・Oras:9 am – 9 pm(maliban sa Sabado, Linggo at Araw ng Pista)
※Ang mga impormasyon ukol sa proseso ng [Bagopng Pamamaraan] ang maaaring sagutin.
Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring kumontak sa ministry o ahensya na nammahala ng aplikasyon.
※Wikang hapon lamang ang maaaring gamitin kung kokontak, Kung kailangan ng translator, mamgyaring kumontak po sa Hokkaido Foreign Resident Support Center.

Para sa buong detalye, tingnan ang mga files na nasa ibaba.

Para sa mga Magulang at mga Tagapag-alaga: Pagbabago sa paggamit ng pagsunpinde ng attendance.
2021.10.29

Ang Hokkaido Board of Education ay naglabas nang anunsyo para sa mga Magulang at mga Tagapag-alaga sa kanilang website noong Oktubre 29, 2021. Ang nilalaman ay ang mga sumusunod.

Dahilan sa ang buong Hokkaido ay bumaba sa alerting satage21” kay ang paggamit ng “pagsuspinde ng attendance” ay sisimulan sa ika 1 ng Nobyembre base sa manual ng pangangalaga ng kalusugan o kalinisan na ibinasta ng Gobyerno.

〇 Kung ang kasambahay ay may sintomas ng sipon, ang pagsuspinde ng attendance upang maiwasan ang pagkahawa ay hindi magagamit.
〇 Kung ang inyong anak mismo ang may sintomas ng sipon, ang pagsuspinde ng attendance upang maiwasan ang pagkahawa, ay patuloy na magagamit.
※Mangyaring kumunsulta sa eskwelahan kung nais lumiban sa klase ng inyong anak sa eskwela dahil sa pangamba na siya ay mahawahan.

Upang makaiwas sa peligro ng maramihang pagkahawa sa loob ng eskwelahan, ang lahat ng mga magulang at tagapag-alaga ay hinihiling na makiisa sa pamamahagi ng impormasyon kung ang anak o kasambahay ay may duda na may impeksyon

Para sa detalyeng impormasyon, basahin ang kalakip na file.

Espesyal na Pamamaraan para sa Panahon ng Taglagas upang maiwasan ang paglawak ng COVID-19
2021.10.13

Ayon sa Press Conference ng Gobernador ng Hokkaido noong ika-13 ng Oktubre, ang kasalukuyang bilang ng kaso ng impeksyon ay hindi na naragdagan kaya ang Espesyal na Pamamaraan Panlaban sa impeksyon ay matatapos sa ika-14 ng Oktubre at mula ika-15 ng Oktubre, ang lungsod ng Sapporo ay susunod sa mga Pamamaraan na ipinapatupad sa ibang lugar sa Hokkaido Atin pong basahin ang binuod na ipapatupad na pamamaraan na nasa ibaba.

Mga Pamamaraan mula (10/1~10/31)
★ Mga Pamamaraan para sa Taglagas upang maiwasan ang paglawak ng impeksyon

〇Kahilingan sa mga Residente ng Hokkaido
‐ Ugaliing lumabas ng tahanan sa loob lamang ng 4 katao at umiwas sa mataong oras at lugar.
‐Kung pupunta sa kainan/inuman: Pumunta sa mga lugar ng kainan o inuman na mga nagpapatupad ng pamamaraan panlaban sa impeksyon, ugaliin ang “mokushoku” o pagkain nang tahimik, pumunta nang nasa 4 o wala sa 4 na katao, kumain o uminom sa maikling oras, huwag damihan ang pag inom ng alak, huwag humiyaw o magsalita nang malakas,at magsuot ng mask kung hindi kumakain
-Sumunod sa mga Pamamaraang isinasagawa ng pinuntahang lugar ng inuman/kainan. Iwasang pumunta sa lugar na hindi maayos ang pagpapatupad nito.
‐ Hangga’t maaari ay iwasang maglakbay sa mga lugar na mataas ang rate ng impeksyon kung walang mahalaga o madaliang pakay.

〇 Kahilingan sa mga lugar ng kainan/ Inuman
- Huwag gumamit ng karaoke sa mga lugar ng kainan/ inuman
- Bilang patakaran, nararapat na hanggang 4 katao lamang ang nasa 1 mesa ng isang grupo

Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring basahin ang kalakip na dokumento.

Para sa lahat ng Negosyante sa Hokkaido: ukol sa Itinanging Suportang Pinansyal mula sa Gobyerno ng Hokkaido
2021.10.11

Sa mga Negosyante na nakiisa sa pagpapatupad ng mga Pamamaraan Panlaban sa impeksyon tulad ng pagpapaikli ng oras ng serbisyo, ang Gobyerno ng Hokkaido ay magkakaloob ng Suportang Pinansyal na nakasaad sa ibaba.

【Itinanging Suportang Pinansyal A】
 Simula sa panahon ng taglagas noong isang taon, nakailang ulit ang paglawak ng impeksyon at ang Gobyerno ng Hokkaido ay humiling sa mga negosyante na paikliin ang oras ng serbisyo, pag iwas sa pagparoon parito sa mga karatig lugar at nag iwan ng malaking epekto sa ekonomiya. Kaya ang Gobyerno ng Hokkaido ay magkakaloob ng Suportang Pinansyal sa mga negosyante tulad ng restawran at iba pang lugar ng inuman na pinaikli ang oras ng serbisyo ang mga naging apektado ng kahilingang iwasan ang pagparoon parito sa karatig lugar, at iba pa.

【Itinanging Suportang Pinansyal B】
 Simula noong Abril, ating patuloy na isinasagawa pre emergency at pang emerhensyang pamamaraan panlaban sa impeksyon kaya ang mga nakiisang mga negosyante at nagkaroon ng malaking epekto tulad ng pagpapaikli ng oras ng negosyo, pagsasara at malaking epekto dahilan ng kahilingang iwasan ang paglabas ng tahanan na hindi naging saklaw ng pang buwanang suporta ng ponansyal ay pagkakalooban ng ang suporta para sa pagpapatuloy ng kanilang negosyo.

【itinanging Suportang Pinansyal C】
 Simula Agosto, ang bagong Hokkaido Tokubetsu Shienkin (Itinaging Suportang Pinansyal ng Hokkaido) ay ipagkakaloob sa mga hindi nagging saklaw ng Suportang Pinansyal para sa pakikiisa at pagsunod sa mga Pamamaraan Panlaban sa Impeksyon tulad ng pagpapaikli ng oras ng serbisyo, pagsasara at nagkaroon ng malaking epekto sa pagpapatakbo ng negosyo

★Panahon ng Aplikasyon★
Hokkaido Tokubetsu Shienkin A (Itinanging Suportang Pinansyal A): Abril 1, 2021 hanggang Enero 31, 2022
Hokkaido Tokubetsu Shienkin B (Itinanging Suportang Pinansyal B): Hulyo 2, 2021 hanggang Enero 31, 2022
Hokkaido Tokubetsu Shienkin C (Itinanging Suportang Pinansyal C): Oktubre 12, 2021 hanggang Enero 31, 2022

Para sa impormasyon, mangyari pong I check ang mga leaflet na nasa ibang Wika (Ingles, Tsina, Koreano at Vietnamese)

Para sa detalyadong impormasyon, I click po ang link sa ibaba (wikang hapon lamang)
https://www.pref.hokkaido.lg.jp/kz/csk/tokubetsushienkin/01top.html

Para sa mga katanungan:
Hokkaido Tokubetsu Shienkin Call Center
(Hokkaido Prefectural Government Special Support Subsidy Call Center)
TEL: 011-351-4101 (Wikang Hapon lamang)
Oras ng pagtanggap: 8:45 - 17:30(karaniwang araw lamang)
※Maaaring tumawag kung Sabado at Linggo sa buwan ng OktubreS
※Para sa interpretasyon, mangyaring kumontak po sa Hokkaido Foreign Resident Support Center.

Pag extend ng Panahon ng Renewal ng Lisensya sa Pagmamaneho at mga Hakbang para sa mga Paso ng Lisensya
2021.10.01

Nagkaroon ng pagbabago sa dating inilathalang impormasyon ukol sa mga gabay sa pag- extend ng panahon ng renewal ng lisensya sa pagmamaneho at mga hakbang para sa mga paso ng mga lisensya dahilan ng COVID-19.

Partikular na ang aplikasyon para sa extension ng panahon ng renewal ay na- extend, at ito ay sinimulan na para sa mga aplikante na ang panahon ng renewal ay hanggang Disyembre 28, 2021 (Subalit hindi kabilang dito ang mga paso na ang lisensya)

Basahin po ang kalakip na file para sa karagdagang impormasyon.

Espesyal na Pamamaraan para sa Panahon ng Taglagas upang maiwasan ang paglawak ng COVID-19
2021.09.29

Dahilan ng pangkalahatang pagkabuti ng sitwasyon ng impeksyon sa Hokkaido at bumaba ang bilang ng bagong kaso ng impeksyon sa lebel ng Stage 3, ang State of Emergency sa Hokkaido ay iniangat noong ika 30 ng Setyembre (Huwebes).

Subalit, sa kabila ng pagkabuti ng sitwasyon at mabilis na progreso ng bakuna, ang Gobyerno ng Hokkaido ay magpapatupad ng Espesyal na Pamamaraan para sa panahon ng Taglagas mula Oktubre 1 upang maibalik ang ating normal na pamumuhay, masugpo ang malakas makahawang virus at pigilin ang paglawak ng impeksyon.
Atin pong basahin ang binuod na ipapatupad na pamamaraan na nasa ibaba.

1. Mga Pamamaraan para sa buong Hokkaido (10/1~10/31)
‐Sa Pang araw-araw na pamumuhay:Kabilang sa pag iwas sa “3 C”(Closed spaces, Crowds, at Close contact) ugaliin rin ang iba pang pamamaraan tulad ng pagsuot ng mask, paghuhugas ng kamay, pag disinfect, distansya sa bawat isa, dobleng ingat kung pupunta o dadalo sa mga event na kung saan malaki ang peligro ng impeksyon.
‐Kung lalabas ng tahanan: Hangga’t maaari ay iwasang maglakbay sa mga lugar na mataas ang rate ng impeksyon. kung walang mahalaga o madaliang pakay. At bilang karagdagan, kung hindi makakaiwas sa impeksyon,iwasan rin ang paglalakbay sa Sapporo kung walang mahalagang pakay.
‐Kung pupunta sa kainan/inuman: Pumunta sa mga lugar ng kainan o inuman na mga nagpapatupad ng pamamaraan panlaban sa impeksyon, ugaliin ang “mokushoku” o pagkain nang tahimik, pumunta nang nasa 4 o wala sa 4 na katao, kumain o uminom sa maikling oras, huwag damihan ang pag inom ng alak, huwag humiyaw o magsalita nang malakas,at magsuot ng mask kung hindi kumakain (halimbawa, kung magsasalita o aalis sa kinauupuan at iba pa.).

2.Pagpapatupad ng mas mahigpit na pamamaraan sa Sapporo (10/1~10/14)
‐Kung lalabas ng tahanan:Hangga’t maaari ay iwasang maglakbay sa mga lugar na mataas ang rate ng impeksyon kung walang mahalaga o madaliang pakay. At bilang karagdagan, kung hindi makakaiwas sa impeksyon,iwasan rin ang paglabas ng tahanan kung walang mahalagang pakay lalu na pagkalipas ng alas 9 ng gabi.
‐Kung pupunta sa kainan o inuman: Huwag pumunta sa mga lugar ng kainan o inuman pagkaraan ng alas 9 ng gabi, at huwag uminom ng alak sa labas pagkaraan ng alas 8 ng gabi.
-Kung pupunta sa kainan/inuman:
Ang mga lugar ng kainan/inuman ay maaaring magbigay ng serbisyo mula 5 am hanggang 8 pm (ang pag serve ng alak ay hanggang 7:30 pm)
*Ang mga lugar na Sertipikado ng Gobyerno ng Hokkaido ay maaring magbigay ng serbisyo hanggang 9 pm (ang pag serve ng alak ay hanggang 8 pm).

Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring basahin ang kalakip na dokumento.

Amin pong ilalathala ang mga detalyadong impormasyon ukol sa kung Paano nakaka apekto ang mga pamamaraan na ito sa mga eskwelahan, negosyo, okasyon at iba pa sa lalong madaling panahon matapos maisalin sa iba’t ibang wika.

Update Ng Hokkaido Vaccination Center
2021.09.28

Ang Hokkaido Vaccination Center ay hindi na tumatanggap ng reserbasyon para sa unang dose na bakuna ng COVID-19. Mula Biyernes, Septiyembre 24, ang mga isasagawa lamang ay ang mga pang-pangalawang dose ng bakuna.

○Karapat-dapat tumanggap Ng Bakuna
Para sa mga nakatanggap na nang kanilang unang dose ng Bakuna mula sa Hokkaido Vaccination Center, at nakapag-reserba na para sa kanilang pangalawang dose.

○Mga Katanungan
Hokkaido Vaccination Center WEB Reservation Support Dial
TEL: 050-3851-0181 (Nihonggo po lamang)
Oras: 9:00 AM – 6:00 PM (kasama ang Sabado at Linggo at Pistang Pangiling, ang hotline ay bukas tuwing Martes at Biyernes hanggang 8:30 PM)
*Kung kayo ay nangangailangan ng tulong ng Tagasalin, makipag-ugnayan O tumawag sa Hokkaido Foreign Resident Support Center.

Para sa mga karagdagang detalye, Paki tingnan ang kalakip na file.

Ang State of Emergency ng Hokkaido ay pinahaba hanggang Ika 30 ng Septiembre
2021.09.10

Bagama’t ang bilang ng impeksyon sa Hokkaido ay bumababa na, ang tulin naman ng impeksyon at mga nao-ospital sa Sapporo ay lampas pa rin sa national stage 4 guidelines. Sa karagdagan, ang tulin ng Pambansang impeksyon ay mataas pa rin at ang uring Delta ay mas malakas ngayon. Batay sa kaisipang ito, ang emerhensyang hakbang ay pinahaba hanggang Ika-30 Ng Septiembre. Ang pagpapahabang ito ay upang siguraduhin ang pinakamataas na pangangalaga upang mapigilan ang pagdami nang mga kaso sa panahon ng Silver Week, ang panahon na inaasahang may mataas na trapiko.

Wala pong pagbabago ang mga kahilingan sa mga residente ng, at mga bisita sa Hokkaido. Hinihiling po namin ang inyong patuloy na pakikipagtulungan sa masusing pagsasakatuparan sa hakbang pag-pigil ng impeksyon na naibanghay na hanggang ngayon.

★Mga Pamamaraan ng Hokkaido para sa State of Emergency★
- Panahon: Hanggang Septiembre30
- Detalye para sa mga Saklaw na lugar:
❶ Itinalagang lugar para sa Pamamaraan: Sapporo, Ebetsu, Chitose, Eniwa, Kitahiroshima, Ishikari, Tobetsu, Shinshinotsu, Otaru and Asahikawa
❷ Lahat Ng ibang Munisipyo

Gayon pa man, mangyaring tandaan na, mayroong ilang pagbabago ukol sa hiling at hiling sa pakikipagtulungan sa mga restoran atbp. *

❶ Itinalagang lugar para sa Pamamaraan
・Mga lugar na nagbebenta ng mga inuming alak at mga karaoke ay dapat sarado
・Ang mga iba’t-ibang mga negosyo ay dapat limitado ang oras ng trabaho mula alas Singko ng umaga hanggang alas Otso ng gabi.(5 AM - 8 PM)
❷ Lahat Ng ibang Munisipyo
・Mga negosyong nagbebenta ng alak ay mula 11 AM - 7:30 PM lamang sa ilalim ng ilang kundisyones
・Ang oras ng trabaho ay dapat limitado mula 5 AM hanggang 8 PM
*Ang pagbibigay Suporta ay makukuha ng mga may negosyo na susundin ang mga nakasaad na kahilingan. Mangyaring tingnan ang website Ng Hokkaido website para sa mga detalye.

Ang mga detalyadong impormasyon para sa mga Eskwelahan, mga kaganapan, mga negosyo, atbp. Ay ilalathala sa aming website sa susunod.

Para sa mas maraming impormasyon, paki sangguni ang kalakip na dokumento.

Para sa mga dayuhang nagnanais magpabakuna sa COVID-19.
2021.09.04

Ang abiso na may pamagat na, ”Para sa mga dayuhang nagnanais magpabakuna sa COVID-19” –Matatanggap mo na ang iyong Kupon sa Pagpapabakuna sa COVID-19!” ay nailathala na sa homepage ng Immigration Services Agency ng Japan. Paki tingnan ang nilalaman na nakasaad sa ibaba.

➊ Mangyaring siguraduhing buksan ang sobreng natanggap mula sa inyong lokal na munisipalidad kung saan may nakasulat na “コロナ(COVID-19)” at/o kaya “ワクチン(Bakuna)” at kumpirmahin ang mga nilalamang dokumento.
❷ Ang Kupon sa Pagpapabakuna sa COVID-19 ay sunud-sunod na ipinapadala. Makakakuha kayo ng ideya kung Kaylan darating ang inyong Kupon sa pamamagitan ng pagsuri ng mga anunsyo mula sa Munisipalidad (sa website ng Munisipalidad atbp).
❸ Kung nakatira ka sa address na iba sa address na nakasulat sa inyong residence card, mangyaring agad na pumunta sa tanggapan ng inyong Munisipyo at kumpletohin ang proseso ng pagpalit ng inyong address.
❹ Pagkatanggap mo ng Kupon sa Pagpapabakuna sa COVID-19, mangyaring magpareserba at magpabakuna alinsunod sa nilalaman ng “Notipikasyon sa Pagpapabakuna sa COVID-19”. Kung mayroon kayong anumang katanungan, mangyaring makipag-ugnayan sa kahit alin sa nakatalang bilang na nakasaad sa ibaba ➀ hanggang ➃ para sa mas karagdagang paglilinaw.

➀ Lokal na munisipalidad (tawagan ang numero na nakasulat sa sobre)
➁ Call Center Ng PagpapabakunasaCOVID-19 (MHLW)
TEL: 0120-761-770 (libre pagtawag)
Oras ng pagtanggap: tingnan sa ibaba (araw-araw, pati ang Sabado, lingo at holidays)
・Japanese, English, Chinese, Korean, Portuguese, Spanish: 9:00 a.m. hanggang–9:00 p.m.
・Thai: 9:00 a.m. hanggang –6:00 p.m
・Vietnamese 10:00 a.m. hanggang – 7:00 p.m.
➂ Foreign Residents Support Center FRESC Help Desk
  TEL: 0120-76-2029 (libreng tawag)
  Oras ng pagtanggap: 9:00 a.m.hanggang - 5:00 p,m, (karaniwang araw lamang)
  Mga Wika: Labing-walong Wika, Kabilang ang Nippongo, Ingles, Tsina, Koreano, Biyetnam, Tagalog, Thai at Espanyol.
➃ Hokkaido Foreign Resident Support Center
  TEL: 011-200-9595
  Oras ng pagtanggap: 9:00 a.m. hanggang - 5:00 p.m. (Karaniwang araw lamang)
  Mga Wika: Labing-Isang Wika, Kabilang ang Nippongo, Ingles, Tsina, Koreano, Biyetnam, Tagalog, Thai at Espanyol.

Paki tingnan ang kalakip na file para sa mga detalye.
https://www.moj.go.jp/isa/support/portal/information_covid19.html

Ang Aplikasyon para sa「Suportang Benepisyo sa Pamumuhay ng mga apektado ng COVID 19」ay na extend
2021.09.01

Para sa mga natapos na ang muling paghiram sa General Support Fund, ang aplikasyon para sa 「Suportang Benepisyo sa Pamumuhay ng mga apektado ng COVID-19」na dapat ay natapos noong katapusan ng Agosto ay na extend hanggang katapusan ng Nobyembre. Ang mga nilalaman ng benepisyo ay walang pagbabago.

Para sa karagdagang impormasyon, basahin ang kalakip na file o I click ang link sa ibaba.
https://corona-support.mhlw.go.jp/shien/index.html 

Para sa mga hindi pa tapos ang muling paghiram sa General Support Fund, I click ang link sa ibaba.
https://corona-support.mhlw.go.jp/seikatsufukushi/general/index.html

Kontak:Konsultasyon para Suportang Benepisyo sa Pamumuhay ng mga apektado ng COVID-19 Call Center
 ・Telepono:0120-46-8030
・Oras ng Pagtanggap:9:00~17:00(karaniwang araw)
※Para sa mangangailangan ng interpretasyon, huwag pong mahiyang tumawag sa center.

Para sa mga Magulang at mga Tagapag-alaga ~Pansamantalang Pagsasara at Aral online.~
2021.08.27

Ang Hokkaido Board of Education ay naglabas nang anunsyo para sa mga Magulang at mga Tagapag-alaga sa kanilang website noong Agosto 27, 2021. Ang nilalaman ay ang mga sumusunod.

Ang Hokkaido Board of Education ay magpapatuloy na itaguyod ang pag-aaral at mga pagsusumikap upang magarantiyahan ang pag-aaral para sa mga kabataang hindi makapasok sa eskwelahan dulot ng pansamantalang pagsasara o pagsususpinde ng pagpasok dahil sa epekto ng COVID-19 sa pamamagitan ng paggamit ng ICT gaya ng personal computers.

【Pansamantalng Pasya ng Pagsara batay sa suri ng Health Center】
➊ Kumuha ng PCR Test (Sintomas ng sipon → kumuha ng PCR Test → kumontak sa Eskwelahan)
❷ Positibong Resulta (kumuha ng resulta mula sa Doktor / health center → ipagbigay-alam sa Eskwelahan ang resulta)
❸ Pansamantalang Pagsasara (Suri ng Health Center → Pansamantalang Pagsasara → Aral Online)

【Aral Online habang pansamantalang sarado, walang pasok sa Eskwela】
★Prefectural Schools★
 ➊ Paggamit ng tablets, computers, at smartphones, atbp. Mag-aral sa bahay.
 ❷ Mag-umpisa Ng Aral online.
 ❸ Sa araw ng pagpasok, ang mga guro ay nagbibigay ng evaluation at suporta sa aralin.
★Elementarya at Junior High Schools★
 ➊ Mag-uwi ng computer o tablet, atbp. Mula sa Eskwelahan.
 ❷ Mag-umpisa ng Aral online.
 ❸ Suportang bigay sa mga pamilya.
 ❹ Sa araw ng pagpasok, ang mga guro ay nagbibigay ng evaluation at suporta sa aralin.

Para sa mas maraming detalye, paki tingnan ang kalakip na file.

Quasi-Emerhensyang Hakbang ay na Extend (~ 9/12) at Pinalawak hanggang sa Asahikawa
2021.08.18

Dahil sa pagdami ng bilang ng kasong COVID-19 sa Hokkaido ang Gobyerno ng Hokkaidoay nagpahayag na ang Quasi-Emerhensyang Hakbang ay i e extend hangggang Setyembre 12. Naging kabilang rin ang Asahikawa sa mga pangunahing siyudad o lugar. Atin pong basahin tingnan ang mga outline ng mga na-update na hakbang na nasa ibaba.

★Quasi-Emerhensyang Hakbang Sa Hokkaido (Binago noong Agosto 18)★
Panahon: Hanggang Setyembre 12, 2021
Mga Lugar:
❶ Mga Pangunahing Lugar: Sapporo, Ebetsu, Chitose, Eniwa, Kitahiroshima, Ishikari, Tobetsu, Shinshinotsu, Otaru at Asahikawa
❷Lahat nang mga iba pang munisipalidad.

❶Kahilingan para sa mga Residente ng, at mga bisita sa mga Pangunahing lugar
・Iwasan ang mga hindi mahalaga, apurahang pagbiyahe o ‘di kaya pagliliwaliw.
・Bawasan nang kalahati ang pagpunta sa mataong lugar.
・Ang oras ng serbisyo ng mga lugar ng kainan o inuman, at iba pa ay kailangan sa pagitan ng 5AM at 8PM ( hindi puedeng magbenta ng alak).
・Bawasan ang pakikipag salu-salo sa hindi kasambahay
・Maliban lang kung talagang kinakailangan, huwag magbiyahe ng paroo’t parito sa ibang mga prepektura.

❷Kahilingan para sa mga residente at mga bisita ng Hokkaido
・Iwasan ang mga hindi mahalaga, apurahang pagbiyahe o ‘di kaya pagliliwaliw,
・Iwasan ang hindi mahalaga, apurahang pagbiyahe na paroo’t- parito mula sa mga Pangunahing lugar.
・Maliban lang kung talagang kinakailangan, huwag mag paroo’t- parito sa mga ibang prepektura.

Para sa karagdagang impormasyon, paki sangguni po sa nakalakip na dokumento (Ingles)

Quasi-Emerhensyang Hakbang Pinalawak Sa Hokkaido (8/14 ~ 8/31)
2021.08.14

Dahil sa pagdami ng bilang ng kasong COVID-19 sa Hokkaido sa mga lugar gaya ng Ishikari Subprefecture, ang Pamahalaan ng Hokkaido ay nagpahayag na ang mga lugar na nagunguna sa Quasi-Emerhensyang Hakbang ay pinalawak kasama na ang mga Siudad ng Ebetsu, Chitose, Eniwa, Kitahiroshima, Ishikari, Bayan ng Tobetsu , Nayon ng Shinshinotsu, at Otaru. Paki tingnan sa ibaba ang mga outline ng mga na-update na hakbang.

==================================
Quasi-Emerhensyang Hakbang Sa Hokkaido:
Panahon: August 14 - 31, 2021
Mga Lugar:
❶ Pangunahing mga Lugar: Sapporo, Ebetsu, Chitose, Eniwa, Kitahiroshima, Ishikari, Tobetsu, Shinshinotsu, Otaru
❷Lahat nang mga iba pang munisipalidad.

❶Kahilingan para sa mga Residente ng, at mga bisita sa mga Pangunahing lugar
・Iwasan ang mga hindi mahalaga, apurahang pagbiyahe o ‘di kaya pagliliwaliw.
・Oras ng negosyo para sa mga Kainan ay kailangang sa pagitan ng Alas 5:00 ng umaga hanggang Alas 8:00 ng gabi ( hindi puedeng magbenta ng alak).
・Maliban lang kung talagang kinakailangan, huwag magbiyahe ng paroo’t parito sa ibang mga prepektura.

❷Kahilingan para sa mga residente at mga bisita ng Hokkaido
・Iwasan ang mga hindi mahalaga, apurahang pagbiyahe o ‘di kaya pagliliwaliw,
・Iwasan ang hindi mahalaga, apurahang pagbiyahe na paroo’t- parito mula sa mga Pangunahing lugar.
・Maliban lang kung talagang kinakailangan, huwag mag paroo’t- parito sa mga ibang prepektura.

Para sa karagdagang impormasyon, paki sangguni po sa nakalakip na dokumento

Mga Updated na impormasyon para sa mga negosyo, paaralan, event organizers, at iba pa. ay ia-upload sa aming website sa oras na natapos na ang pagsasalin.

Para sa mga Magulang o Taga pag alaga~Kung Paano haharapin ang napakalakas na impeksyon ng Delta variant(Mula sa Hokkaido Board of Education)
2021.08.13

Ang Hokkaido Board of Education ay naglathala ng impormasyon sa kanilang homepage para sa mga magulang
o taga pag alaga. Ito ay binuod na nakasaad sa ibaba.

Sa kasalukuyan, makikita na tumataa ang porsyento ng paglawak ng impeksyon ng Delta variant na mahigit sa 85 % ng kaso ng COVID-19. Ang eskwelahan at mga aktibidades nito ay muling nagbukas pagkatapos ng bakasyon. Kaya muling hinihiling sa mga magulang o tagapag alaga ang kooperasyon sa pagsasagawa ng mga Pamamaraan ng panlaban sa impeksyon katulad ng mga sumusunod.

- Kung ang inyong anak o miyembro ng pamilya ay may sintomas, mangyaring manatili po sa tahanan
- Kung ang inyong anak ay mag papa swab test (PCR Test o antigen Test), mangyaring ipaalam sa
eskwelahan.
- Makipagtulungan po tayo na mawala ang pagsasabi ng masama o pang aalipusta ng kapwa sa
pamamagitan ng social media.

Para sa karagdagang impormasyon, basahin ang kalakip na file.

Pamamaraan sa Hokkaido na halos katulad ng pang Emerhensya (8/2)
2021.07.31

Dahilan ng pagdami ng bilang ng impeksyon ng COVID-19 sa Hokkaido, at ang sa Sapporo ay halos lalagpas na sa bilang sa nakaraang State of Emergency (katumbas ng Stage 5 sa Pang Nasyonal na lebel), at ang kasabay rin ang paglawak ng impeksyon ng Delta variant, nagkaroon ng pahayag ukol sa Pamamaraan na halos katulad ng Pang Emerhensya noong ika 31 ng Hulyo. Ang Pamamaraang ito ay magiging epektibo simula Agosto 2 hanggang Agosto 31. Mangyaring basahin ang buod na pahayag na nasa ibaba.

Pamamaraan sa Hokkaido na halos katulad ng pang Emerhensya:
Panahon: Lunes, Agosto 2, 2021 – Linggo Agosto 31, 2021
Mga Apektadong Lugar:
1. (Pamamaraan na halos katulad ng pang Emerhensya): Sapporo
2. (Mga lugar na wala sa ilalim ng Pamamaraan): Lahat ng ibang Munisipalidad

1. Kahilingan sa lahat ng Residente at Nananatili sa Sapporo
・Iwasang lumabas ng tahanan o magbiyahe kung hindi kinakailangan
・Ang oras ng serbisyo ng mga lugar ng kainan o inuman ay kailangang sa pagitan ng 5AM hanggang 8PM (Walang alak na isisilbi o ibebenta)
・Hangga’t maaari ay iwasan ang paglalakbay sa ibang preperektura

2. Kahilingan sa lahat ng Residente at Nananatili sa Hokkaido
・Kung hindi makakaiwas sa impeksyon, iwasang lumabas ng tahanan o magbiyahekung hindi kinakailangan
・Iwasang magparoon parito sa Sapporo kung hindi kinakailangan
・Hangga’t maaari ay iwasang maglakbay sa ibang preperektura kung hindi kinakailangan.

Para sa karagdagang impormasyon, basahin ang nakalakip na file.

Ang karagdagang impormasyon ukol sa “Kahilingan para sa lugar ng kainan o inuman,” “Kahilingan at Panawagan saPakikiisa ukol sa mga Events,” “Kahilingan at Panawagan para sa mga Negosyo,” at “kahilingan at Panawagan sa Pakikiisa ng Lugar ng kainan o inuman,” ay ilalathala sa website sa lalong madaling panahon matapos maisalin sa iba’t ibang wika.

Impormasyon ukol sa mas lalong pinalakas na Pamamaraan para sa Sapporo City
2021.07.20

Naglabas ng pahayag ang Gobernador ng Hokkaido noong ika 20 ng Hulyo, 2021 ukol sa lalong Pagpapalakas ng mga Pamamaraan para sa Sapporo City dahilan ng kasalukuyang lumalaganap na paglawak ng Delta variant sa lungsod bukod sa COVID-19. Ito ay ang mga sumusunod.

★Pagpapalakas ng Pamamaraan para sa Sapporo City★
Panahon:7/22~8/22
Nilalaman:
・Hangga’t maaari ay iwasang lumabas ng tahanan at pagparoon parito sa Sapporo.
・Ang oras ng serbisyo ng mga lugar ng kainan at inuman at tapusin hanggang alas 9 ng gabi (ang pag serve ng alak ay hanggang alas 8 ng gabi).
・Panimulang isara ang mga pampublikong pasilidad.
・Sa panahon ng summer holiday, bawasan ang pakikipagtipon sa mga taong hindi palagiang nakakasalamuha
upang mapigilan ang paglawak ng impeksyon.

Para sa karagdagang impormasyon, basahin ang kalakip na file.

Espesyal na Pamamaraan para sa Peak Season ng Paglalakbay upang maiwasan ang paglawak ng COVID-19
2021.07.09

Ang Pang Emerhensyang Pamamaraan para sa Pandemya sa Hokkaido ay iniangat noong ika 11 ng Hulyo (Linggo). At mula sa ika 12 ng Hulyo (Lunes), ang Espesyal na Pamamaraan tugon sa Impeksyon ay nakaprepara na para sa inaasahang pagdami ng paglalakbay o paglabas ng mga mamamayan sa darating na Summer Holiday.
Atin pong basahin ang binuod na ipapatupad na pamamaraan na nasa ibaba.

1.Mga Pamamaraan para sa buong Hokkaido
‐Panahon: Mula Lunes, Hulyo 12 hanggang Linggo, Agosto 22, 2021
‐Sa Pang araw-araw na pamumuhay:Kabilang sa pag iwas sa “3 C”(Closed spaces, Crowds, at Close contact) ugaliin rin ang iba pang pamamaraan tulad ng pagsuot ng mask, paghuhugas ng kamay, pag disinfect, distansya sa bawat isa, dobleng ingat kung pupunta o dadalo sa mga event na kung saan malaki ang peligro ng impeksyon.
‐Kung lalabas ng tahanan: Hangga’t maaari ay iwasang maglakbay sa mga lugar na nasa ilalim ng State of Emergency o Pang Emerhensyang Pamamaraan para sa Pandemya kung walang mahalaga o madaliang pakay. At bilang karagdagan, kung hindi makakaiwas sa impeksyon,iwasan rin ang paglalakbay sa Sapporo kung walang mahalagang pakay.
‐Kung pupunta sa kainan/inuman: Pumunta sa mga lugar ng kainan o inuman na mga nagpapatupad ng pamamaraan panlaban sa impeksyon, pumunta nang nasa 4 o wala sa 4 na katao, kumain o uminom sa maikling oras, huwag damihan ang pag inom ng alak, huwag humiyaw o magsalita nang malakas,at magsuot ng mask kung hindi kumakain (halimbawa, kung magsasalita o aalis sa kinauupuan at iba pa.).

2.Pagpapatupad ng mas mahigpit na pamamaraan sa Sapporo na kung saan ito ay nasabing “Pangunahing lugar”.
- Panahon: Mula Lunes, Hulyo 12 hanggang Linggo, Hulyo 25, 2021
‐Kung lalabas ng tahanan:Hangga’t maaari ay iwasang maglakbay sa mga lugar na nasa ilalim ng State of Emergency o Pang Emerhensyang Pamamaraan para sa Pandemya kung walang mahalaga o madaliang pakay. At bilang karagdagan, kung hindi makakaiwas sa impeksyon,iwasan rin ang paglabas ng tahanan kung walang mahalagang pakay.
‐Kung pupunta sa kainan o inuman: Huwag pumunta sa mga lugar ng kainan o inuman pagkaraan ng alas 9 ng gabi, at huwag uminom ng alak sa labas pagkaraan ng alas 8 ng gabi.

Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring basahin ang kalakip na dokumento.

Amin pong ilalathala ang mga detalyadong impormasyon ukol sa kung Paano nakaka apekto ang mga pamamaraan na ito sa mga eskwelahan, negosyo, okasyon at iba pa sa lalong madaling panahon matapos maisalin sa iba’t ibang wika.

Update ukol sa Bakuna (Bibigyan ng karapatang maunang Bakunahan ang mga taong nasa ilalim nang Kronikong kundisyong medikal)
2021.07.01

Ang mga taong nasasa ilalim ng tinutukoy bilang “Kronikong kundisyong medikal” ay tatanggap ng paunang pagpapa-Bakuna pagkatapos ng mga matatanda.

◎Ano ang taong nabibilang sa ilalim ng “Kronikong kundisyong medikal”?
Ang mga taong nabibilang na mayroong “Kronikong kundisyong medikal” ay, kung ito ay may dinaramdam tulad ng mga sumusunod na mga kundisyon:

➊ Mga taong may mga sumusunod na sakit o kundisyon na tumatanggap ng outpatient o inpatient na pangangalaga.
1.Kronikong sakit sa baga.
2.Kronikong sakit sa puso ( kabilang ang hypertension)
3.Kronikong sakit sa bato
4.Kronikong sakit sa atay(Liver Cirrhosis, at iba pa.)
5.Diabetes na ginagamot gamit ang insulin o gamot, o diabetes na nauugnay sa ibang mga sakit
6.Sakit sa dugo(maliban sa iron deficiency anemia.)
7.Mga sakit na pumipinsala sa paggana ng immune system(kabilang ang mga malignant tumors na pangkasalukuyang ginagamot)
8.Tumatanggap ng paggamot na nagpapahina ng immune system, kabilang ang mga steroids, at iba pa.
9.Neurological at Neuromuscular na mga sakit na nauugnay sa abnormalidad ng immune system
10.Bawas bna paggana ng katawan dulot ng Neuromuscular o Neurological na mga sakit (kabilang ang diperensya sa paghinga)
11.Abnormalidad sa Chromosome
12.Malubhang mental at pisikal na kapansanan (malubhang pisikal na kapansanan at malubhang intelektwal na kapansanan)
13.Sleep apnea syndrome
14. Malubhang sakit sa pag-iisip (na-ospital para sa pagpapagamot ng sakitb sa pag-iisip, pagkakaroon ng sertipiko sa kapansanan sa pag-iisip o nahuhulog sa ilalim ng “malubha at tuluy-tuloy” na kategorya sa pagsuporta sa self-supporting medical care (psychiatric hospital care) ) o kapansanan sa intelektwal (Pagkakaroon ng sertipiko sa rehabilitasyon)

❷ Mga napakataba na mga indibidwal na nakatugon sa pamantayan( BMI na 30 o higit pa)
  ※Mga halimbawa: BMI na 30:Taas na 170cm at timbang na: 87kg, Taas na 160cm at timbang na : 77kg at iba pa.

Makipag-ugnayan po sa inyong lokal na COVID-19 Vaccine Call Center para sa iba pang impormasyon, sa kadahilanan na ang umpisang petsa at oras sa pagbabakuna sa mga may Kronikong kundisyon, gayon rin sa paraan ng aplikasyon ay naiiba depende sa lokalidad ng gobierno.

【Impormasyon, Eksplanasyon, at Medical Pre-examination sheets sa iba’t-ibang wika】
Ang Ministry of Health, Labour, and Welfare ay nagpahayag ng impormasyon ukol sa bakuna ng COVID-19 sa kanilang website na nakasulat sa iba’t-ibang wika. Ang mga ipinahahayag ng mga dokumento ay ang mga sumusunod:
https://www.mhlw.go.jp/stf/seisakunitsuite/bunya/vaccine_tagengo.html

【Call Center ng Maraming Wikang Suporta para sa Bakuna ng COVID-19】
Telepono: 0120-76-1770(Libreng tawag)
Oras ng pagtanggap: Nasa ibaba(kabilang ang mga araw ng Sabado, Linggo at Pista)
・Hapones・Ingles・Tsina・Koreano・Portuguese・Kastila:9:00~21:00
・Thai: 9:00~18:00
・Vietnamese: 10:00~19:00

Paunawa para sa mga Banyagang Estudyante mula sa Imigrasyon ng bansang Hapon
2021.06.29

Ang Kawanihan Ng Imigrasyon ay nag-update nang kanilang impormasyon ukol sa pag-aasikaso ng mga Banyagang Estudyante na naapektuhan nang COVID-19 hanggang ika 29 ng Hunyo 2021.

Para sa mga detalye pakibasa ang kalakip na file.

Mga Pang Emerhensyang Hakbang sa Hokkaido
2021.06.18

Ang State of Emergency sa Hokkaido ay inangat na noong Hunyo 20, at ipinahayag sa ika 18 ng Hunyo na ang Mga Pang Emerhensyang Hakbang ay ipapatupad mula ika- 20 ng Hunyo hanggang ika- 11 ng Hulyo. Basahin ang buod ng mga Hakbang na nasa ibaba.

Mga Pang Emerhensyang Hakbang sa Hokkaido:

Panahon: Lunes, Hunyo 21, 2021 – Linggo, Hulyo 11, 2021
Mga Apektadong Lugar:
1. (Lugar na nasa ilalim ng Pang Emerhensyang Hakbang): Sapporo
2. (Inoobserbahang mga Lugar*): Ebetsu, Chitose, Eniwa, Kitahiroshima, Ishikari, Tobetsu, Shinshinotsu, Otaru,
Asahikawa
3. (Mga lugar na hindi saklaw ng Pang Emerhensyang Hakbang at hindi kabilang sa mga inoobserbahang lugar):
Lahat ng Munisipalidad na hindi nakasulat sa itaas

*“Inoobserbahang mga lugar” ay mga lugar na kung saan dating ipinatupad ang espesyal na mga hakbang o mga sumailalim sa State of Emergency, at ang mga hakabang panlaban sa impeksyon ay mababago at I a update upang makita ang sitwasyon ng impeksyon.
1. Pakiusap sa lahat ng Residente at mga Nananatili sa Sapporo
(Kung Lalabas ng Tahanan)
・Iwasan ang paglabas ng tahanan kung hindi kinakailangan. Maging sa araw, lalo na sa katapusan ng lingo.
・Maging doble ang ingat sa peligro ng impeksyon kung may nakakasalamuhang tao na may panganib na maging malala ang sintomas kung mahawahan.
・Iwasang maglakbay sa pagitan ng bawat preperektura kung hindi kinakailangan, lalo na sa mga nasa ilalim ng State of Emergency o Pang Emerhensyang mga Hakbang.
(Kung Pupunta sa Kainan o Inuman)
・Kung hindi kinakailangan, huwag pumunta o kumain sa mga restawran o ibang establimyento pagkalipas
ng alas 8 ng gabi.
・Iwasang kumain sa mga restawran na walang wastong pamamaraan ng mga panlaban sa impeksyon, o kaya
ay hindi nakikiisa sa kahilingang paikliin ang oras ng kanilang serbisyo.
・Iwasan ang mga kilos na may mataas na peligro ng impeksyon, tulad ng pag inom sa kalsada, parke at iba
pa.
・Hangga’t maaari ay iwasang makipagsalu-salo sa mga hindi kasambahay, At sa pagkain sa labas, ugaliin ang “Mokushoku (Pagkain nang tahimik)” (Hanggang 4 katao, sa maikling oras, huwag uminom nang marami, huwag sumigaw o magsalita nang malakas at panatilihing nakasuot ng mask kung magsasalita).

2 at 3. Pakiusap sa lahat ng Residente at mga Nananatili sa Hokkaido
(Kung Lalabas ng Tahanan)
・Kung hindi kinakailangan, huwag lumabas ng tahanan at hindi makakaiwas sa peligro ng impeksyon.
・Maging doble ang ingat sa peligro ng impeksyon kung may nakakasalamuhang tao na may panganib na maging malala ang sintomas kung mahawahan.
・Iwasan ang pagparoon parito sa Sapporo kung hindi kinakailangan.
・Iwasang maglakbay sa pagitan ng bawat preperektura kung hindi kinakailangan, lalo na sa mga nasa ilalim ng State of Emergency o Pang Emerhensyang mga Hakbang.
・Sa pagkain sa labas, ugaliin ang “Mokushoku (Pagkain nang tahimik)” (Hanggang 4 katao, sa maikling oras,
huwag uminom nang marami, huwag sumigaw o magsalita nang malakas at panatilihing nakasuot ng mask
kung magsasalita).
・Iwasan ang mga kilos na may mataas na peligro ng impeksyon, tulad ng pag inom sa kalsada, parke at iba
pa.

Ang paghihigpit na ipinatupad sa mga inoobserbahang lugar ay unti-unting luluwagan upang mapigil ang pagkalat ng impeksyon.

Ang mga karagdagang impormasyon ukol sa “Kahilingan sa mga Restawran”, “Kahilingan at Panawagan sa mga Magsasagawa ng Event”, “Kahilingan at Panawagan sa mga Negosyante” at “Kahilingan at Panawagan sa mga Pasilidad bukod sa mga Kainan”, ay agad na I a upload sa aming website pagkatapos maisalin sa iba’t ibang wika.

State of Emergency sa Hokkaido
2021.06.01

State of Emergency sa Hokkaido

Mga Hakbang para sa State of Emergency sa Hokkaido ay humaba hanggang Hunyo 20
2021.05.28

Ang Gobyerno ng Hokkaido ay naglabas ng pahayag noong Mayo 28, 2021 ukol sa paghaba ng State of Emergency hanggang Hunyo 20 at ang mga hakbang para dito

MGA HAKBANG NG STATE OF EMERGENCY SA HOKKAIDO

Panahon: Hunyo 1 (Martes) – Hunyo 20 (Linggo) 2021
[Mga nasa ilalim ng Partikular na mga Hakbang] Sapporo, Ebetsu, Chitose, Eniwa, Kitahiroshima, Ishikari, Tobetsu, Shinshinotsu, Otaru, Asahikawa.
[Mga nasa ilalim ng mga Pangunahing Hakbang] Lahat ng lungsod, baryo at bayan-bayanan sa Hokkaido na hindi saklaw ng Mga Partikular na Hakbang.

【Kahilingan sa mga Residente at mga Nananatili sa Hokkaido】
(Kung lalabas ng tahanan)
・Iwasang lumabas ng tahanan kung walang mahalaga o madaliang pakay. Kahit sa araw, pagkalipas ng alas 8 gabi, at katapusan ng linggo, hangga’t maaari ay iwasang lumabas ng tahanan.
・Iwasang magbiyahe sa labas ng Preperektura lalo na sa mga lugar na nasa ilalim ng State of Emergency kung walang mahalaga o madaliang pakay.
※Kung hindi maiiwasang pumunta sa ibang preperektura,mangyaring masidhing ipatupad ang mga hakbang panlaban sa impeksyon tulad ng pag check ng temperatura ng katawan at kung kinakailangan ay mag pa swab test at ekstrang pag iingat sa kalusugan.
(Kung pupunta sa kainan o inuman)
・Iwasang pumunta sa mga kainan o restawran na hindi nagpapatupad ng mga hakbang ng panlaban sa COVID-19, o hindi sumusunod sa pagpapaikli ng oras ng serbisyo.
・Iwasang pumunta sa mga pagtitipon na kung saan ay malaki ang peligro ng pagkahawa tulad ng inuman sa kalsada o parke at iba pa.
・Hangga’t maaari ay iwasang makipag salu-salo sa mga hindi kasambahay. (Partikular na mga Hakbang)
・Pagsasagawa ng “Mokushoku (Pagkain nang tahimik)” (Pagsalu-salo nang hanggang 4 na tao sa maikling oras, huwag damihan ang pag inom ng alak, huwag sumigaw o magsalita nang malakas, panatilihing nakasuot ng mask kung magsasalita) (Mga Pangunahing Hakbang)

Hinihiling ang Kooperasyon ng mga may plano na pumunta sa Hokkaido
・Bilang bahagi ng mga hakbang na panlaban sa Covid-19, pinakikiusapan na ipagpaliban muna ang pagpunta sa Hokkaido.

Para sa karagdagang impormasyon, basahin ang kalakip na file.

Mga Hakbang para sa State of Emergency at Pang Medikal na State of Emergency sa Hokkaido
2021.05.15

Ang Gobyerno ng Hokkaido ay naglabas ng pahayag noong Mayo 15, 2021 ukol sa ❶ Mga Hakbang para sa State of Emergency sa Hokkaido at ❷ Deklarasyon ng Pang Medikal na State of Emergency sa Hokkaido. Basahin ang nasa ibaba para binuod na impormasyon.

❶ MGA HAKBANG NG STATE OF EMERGENCY SA HOKKAIDO

Panahon: Mayo 16 (Linggo) – Mayo 31 (Lunes) 2021
[Mga nasa ilalim ng Partikular na mga Hakbang] Sapporo, Ebetsu, Chitose, Eniwa, Kitahiroshima, Ishikari, Tobetsu, Shinshinotsu, Otaru, Asahikawa.
[Mga nasa ilalim ng mga Pangunahing Hakbang] Lahat ng lungsod, baryo at bayan-bayanan sa Hokkaido na hindi saklaw ng Mga Partikular na Hakbang.

【Kahilingan sa mga Residente at mga Nananatili sa Hokkaido】
(Kung lalabas ng tahanan)
・Iwasang lumabas ng tahanan kung walang mahalaga o madaliang pakay. Kahit sa araw, pagkalipas ng alas 8 gabi, at katapusan ng linggo, hangga’t maaari ay iwasang lumabas ng tahanan.
・Iwasang magbiyahe sa labas ng Preperektura lalo na sa mga lugar na nasa ilalim ng State of Emergency kung walang mahalaga o madaliang pakay.
(Kung pupunta sa kainan o inuman)
・Iwasang pumunta sa mga kainan o restawran na hindi nagpapatupad ng mga hakbang ng panlaban sa COVID-19, o hindi sumusunod sa pagpapaikli ng oras ng serbisyo.
・Iwasang pumunta sa mga pagtitipon na kung saan ay malaki ang peligro ng pagkahawa tulad ng inuman sa kalsada o parke at iba pa.
・Hangga’t maaari ay iwasang makipag salu-salo sa mga hindi kasambahay. (Partikular na mga Hakbang)
・Pagsasagawa ng “Mokushoku (Pagkain nang tahimik)” (Pagsalu-salo nang hanggang 4 na tao sa maikling oras, huwag damihan ang pag inom ng alak, huwag sumigaw o magsalita nang malakas, panatilihing nakasuot ng mask kung magsasalita) (Mga Pangunahing Hakbang)

Para sa karagdagang impormasyon, i click ang link na nasa ibaba.

Ang Impormasyon ukol sa “Kahilingan sa mga lugar ng kainan o restawran,” “Kahilingan at Panawagan sa Pakikiisa ukol sa pagsasagawa ng mga events” “Kahilingan at Panawagan sa Pakikiisa ng mga Negosyante,” at “Kahilingan at Panawagan sa Pakikiisa ng ibang Pasilidad maliban sa mga restawran o lugar ng kainan” ay ilalathala sa Homepage ng Center matapos ang pagsasalin sa iba’t ibang wika.

❷ Deklarasyon ng Pang Medikal na State of Emergency sa Hokkaido

Patuloy na napakabilis ng paglawak ng COVID-19 sa Hokkaido sa dahilan ng bagong virus o COVID variant at ang pang araw-araw na bilang ng bagong kaso ng impeksyon ay umabot na sa record na sa 712 kaso noong
Mayo 13, 2021.
Ang Pang Medikal na Sistema ng Hokkaido ay kasalukuyang nasa kritikal na sitwasyon.
Upang maiwasan ang pagbagsak ng Sistemang Medikal at upang maprotektahan ang buhay ng mga mamamayan, kami po ay nagdeklara ng Pang Medikal na State of Emergency sa Hokkaido.
Para sa mga mamamayan ng Hokkaido, hinihiling po naming ang inyong pakikiisa na sundin ang mga sumusunod na kahilingan upang maprotektahan ang sistemang medikal, ang inyong mga mahal sa buhay at ang inyong mga sarili.

Mas lalo na sa ngayon, bilang karagdagan sa pagsuot ng mask, paghugas at pagsanitize ng mga kamay, pagpapanatili ng distansya sa bawat isa, aming hinihiling na sundin ang mg sumusunod.
● Hangga’t maaari ay huwag lumabas ng tahanan.
● Mas lalo na ang pag iwas na lumabas ng tahanan sa katapusan ng lingo.
● Kung lumabas ng tahanan, mangyaring umuwi nang alas 8 ng gabi.

Para sa karagdagang impormasyon, I click ang link na nasa ibaba.

Mga Pangunahing Hakbang tugon sa Epidemya
2021.05.08

Nagkaroon ng Pahayag noong Mayo 8 ukol sa 「『Deklarasyon ng State of Emergency sa Sistemang Medikal ng Sapporo』at mga Pangunahing Hakbang ayon sa Special Measures Law.」 Ito ay ang mga sumusunod.

Saklaw na Lugar:Sapporo City
Panahon:5/9/2021(Linggo)~5/31(Lunes)
Mga Kahilingan:
【Para sa Residente at nananatili sa Sapporo City】
(Sa Paglabas ng Tahanan o Pagbiyahe)
・Iwasan ang paglabas o pagbiyahe sa labas ng lungsod kung walang mahalaga o madaliang pakay.
・Iwasan ang pagbiyahe sa ibang Preperektura lalo na nasa ilalim ng State of Emergency kung walang mahalaga o madaliang pakay.
(Sa Pagpunta sa Restawran, Bar at iba pa)
・Iwasang pumunta sa restawran, bar at iba pa pagkalipas ng alas 8 ng gabi.
・Iwasang pumunta sa mga restawran, bar at iba pa na hindi nagpapatupad ng mga Pangunahing Hakbang sa pag iwas sa impeksyon at hindi sumusunod sa pagpapaikli ng oras ng serbisyo.
・Iwasang mag inuman nang maramihan sa kalsada o parke na kung saan mataas ang peligro ng impeksyon
・Hangga’t maaari ay iwasang makipagsalu-salo sa mga hindi kasambahay.

Para sa detalye ukol sa「Kahilingan sa mga Restawran, Bar at iba pa」,「Para sa pagsasagawa ng mga event・sa pakikiisa nito」,「Para sa mga Negosyante・sa pakikiisa nito」o kaya ay「Para sa mga Pasilidad bukod sa mga restawran, bar at iba pa・sa pakikiisa ng mga ito」i a upload sa Homepage ng Hokkaido Foreign Resident Support Center matapos isalin sa iba’t ibang wika.

Deklarasyon ng Pang Medikal na State of Emergency sa Sapporo City
2021.05.05

Bilang tugon sa mabilis na pagdami ng bilang ng pasyente na may COVID, ang Sapporo City ay nagdeklara ng Pang Medikal na State of Emergency noong May 5, 2021. Ang bawat mamamayan ay hinihiling na makiisa sa mga sumusunod.

1 Hangga’t maaari ay umiwas sa paglabas o pagbiyahe sa Sapporo City.
2 Kumilos nang nararapat na makakabawas sa peligro ng impeksyon sa oras ng salu-salo o inuman.

IBilang karagradagan, dahilan ng Deklarasyon ng Pang Medikal na State of Emergency sa Sapporo, ang impormasyon ukol sa “Pangunahing Hakbang sa pag iwas sa paglawak ng Impeksyon ng COVID-19” ay na update. Basahin ang nasa ibaba para sa mga nabago.

○Pangunahing Hakbang ng Sapporo City para Golden Week (Hanggang Mayo 11)
(Karagdagang mga Hakbang ayon sa Pang Medikal na State of Emergency)

【Para sa Residente at Nananatili sa Hokkaido】
(Sa Paglabas o Pagbiyahe)
・Iwasang lumabas o magbiyahe sa loob ng Sapporo kung walang mahalaga o madaliang pakay.
・Iwasang magparoon parito sa Sapporo kung walang mahalaga o madaliang pakay.
(Sa pagpunta sa Salu-salo o Inuman)
・Iwasang makipag salu-salo sa mga hindi kasambahay.
・Iwasang pumunta sa restawran, bar at iba pa sa pagitan ng 8 pm at 5 am.

【Para sa mga Restawran, Bar at iba pa)】
・Pag serve ng alak mula 11:00 am hanggang 7:00 pm.
・Pagsasara sa pagitan ng 8:00 pm hanggang 5:00 am.
・Pagpapatupad ng Outline ng Iba’t ibang Industriya.

Para sa karagdagang impormasyon, basahin ang kalakip na file.

Kahilingan sa Residente ng Hokkaido para sa Pagsagawa ng mga Pangunahing Hakbang upang maiwasan ang paglawak ng impeksyon (Binago noong Abril 23)
2021.04.23

Binago ang impormasyon ukol sa “Kahilingan sa Pagsagawa ng mga Pangunahing Hakbang upang maiwasan ang paglawak ng impeksyon” noong ika 23 ng Abril.

★★Mga Pangunahing Hakbang para sa Lungsod ng Sapporo sa darating na Golden Week ★★
Panahon: Sabado, Abril 24, 2021 ~ Martes, Mayo 11, 2021

【Kahilingan sa mga Residente at mga Nanatili sa Hokkaido】
・Ipagpaliban ang pagpunta o paglabas ng tahanan sa Sapporo kung walang mahalaga o
madaliang pakay.
・Ipagpaliban ang pagparoon parito sa Sapporo kung walang mahalaga o madaliang pakay.
Hangga’t maaari, iwasan ang makipag salu-salo sa mga hindi kasambahay.
・Huwag pumunta o kumain sa mga restawran, bar, karaoke, at iba pa sa pagitan ng alas 9 ng gabi at ala 5 ng madaling araw. (Simula Abril 27)

【Kahilingan para sa May ari ng mga Negosyo sa Hokkaido】
・Sikapin na mapatupad ang mga hakbang na makakatulong na mabawasan ang peligro ng impeksyon tulad ng pagsasagawa ng Telework, iba’t ibang oras ng pagpasok sa trabaho at iba pa sa pakikiisa ng mga pang Ekonomiyang Organisasyon.
・Siguraduhin ang pagsasagawa ng mga hakbang sa mga lugar na kung saan mataas ang peligro ng impeksyon tulad ng lugar para sa breaktime at kainan.
・Para sa malalaking lugar na maraming kostumer, siguraduhin ang pagpapatupad ng mga hakbang tulad ng pag sanitize ng mga kamay, pagsuot ng face at iba pa.

【Kahilingan sa mga Eskwelahan】
・Ugaliin ang pagpapatupad ng mga hakbang na panlaban sa impeksyon sa loob ng eskwelahan at mga dormitory.
・Pagsasagawa ng mga Extra-curricular activities ayon sa napagpasyahan ng eskwelahan, o maaaring magkaroon ng kahilingan na ipagpaliban ito.
・Patuloy na pagpapatupad o pagsasagawa ng Online Class sa mga Unibersidad, Kolehiyo, o Technical School at pagsasagawa ng klase sa loob ng eskwelahan sa kaunting bilang ng estudyante upang maiwasan ang close-contact.

【Mga Hakbang para sa mga Pampublikong Pasilidad】
・Ang Munisipal o Pampublikong Pasilidad ay maayos na nagpapatupad ng mga hakbang tulad ng pagpapaikli ng oras at limitadong bilang ng mga gagamit nito.

【Kahilingan para sa mga Restawran, Bar, at iba pa.】※Simula Abril 27 hanggang Mayo11
Mga Saklaw: Restawran, Bar, Karaoke at mga lugar ng kainan at inuman sa Sapporo.
・Ang paglalabas o pagbebenta ng alak ay simula 5AM hanggang 8PM
・Pagsasara o pagtatapos ng serbisyo simula 9PM hanggang 5AM
・Kailangang sundin ang mga patakaran na nakasaad sa “ Mga Espisikong Gabay ng Industriya”
※Ang mga susunod sa kahilingan ay makakatanggap ng benepisyong pinansyal.

Para sa karagdagang impormasyon,basahin ang kalakip na file.

Mensahe mula sa Hokkaido at Sapporo ukol sa pag iwas sa muling paglawak ng impeksyon
2021.04.15

Naglabas ng mensahe ukol sa pag iwas sa muling paglawak ng impeksyon ang Hokkaido at Sapporo noong
Abril 15 (Huwebes)

Ito ay ang mga sumusunod.
1 Iwasang bumiyahe sa Sapporo kung walang mahalaga o emerhensyang pakay.
2 Masidhing isagawa ang mga pangunahing pamamaraan ng paglaban sa impeksyon.
3 Pagkilos na makakabawas sa peligro ng impeksyon sa oras ng pagkain.
Para sa karagadagang impormasyon, basahin ang kalakip na file.

Kahilingan para sa Pagsagawa ng mga Pangunahing Hakbang upang maiwasan ang paglawak ng impeksyon (Binago noong Abril 9)
2021.04.09

Binago ang impormasyon ukol sa “Kahilingan sa Pagsagawa ng mga Pangunahing Hakbang upang maiwasan ang paglawak ng impeksyon” noong ika 9 ng Abril. Nagkaroon rin ng mga karagdagang impormasyon na kaugnay ng “Mga Pangunahing Hakbang sa pag iwas sa impeksyon” mangyaring atin po itong alamin.

Mga nadagdag:
Mga lugar o preperektura na kung saan nararapat na ipatupad ang “Pangunahing mga Hakbang sa pag iwas sa impeksyon” (*) at pag iwas sa pagbiyahe sa mga lugar/preperektura na sumusunod
*Miyagi, Osaka, Hyogo, Tokyo, Kyoto, Okinawa (2021/4/12 kasalukuyan)

Para sa karagdagang impormasyon,basahin ang kalakip na file.

Pangunahing impormasyon ukol sa bakuna ng COVID-19 sa Japan
2021.03.31

Noong Marso 31, 2021, ang webpage ng Ministry of Health, Labour, and Welfare ay nagbago ng impormasyon ukol sa bakuna ng COVID-19. Ito ay ang mga sumusunod:

【Impormasyon, Eksplanasyon, at Medical Pre-examination sheets sa iba’t ibang wika】
Ang Ministry of Health, Labour, and Welfare ay nagpahayag ng impormasyon ukol sa bakuna ng COVID-19 sa kanilang website na nakasulat sa iba’t ibang wika. Ang mga ipinahayag ng mga dokumento ay ang mga sumusunod:

Mga Dokumento:
・COVID-19 Vaccine Medical Pre-examination Sheets na isinalin sa mga banyagang wika.
・Impormasyon ukol sa Pfizer Vaccine
・Abiso ukol sa pagpapabakuna ng COVID-19 (Halimbawa)

Mga Wika: Ingles, Tsina (Simple, Tradisyonal), Koreano, Vietnamese, Tagalog, Russian, Mongolian, Nepalese, Indonesian, Burmese, French, Kastila, Portuguese, Arabian, Khmer, Thai.

Download Link: https://www.mhlw.go.jp/stf/seisakunitsuite/bunya/vaccine_tagengo.html

【Call Center ng Maraming Wikang Suporta para sa Bakuna ng COVID-19】
Ang MHLW COVID-19 Vaccination Call Center ay sumusuporta sa mga sumusunod na wika simula noong Abril 1, 2021.

Telepono: 0120-76-1770(Libreng tawag)
Oras ng pagtanggap: Nasa ibaba(kabilang ang mga araw ng Sabado, Linggo at Pista)
・Hapones・Ingles・Tsina・Koreano・Portuguese・Kastila:9:00~21:00
・Thai: 9:00~18:00
・Vietnamese: 10:00~19:00

Para sa katanungan, huwag pong mag atubiling tumawag sa Center.

Paunawa mula sa Ahensyang Serbisyong Imigrasyon ukol sa pamamaran ng Pag aaplay ng Status of Residence ng mga Technical Intern na naapektuhan ng COVID 19
2021.03.26

Nagpahayag ng ilang Pamamaraan para sa pag aaplay ng Status of Residence ng mga Technical Intern noong Marso 26, 2021

Para sa impormasyon, basahin ang kalakip na file.

Pahayag mula sa Ahensya ng Sebisyong Imigrasyon ukol sa pamamaraan ng aplikasyon ng visa ng mid-long term residents na nahihirapang umuwi sa sariling bansa.
2021.03.19

Dahilan sa epekto ng COVID 19 ang mid-long term residents na nahihirapang umuwi ng sariling bansa ay pinayagang kumuha ng visa na "Temporary visitor (90 araw)" o kaya ay "Designated Activities (3 buwan)"
Subalit, simula ngayon ang "Designated Activities" ay pinayagang magtagal ng 6 na buwan. Kabilang dito ang may hawak na Designated Activities visa na lumagpas na ng 3 buwan.

Ang mga estudyante na nais magtrabaho dahilan sa hindi makauwi sa sariling bansa ay pinapayagang makapagtrabaho ng 28 oras sa isang linggo.

Para sa karagdagang impormasyon, basahin ang kalakip na file.
Para sa mga katanungan, huwag pong mahiyang tumawag sa center.

Notice from the Hokkaido Government for those who have moved to Hokkaido recently
2021.03.16

The period of March-April is generally one where there is an increase in the amount of people moving in to or around Japan, and an increase in the occurrence of eating with others due to welcoming parties, etc.
In order to prevent the further spread of COVID-19 during this time, the Hokkaido COVID-19 Countermeasure Taskforce has posted guidelines for those who will or have already moved in to Hokkaido. It specifically focuses on best practices for going out, eating, and at school and the workplace.

Please check the attached file for more information.

Impormasyon ukol sa Kahilingan ng Kooperasyon sa panahon ng Tutukang Pamamaraan ng Paglaban sa Impeksyon.
2021.02.26

Ang Gobernador ng Hokkaido ay nagpahayag sa Press Conference noong Pebrero 26 ukol sa patuloy na Kahilingan ng kooperasyon sa panahon ng Tutukang Pamamaraan ng Panlaban sa Impeksyon na pinahaba hanggang Marso 7.
Basahin ang kalakip na bagong bersyon ng impormasyon ukol sa「Kahilingan ng kooperasyon sa panahon ng Tutukang Pamamaraan ng Panlaban sa Impeksyon」.

Natapos na ang State of Emergency noong Pebrero 28 sa mga sumusunod na Preperektura.
Gifu ken, Aichi ken, Kyoto fu, Osaka fu, Hyogo ken, Fukuoka ken.

Para sa mga katanungan, huwag pong mag atubiling tumawag sa Center

Nahihirapan ka ba sa pagbabayad ng Buwis o Pensiyon dulot ng epekto ng COVID-19?
2021.02.18

★ Pambansang Buwis (Palugit)
Kung ikaw ay pansamantalang hindi makabayad nang Pambansang Buwis dulot ng epekto ng COVID-19, ipagbigay-alam ito sa inyong local tax office. Para sa mga makikitang tutupad sa mga sumusunod na mga Kondisyon ay maaaring mapili upang mabigyan ng palugit nang hanggang Isang Taon.
① Alinman sa kung ikaw ay humaharap sa kahirapan na mapagpatuloy ang iyong negosyo o kaya mapanatili ang iyong kabuhayan sa pagbabayad ng Pambansang Buwis nang sabay-sabay.
② Kung ikaw ay may matapat na layunin upang magbayad ng Buwis.
③ Kung ikaw ay hindi pabaya sa pagbabayad ng ibang buwis bukod sa Pambansang buwis na kung saan ikaw ay humihiling ng Palugit.
④ Ang iyong aplikasyon para sa palugit ay maibigay sa loob ng Anim na buwan matapos ang takdang petsa ng pagbabayad ng buwis.

Para sa iba pang detalye, pakitingnan ang kalakip na polyeto. Ang mga tanong tungkol sa Palugit ng pagbabayad ng Buwis ay maaaring idirekta sa Kagawaran ng paniningil (collection department) sa inyong local tax bureau.

★ Pambansang Pensiyon (Pagkalibre o exemption))
Kung ikaw ay nahihirapan na magbayad ng iyong seguro(premiums) ng Pambansang Pensiyon , maaari kang mahirang para malibre.

Ang aplikasyon para malibre ay maaaring i-download sa mga sumusunod na link:
https://www.nenkin.go.jp/shinsei/kokunen.files/635-1.pdf:
【Kakailanganin】
・Libreta ng Pensiyon o Universal Pension Identification Number Notification
【Karagdagang Kasulatan (Depende sa kaso)】
・Katibayan ng Kinita nang nakaraang taon (o unang dalawang taon)
・Kasulatan ng aplikasyon ng mga kinita (kung hindi ka nag-file ng tax return para sa income taxes)
・Kopya ng COE (Certificate of Eligibility) upang makatanggap ng benepisyo sa pagkawala ng trabaho o Certificate of Unemployment nang nasabing indibiduwal na sakop ng employment insurance (Kailangan lamang kung ang kaso ng aplikante ay nawalan ng trabaho subalit dati nang sakop ng employer’s insurance)

Ang pag aplay para Malibre ay dapat isagawa sa national pension consultation counter sa munisipyo kung saan nakarehistro ang inyong tirahan.

※Kung kayo ay nangangailangan ng suporta nang pagsasalin kung magtatanong alinman sa Palugit ng pagbabayad ng Buwis o kaya ang paglibre ng pagbabayad ng Seguro ng Pensiyon, huwag mag-atubiling tumawag sa amin.

Para sa mga nagkaroon ng Problemang pang pinansyal epekto ng COVID 19
2021.02.18

Epekto ng COVID 19, maraming mamamayan ang nomomroblema kung paano sila mamumuhay sa araw-araw sa kadahilanang nawalan pansamantala ng trabaho.
At dahil dito, ang Hokkaido Council of Welfare ay nagsimulang magbigay ng loan o pautang sa mga mamamayang masasakop nito(Maliit na loan/pautang sa oras ng Emerhensya),

Sakop ng loan na ito ang mga mamamayang nabawasan ang kita sa dahilang hindi makapasok sa trabaho epekto ng COVID 19 upang makatulong makatulong at maprotektahan ang kanilang pamumuhay.
Ang loan na ito ay kinakailangang bayaran.

Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang kalakip na file
*Para sa mga katanungan, kumunsulta sa Hokkaido Council of Welfare.
At para sa interpretasyon, huwag pong mahiyang tumawag sa center.

Impormasyon ukol sa Kahilingan sa paghaba ng Tutukang Panahon ng Pamamaraan ng Paglaban dahilan tugon sa COVID 19
2021.02.13

Ang Gobernador ng Hokkaido ay nagpahayag sa Press Conference noong Pebrero 13 ukol sa Tutukang Panahon ng Pamamaraan ng Panlaban tugon sa COVID 19. Nabanggit dito ang sitwasyon ng kaso ng impeksyon at ang mga maaaring maging dahilan ng paglabas at pagsasalu-salo ng mga mamamayan tulad ng pagkatanggap sa trabaho, paglipat ng lugar ng trabaho, pagtatapos ng pag aaral o pagpasok sa eskwelahan. Kaya ang kahilingan na paghaba ng Panahon ng tutukang pamamaraan ng panlaban sa COVID 19 sa mga itinakdang lugar ay hanggang Pebrero 28, 2021 (Linggo). Ang kahilingan para sa buong Preperektura ay tatagal hanggang matapos ang State of Emergency.

Para sa impormasyon, basahin ang kalakip na file na nasa ibaba.

Panibagong Impormasyon ukol sa Tutukang Panahon ng Panibagong Pamamaraan ng Paglaban sa COVID-19 (Enero 28)
2021.01.28

Nagkaroon ng pagbabago sa impormasyon ukol sa tutukang panahon ng panibagong pamamaraan ng paglabana sa COVID-19 noong Enero 28, 2021

Kung hind makakaiwas sa impeksyon, mangyari na huwag magparoon parito sa Sapporo City at Otaru City kung walang mahalagang pakay.

Basahin ang kalakip na file para sa impormasyon.

Tutukang Panahon ng Panibagong Pamamaraan ng Paglaban dahilan ng State of Emergency
2021.01.14

Ang Gobernador ng Hokkaido ay nagpahayag sa Press Conference noong Enero 14 ukol sa Tutukang Panahon ng Panibagong Pamamaraan ng Panlaban dahilan ng paglawak ng impeksyon na pinahaba simula Enero 16 (Sabado) hanggang Pebrero 15 (Lunes).
Dahil dito ang oras ng serbisyo ng mga lugar ng kainan ay nagkaroon ng pagbabago.

At ang pagdeklara ng State of Emergency ay batay sa desisyon ng Gobyerno ng buong bansa. Kaya kung ang magkakaroon ng maraming panibagong bilang ng impeksyon na ayon sa Stage 4 ng Bansa (25/100,000 katao sa 1 linggo), maaaring maging sakop ng State of Emergency ang Hokkaido at ang pagdeklara nito ay maagap na hihilingin.

Para sa impormasyon, basahin ang kalakip na file na nasa ibaba.

Pahayag mula sa Ahensya ng Serbisyong Imigrasyon – Ukol sa landing refusal upang makaiwas sa paglawak ng COVID-19
2021.01.13

Para sa impormasyon, tingnan ang kalakip na file sa ibaba.

Tutukang Panahon ng Panibagong Pamamaraan ng Paglaban dahilan ng State of Emergency
2021.01.07

Ang Gobernador ng Hokkaido ay nagpahayag sa Press Conference noong Enero 7 ukol sa Tutukang Panahon ng Panibagong Pamamaraan ng Panlaban dahilan ng pagdeklara ng State of Emergency sa Tokyo, Saitama, Chiba at Kanagawa.

Ang nasa ibaba ay ang mga binuod na pahayag ukol sa mga karagdagang pamamaraan ng panlaban.

○ Simula Disyembre 26 hanggang Enero 15
≪Para sa Residente at Nananatili sa Hokkaido≫
★Iwasang magparoon parito sa mga lugar o preperektura na sakop ng State of Emergency
Kung hindi makakaiwas sa peligro ng impeksyon
・Iwasang maglabas pasok sa Sapporo at Asahikawa kung walang madalian o mahalagang pakay.
・Iwasang maglabas pasok sa Sapporo at Preperekturang mataas ang rate ng impeksyon kung
walang madalian o mahalagang pakay.

○ Matinding pag iingat sa Peligro ng Impeksyon
・Iwasang magsalu-salo nang higit 5 tao nang matagal na lalagpas sa 2 oras ,maging sa sariling
tahanan (maliban sa kasambahay).
・Magsuot ng mask, maghugas ng kamay at gawin ang iba pang wastong pamamaraan ng pag iwas
sa impeksyon kung makikisalamuha sa mga taong magiging delikado ang buhay kung
mahawahan.

≪Para sa mga Negosyante sa Sapporo≫
・Sa mga lugar ng inuman at kainan sa Sapporo, paikliin ang oras ng serbisyo.
・Suriing muli ang mga hakbang na pinapatupad upang makaiwas sa paglawak ng impeksyon

Para sa impormasyon, basahin ang kalakip na file na nasa ibaba.

Pahayag mula sa Kawanihan ng Imigrasyon ukol sa Panukala sa nakaplanong Re-entry ng mga Banyagang may hawak na Status of Residence
2021.01.01

Ang banyaga na babalik ng Japan sa araw at pagkaraan ng Nobyembre 1, 2020 ay hindi kailangang kumuha ng (Receipt) ng Plano ng Re-entry. Ang aplikasyon at mga katanungan sa pamamagitan ng Email ay natapos na po.

※Dahilan sa quarantine measures sa panahon ng State of Emergency, ang lahat ay kinakailangang kumuha ng Sertipiko na sumailalim sa COVID-19 Test hanggang matapos ang State of Emergency na hindi limitado sa mga sumusunod na kaso. I click here para sa karagdagang impormasyon (Wikang Hapon lamang).


 Subalit, bago mag aplay ng Re-entry permit, ang mga nanatili sa mga bansa na sakop ng Landing Refusal sa loob ng 14 araw ay kailangang sumailalim sa PCR test sa loob ng 72 oras bago ang departure at may patunay na Negatibo ang resulta nito.。
※Bilang Patakaran, gamitin ang format na nasa ibaba. Pasulatan sa ospital o institusyon ng kinaroroonang bansa( Isulat sa Ingles) kailangang may pangalan, pirma at seal ng doktor. Kung gagamit ng ibang format, kailangang kapareho ang nilalaman nito.
※Ayon sa pamamaraan ng inspeksyon, bukod sa nakasaad sa itinakdang format ay hindi tatanggapin

Certificate of Testing for COVID-19 na kailangan para sa Re-entry ng banyagang lumabas ng Japan [word]

Para sa impormasyon ukol sa bansa at rehiyon na kasalukuyang sakop ng Landing Refusal, bisitahin ang website ng Ministry of Foreign Affairs o Diplomatic Offices.
https://www.mofa.go.jp/ca/fna/page4e_001053.html (Ingles)

※Ang mga banyagang may Satus of Residence na lumabas ng Japan sa loob ng Oktubre 31 ay hindi sakop ng panukalang ito kaya kailangang magpasa ng “Receipt” sa oras ng Re-entry.

Panahon ng Tutukang Paglaban sa COVID-19 sa Katapusan at Bagong Taon
2020.12.24

Ang Gobernador ng Hokkaido ay nagpahayag sa Press Conference noong Disyembre 24 na pahahabain ang tinutukang panahon ng pagsasagawa ng bagong pamamaraan ng panlaban sa COVID-19 .

Ang nasa ibaba ay ang mga binuod na pahayag ukol sa mga karagdagang pamamaraan ng panlaban.
○ Panawagan para sa Katapusan hanggang Enero 3
Gawing tahimik at mapayapa ang Katapusan at Bagong Taon
・Magpalipas sa 「sariling tahanan」 na kasama ang mga 「taong palagiang nakakasama」
・「Iwasang makipagsalu-salo 」sa mga 「taong hindi palagiang nakakasama」

○ Simula Disyembre 26 hanggang Enero 15
≪Para sa Residente at Nananatili sa Hokkaido≫
Kung hindi makakaiwas sa peligro ng impeksyon
・Iwasang maglabas pasok sa Sapporo at Asahikawa kung walang madalian o mahalagang pakay.
・Iwasang maglabas pasok sa Sapporo at Preperekturang mataas ang rate ng impeksyon kung
walang madalian o mahalagang pakay.

○ Matinding pag iingat sa Peligro ng Impeksyon
・Iwasang magsalu-salo nang higit 5 tao nang matagal na lalagpas sa 2 oras ,maging sa sariling
tahanan (maliban sa kasambahay).
・Magsuot ng mask, maghugas ng kamay at gawin ang iba pang wastong pamamaraan ng pag iwas
sa impeksyon kung makikisalamuha sa mga taong magiging delikado ang buhay kung
mahawahan.
≪Para sa mga Negosyante sa Sapporo≫
・Sa mga lugar ng inuman at kainan sa Sapporo, paikliin ang oras ng serbisyo.
・Suriing muli ang mga hakbang na pinapatupad upang makaiwas sa paglawak ng impeksyon

Para sa impormasyon, basahin ang kalakip na file na nasa ibaba.

Mensahe mula sa Preperektura ng Hokkaido・Lungsod ng Sapporo para sa tahimik na pagpapalipas ng pagtatapos ng taon at pagpasok ng bagong taon
2020.12.24

Nagpahayag ang Preperektura ng Hokkaido at Lungsod ng Sapporo noong Disyembre 24 (Huwebes) ng mensahe para sa tahimik na pagpapalipas ng pagtatapos ng taon at pagsubong sa bagong taon upang mas maagap na maiwasan ang paglawak ng COVID-19. Nasa ibaba ang pangkalahatang ideya.

Sa Katapusan at Bagong Taon,
○ Maglipas kasama ang「mga taong palagiang nakakasama」at magpalipas sa「sariling tahanan」
○「Iwasan ang pagsalu-salo」 kasama ang「mga taong hindi palagiang nakakasama」

Para sa impormasyon, basahin ang kalakip na file.

Na install mo na ba ang COVID-19 Contact-Confirming Application (COCOA)?
2020.12.17

○ Ano ba ang COCOA?:
Ang(COCOA)ay isang app na maaaring i install sa gamit na smartphone na magbibigay sa iyo ng abiso kung ikaw ay may posibilidad na nahawahan ng isang taong may impeksyon ng COVID-19.

○ Paano ang paggamit?
3 Hakbang!
1 I download ang app
・Apple version https://apple.co/3a85Taf
・Android version https://bit.ly/3nsVnhi
2 I activate ang app, basahin ang mga patakaran nito at sumang ayon rito
3 I on ang Contact detection, I on ang Bluetooth
Matatapos ng mga 5 minuto!

Kaya, kung nagkaroon ng contact sa taong may impeksyon, ikaw ay makakatanggap ng abiso.
Kung, ang resulta ng PCR Test ay positibo, magpa rehistro sa「Impormasyon ukol sa Positibong resulta」.
※ Maaaring magamit sa naka set o ginagamit na wika ng sariling smartphone.
※ Tandaan lamang na maaaring hindi magamit ito sa smartphone na binili sa ibang bansa.

Para sa impormasyon, basahin ang kalakip na file.
Ipagpatuloy ang pag iwas sa impeksyon ng COVID-19!

Pahayag ukol sa Tutukang Panahon ng Panlaban sa COVID-19 ay pinahaba hanggang 1/15 (Biyernes) na kung saan ang masidhing tinutukang panahon ng pagsasagawa nito ay hanggang 12/25 (Biyernes)
2020.12.10

Ukol sa Press Conference ng Gobernador noong Disyembre 10, magkakaroon ng malaking paggalaw ng mga tao kaya napag desisyunan na pahabain ang tutukang panahon ng paglaban sa COVID-19 hanggang Enero 15 (Biyernes). At Pagsasagawa nang lalong masidhing pamamaraan tulad ng pag iwas sa paglabas ng tahanan at pagpapaikli ng oras ng negosyo simula Disyembre 12 (Sabado) ~ Disyembre 25 (Biyernes)

Ang nasa ibaba ay binuod na pahayag ukol sa Pamamaraan

○Disyembre 12(Sabado)~Enero 15(Biyernes)
・Iwasang magtipon-tipon nang mahigit sa 5 tao, matagalang kainan o inuman na hihigit sa 2 oras. Sa loob man ng sariling tahanan o lugar ng inuman o kainan (maliban kung mga kasamang namumuhay sa tahanan)
・Magsuot ng mask, maghugas ng kamay at iwasang mahawahan ang mga taong magiging delikado ang buhay kung mahahawahan
・Muling alamin kung ang lugar na pinagtatrabahuhan ay may malaking peligro ng impeksyon
・Ang Pagbati para sa pagtatapos at bagong taon ay isagawa sa pamamagitan ng internet
・Pagsasagawa ng telework, ibahin ang oras ng pagpunta sa trabaho

○Disyembre 12(Sabado)~Disyembre 25(Biyernes)
・Huwag masyadong pumunta sa lugar ng inuman o kainan, para sa mga negosyante, paikliin ang oras ng serbisyo
・Huwag masyadong pumunta sa lugar sa Susukino na naglalabas ng alak simula alas 10 ng gabi hanggang alas 5 ng umaga. Para sa mga negosyante, paikiliin ang oras ng serbisyo
・Sa Residenteng Sapporo at Asahikawa, iwasang lumabas ng tahanan kung walang madalian o mahalagang pakay at iwasang pumunta sa「ibang Preperektura」kung walang madalian o mahalagang pakay

Abangan ang mga impormasyon na isinalin sa maraming wika na aming ilalathala.

Nagkaroon ng Press Conference ang Gobernador ng Hokkaido noong ika 10 ng Disyembre. At ipinahayag dito ang pagbabahagi ng mga dokumento na ginawa sa iba’t ibang wika.
Basahin ang kalakip na file sa ibaba.

Mga Halimbawa ng Bagong Normal sa Praktikal na Pamumuhay(MHLW)
2020.12.01

Atin pong tingnan ang PDF.

Bagong Istilo ng Hokkaido (Hokkaido)
2020.12.01

Atin pong tingnan ang PDF.

"5 Eksena" na kung saan malaki ang peligro ng impeksyon(MHLW)
2020.12.01

Atin pong tingnan ang PDF.

Kahilingan sa Pagsagawa ng mga Panlaban sa COVID-19(MHLW)
2020.12.01

Atin pong tingnan ang PDF.

Sa pag iwas sa COVID-19 at pagkalat ng impeksyon(MHLW)
2020.12.01

Atin pong tingnan ang PDF.

Iwasan ang 3C(MHLW)
2020.12.01

Atin pong tingnan ang PDF.

Pahayag ukol sa Karagdagang Bagong Pamamaraan ng Panlaban sa COVID-19 at paghaba ng tinutukang panahon ng pagsasagawa nito
2020.11.26

Ang Gobernador ng Hokkaido ay nagpahayag sa Press Conference noong Nobyembre 26 na pahahabain ang tinutukang panahon ng pagsasagawa ng bagong pamamaraan ng panlaban sa COVID-19. Ito ay isasagawa mula Nobyembre 28 (Sabado) hanggang Disyembre 11 (Biyernes). Ang nasa ibaba ay ang mga binuod na pahayag ukol sa mga karagdagang pamamaraan ng panlaban.

○ Kahilingan sa lungsod ng Sapporo
・Para sa mga residente at nananatili sa Hokkaido, hinihiling na hangga’t maaari ay huwag pumunta sa mga lugar na may serbisyong face to face kagaya ng lugar ng inuman at kainan na nasa lungsod ng Sapporo.
・Isara ang mga lugar ng inuman o kainan.
・Pagbubukas simula alas 10 ng gabi hanggang alas 5 ng umaga, iwasang pumunta sa lugar ng inuman at kainan sa Susukino, hiling sa mga may ari ng negosyo na paikliin ang oras ng serbisyo.
・Upang maiwasan ang impeksyon, huwag pumunta ng Sapporo o ibang lugar kung walang madalian o mahalagang pakay.


○ Kahilingan sa lungsod ng Sapporo at buong rehiyon ng Hokkaido
・Huwag gawin ang mga bagay na magiging peligro ng impeksyon kapag nasa lugar ng inuman o kainan.
・Huwag makipagkita sa mga taong maaaring maging delikado ang buhay kung magkakaroon ng impeksyon.


○ Ukol sa Kampanya ng Go To
・Ang pupunta sa Sapporo dahilan ng [Go To Travel] simula Nobyembre 24 hanggang Disyembre 15, ay hindi i aaplay, subalit maaaring ikansela hanggang Disyembre 3 ( Huwebes) alas 12 ng madaling araw.
・Ukol sa [Go To Eat] simula Nobyembre 30 hanggang Disyembre 15, ititigil muna ang pagbebenta ng kupon nito sa buong Hokkaido. Sa mga nakabili na ng kupon sa Sapporo, huwag gamitin ang puntos nito.
※Subalit ito ay hindi limitado kung gagamitin sa pamamagitan ng Take out o deliber

Atin pong tingnan ang PDF.

Pahayag ukol sa karagdagang Pamamaraan ng Panlaban sa COVID-19 sa pinagtuunang panahon
2020.11.17

Ang Gobernador ng Hokkaido ay nagpahayag sa Press Conference noong Nobyembre 17 na magkakaroon ng karagdagan pamamaraan ng panlaban sa COVID-19 na tulad ng mga panlaban para sa Antas ng Alerto Lebel 4. Ito ay isasagawa mula Nobyembre 17 hanggang Nobyembre 27.

Ang nasa ibaba ay ang mga binuod na pahayag ukol sa mga karagdagang pamamaraan ng panlaban.
○Residente at mga Nananatili sa Sapporo
Iwasang lumabas ng tahanan kung hindi kinakailangan at kung walang madalian o mahalagang pakay, huwag pumunta sa Sapporo at ibang lugar.
○Residente at Nananatili sa buong rehiyon ng Hokkaido
Huwag pumunta sa Sapporo kung walang madalian o mahalagang pakay. Gawin ang wastong pamamaraan ng panlaban sa COVID-19 sa mga lugar ng inuman o kainan upang makaiwas sa peligro ng impeksyon.

3 bagay o sitwasyon na kung saan hindi maiiwasan ang peligro ng impekyon.
① Paggamit ng pasilidad o mga lugar na hindi sumusunod sa Bagong Istilo ng Hokkaido
② Pagtitipon nang matagal na oras sa loob ng isang kulob na lugar na kung saan hindi maiwasang magsiksikan
③ Pagtitipon ng mahigit sa 5 katao sa lugar ng inuman o kainan na higit ng 2 oras na kung saan nag uusap nang malakas ang boses at hindi nagsusuot ng mask.


Basahin ang kalakip na file sa ibaba.

Ang antas ng Alerto COVID 19 ay tumaas hanggang lebel3simula noong Nobyembre 7 (Sabado)
2020.11.07

Ayon sa Press Conference ng Gobernador g Hokkaido noong Nobyembre 7, ang antas ng Alerto ng COVID 19 na lebel 2 ay tumaas hanggang lebel 3.
At dahil dito, magkakaroon ng sapilitang pagsasagawa ng mga panlaban simula Nobyembre 7 ay humaba hanggang Nobyembre 27.
Muling hinihiling sa mga mamamayan ang pakikiisa at sundin ang mga pamamaraan na nasa ibaba lalo na sa mga residente ng Sapporo

① Palaging magsuot ng mask, huwag magsalita nang malakas ang boses lalo na habang nasa lugar ng inuman, isagawa ang wastong pamamaraan upang makaiwas sapeligro ng impeksyon.
② Iwasang pumunta sa mga lugar ng inuman sa Susukino simula alas 10 ng gabi hanggang alas 5 ng umaga.
③ Paikliin ang oras ng serbisyo ng mga kainan at inuman sa Susukino.

At muling hinihiling sa mga residente ng Hokkaido ang mga sumusunod.
① Piliin at gamitin ang mga establismyento o mga tindahan na sumusunod sa [ Bagong Istilo ng Hokkaido]
② Iwasang lumabas ng tahanan kung hindi maganda ang pakiramdam ng katawan at palaging magsuot ng mask at wastong paghuhugas ng kamay.
③ Gawin ang [Teleworking] [pagpasok sa magkaibang oras] at paggamit ng [Hokkaido COVID 19 Notification System
④ Pagsasagawa ng [Bagong Istilo ng Hokkaido] ng mga negosyante upang lalong makaiwas sa impeksyon.

At upang maiwasan ang paglawak ng impeksyon, lalong pinabubuti ang mga sistema ng pagkonsulta tugon sa sa medikasyon.
Para sa karagdagang impormasyon, basahin ang kalakip na file.

Ang antas ng Alerto COVID 19 ay tumaas hanggang lebel 2 simula noong Oktubre 28 (Miyerkules)
2020.10.28

Ayon sa Press Conference ng Gobernador g Hokkaido noong Oktubre 28, ang antas ng Alerto ng COVID 19 ay tumaas hanggang lebel 2.
At dahil dito, magkakaroon ng sapilitang pagsasagawa ng mga panlaban sa loob ng 2 linggo simula Oktubre 28 hanggang Nobyembre 10.
Muling hinihiling sa mga mamamayan ang pakikiisa at sundin ang mga pamamaraan na nasa ibaba.

① Iwasan lumabas ng tahanan kung may lagnat o anomang sintomas ng sipon at nakakaramdam ng panghihina ng katawan.
② Palaging magsuot ng mask at maghugas ng mga kamay.
③ Pagsasagawa ng「Teleworking」,「iba’t ibang oras ng pagpasok sa trabaho」at paggamit ng 「COCOA ng Hokkaido」

Para sa karagdagang impormasyon, basahin ang kalakip na file.

Ukol sa Leaflet ng impormasyon tugon sa impeksyon ng COVID-19
2020.10.16

Noong ika 16 ng Oktubre, ang Gobernador ng Hokkaido ay nagpahayag ng impormasyon ukol sa mga sitwasyon na mas lalong mapanganib na magdudulot ng paglawak ng impeksyon. Ipinahyag ang 5 Puntos nito.

Gayundin ang "wastong kaalaman o pag intindi sa Bagong Istilo ng Hokkaido at bigyang halaga o alalahanin ang kaligtasan ng bawat isa" nadagdag bilang kategorya.

Para sa karagdagang kaalaman, basahin ang kalakip na file.

Mula sa Gobernador ng Hokkaido: Lebel ng Alerto ng COVID-19 at Kahilingan para sa Kooperasyon
2020.10.07

Nagkaroon ng press conference noong Oktubre 7, 2020 na kung saan ang Gobernador ay naglabas ng pahayag ukol sa kasalukuyang estado ng COVID-19 sa Japan at ang lebel ng Alerto nito, kasabay nito ang kahilingan para sa kooperasyon ng mga residente at mga negosyo sa Hokkaido. Mayroon ring natatanging mensahe para sa mga kabataan.

Para sa impormasyon, basahin po ang kalakip na file.

Mga Katanungan at Kasagutan sa Houterasu: Legal na bagay-bagay ukol sa COVID-19
2020.10.01

Alam nyo po ba na ang Japan Legal Support Center (Houterasu) ay may mga katanungan at kasagutan tungkol sa legal na bagay-bagay ukol sa COVID-19 na nakasaad sa iba’t ibang wika sa kanilang website? Ang mga katanungan at kasagutan ay para sa mga usapin ukol sa trabaho, pag renta ng tirahan, Residence Status at marami pang iba. Huwag pong mag atubiling tingnan o basahin ito kung kayo po ay may legal na alalahanin.

Mangyari po na basahin ang kalakip na file para sa impormasyon.

Kontak ng Houterasu:
Houterasu Multilingual Information Service
Bukas sa karaniwang araw mula 9:00 am – 5:00 pm
Telepono: 0570-078377
https://www.houterasu.or.jp/multilingual/index.html

Paunawa mula sa Ahensya ng Serbisyong Imigrasyon
2020.09.28

Noong Agosto 12, 2020 ang Ahensya ng Serbisyong Imigrasyon ay nagpahayag ng paunawa upang maiwasan ang malawak na impeksyon tugon sa Landing Refusal at Sitwasyon ng muling pagbubukas ng Paliparan para sa paglalakbay at manggagaling sa ibang bansa.

Kabilang sa pahayag na ito ang「Halimbawa ng pang indibidwal na mahalagang dahilan upang mapayagang makapasok o muling makapasok ng bansang Hapon」idinagdag rin sa na update na pahayag ang「Karagdagang Quarantine Measures para sa mga banyagang papasok o muling papasok ng bansa」kalakip nito ang na update na file.

Para sa detalyadong impormasyon basahin ang kalakip na file.

Pagbabago sa Pahayag mula sa Kawanihan ng Imigrasyon ng Japan ukol sa Suporta sa pagpapatuloy ng trabaho ng mga technical intern na nahiirapang ipagpatuloy ang kanilang pagsasanay o trabaho.
2020.09.17

Ang Payahag mula sa Kawanihan ng Imigrasyon noong Abril 17, 2020 ukol sa「Suporta sa pagpapatuloy ng trabaho ng mga technical intern na nahihirapang ipagpatuloy ang kanilang pagsasanay o trabaho」 ay nagkaroon ng pagbabago.
Noon, ang mga banyagang may Status of Residence na Technical Intern at Specified Skilled Worker lamang ang naging saklaw na tao, subalit sa ngayon, ang mga may Status of Residence na 「Inhinyero, Espesyalista sa makataong Sining, Serbisyong pang internasyonal」 at 「teknikal」 ay naging saklaw na rin.


※Ang maaaring maging trabaho ay ang larangan ng Specified Skilled Worker lamang.
※※Mula sa mga hakbang na ito, maaaring magpalit ng Status of Residence na「Designated Activities(maaaring magtrabaho・pinakamahaba ang 1 taon)」at kung ibabalik ang Status of Residence sa dati, kinakailangang may kadahilanan.

Para sa impormasyon, basahin ang kalakip na file.
Para sa mga katanungan, tumawag sa Kawanihan ng Imigrasyon. Kung kailangan ng interpretasyon, huwag pong mag atubiling tumawag sa center.

Paunawa mula sa Imigrasyon – Foreign Residents Support Center (FRESC) Help Desk
2020.09.01

Ang Foreign Residents Support Center (FRESC), ay programa ng gobyerno na magbibigay ng suporta sa mga banyaga na nainirahan sa Japan, na binuksan noong Setyembre 1, 2020.
Ang FRESC Help Desk ay tumatanggap ng konsultasyon sa pamamagitan ng telepono para sa mga banyaga na nawalan ng trabaho o mga naapektuhan ng COVID-19 ang kanilang pamumuhay.

○TEL: 0120-76-2029 (Libreng tawag)
○Araw at Oras: Lunes – Biyernes, 9:00 umaga to 5:00 hapon
*Sarado tuwing katapusan ng linggo at pampublikong Araw ng kapistahan.
○Mga wika : 14 wika (Hapon, Ingles, Tsina, Koreyano, Vietnamese, Tagalog, Portuguese, Kastila, Nepalese, Indonesian, Thai, Khmer, Burmese, and Mongolya)

Basahin po ang kalakip na flyer para sa impormasyon.

Mensahe mula sa Gobernador ukol sa Obon / Bakasyon sa Tag araw
2020.08.07

Naglabas ng pahayag ang Gobernador sa Press Conference noong Agosto 7, 2020 para sa mga residente at mga bibisita sa Hokkaido ukol sa paglalakbay at pagtitipon sa panahon ng Obon at Bakasyon sa Tag araw. Mayroon ring espesyal na kahilingan para sa mga establismyento at para sa mga kabataan.

Para sa karagdagang impormasyon, basahin ang kalakip na file. (Ingles)

Naglabas ng pahayag ang Ahensya ng Serbisyong Imigrasyon
2020.07.31

Naglabas ng pahayag ang Ahensya ng Serbisyong Imigrasyon noong Hulyo 31, 2020 ukol sa karagdagang hakbang para sa biosecurity sa muling pagpasok nang isang Banyagang Dayuhan na lumabas ng Bansang Hapon na may taglay na permiso ng muling pagpasok.

Para sa karagdagang impormasyon, basahin ang kalakip na file.

Pahayag ukol sa Konsentradong Panlaban ng Bagong Istilo ng Hokkaido
2020.07.31

Simula Agosto 1, pumasok na sa panahon ng unti unting pagluluwag sa paglaban sa COVID 19. Subalit sa dahilang kasalukuyan na tag init ngayon, magsisimula ang bakasyon ng eskwela at obon yasumi o todos los santos ng bansang Hapon, kaya’t magiging matao na naman ang bawat lugar na maaaring maging sanhi ng impeksyon. At upang mapaglabanan ang impeksyon, nagpahayag ang Gobernador sa Press Conference noong Hulyo 31, 2020 ukol sa「 Konsentradong Panlaban ng Bagong Istilo ng Hokkaido」.

Para sa karagdagang Impormasyon basahin ang kalakip na file.

Paunawa mula sa Ahensya ng Serbisyong Imigrasyon-Mga tanging halimbawa ng mga kaso na pinayagang kumuha ng re-entry permit na may mahalagang kadahilanan.
2020.07.29

Noong ika-29 ng Hulyo, 2020, ang Ahensya ng Serbisyong Imigrasyon ay naglabas ng paunawa ukol sa sa mga tanging halimbawa ng mga kaso na maaaring kumuha ng re-entry permit na may natatanging kadahilanan
At kung saan pinigilang pumasok ng Japan upang maiwasan ang paglaganap ng impeksyon ng COVID 19.

Basahin ang kalakip na file para sa karagdagang kaalaman.
Para sa mga katanungan, huwag pong mahiyang tumawag sa center.

Ukol sa Paunti -unting pagluluwag pagkaraan ng Hunyo (Panahon pagkalipat).
2020.07.27

Ang Gobernador ng Hokkaido ay nagpahayag ukol sa paunti-unting pagluluwag, noong ika-27 ng Hulyo, 2020.

Para sa impormasyon, basahin ang kalakip na file.

Ukol sa Paunti -unting pagluluwag pagkaraan ng Hunyo (Patungo sa ika-3 Baitang)
2020.07.10

Ang Gobernador ng Hokkaido ay nagpahayag ukol sa paunti-unting pagluluwag, noong ika-10 ng Hulyo, 2020.

Para sa impormasyon, basahin ang kalakip na file.

Ukol sa Paunti -unting pagluluwag pagkaraan ng Hunyo (Patungo sa ika-2 Baitang)
2020.06.18

Ang Gobernador ng Hokkaido ay nagpahayag ukol sa paunti-unting pagluluwag, noong ika-18 ng Hunyo, 2020. Ito ay ang mga sumusunod.

1. Paunti-unting pagluluwag pagkaraan ng Hunyo (Patungo sa ika-2 baitang).
2. Diskwento para sa Mamamayan ng Hokkaido.
3. Mga dapat pag ingatang mabuti

Para sa impormasyon, basahin ang kalakip na file

Mga Panukalang pang emerhensya tugon sa COVID-19 (Numero 3)
2020.06.09

Naglabas ng pahayag ang Gobernador ng Hokkaido sa Press Conference noong ika -9 ng Hunyo, 2020 ukol sa mga Panukalang pang emerhensya tugon sa COVID 19. Ito ay ang mga sumusunod.

1. Malawak na kaalaman at pagsasanay ng “Bagong Istilo ng Hokkaido”.
2. Maging handa at palakasin ang Sistema ng Medikal para sa ikatlong alon at mga susunod pa.
3. Pagpapatuloy at unti unting pag usad ng Ekonomiya.
4. Maging ligtas at magkaroon ng kapayapaan ng isip sa pakikiisa at pagsasagawa ng mga pang kultura at sosyalidad na aktibidades.
Para sa karagdagang kaalaman, basahin ang kalakip na file.

Pinakabagong Impormasyon mula sa Pulisya ng Hokkaido hinggil sa Pagsisimula muli ng Proseso sa pag babago ng Lisensya sa pagmamaneho.
2020.06.05

Simula noong ika 8 ng Hunyo,2020 ang pag proseso ng pagbabago ng Lisensya sa pagmamaneho ay muling maisasagawa sa Sapporo Driver’s License Center, the Central/Atsubetsu Excellent Driver Renewal Center, at mga istasyon ng pulis sa Sapporo. Gaimen kirikae (pagpapalit ng international license sa Japanese license) muli ring isasagawa ang written at aktuwal na eksamen.

Upang maiwasan ang pagdagsa ng aplikante, ang may lisensya na mag e expire sa loob ng 2 linggo muna ang pinapayagang mag renew ng kanilang lisensya. At kung ang lisensya ay mag e expire nang Hulyo 31, maaaring magpa renew sa loob ng 3 buwan.

*Ang Pag po proseso ng Pagbabago ng Lisensya ng pagmamaneho ay muling ring isasagawa sa mga lugar na hindi nasasakupan ng Sapporo simula noong Hunyo 1, 2020.

Para po sa katanungan, tumawag po sa pinakamalapit na driver’s license center. At para po sa interpretasyon, huwag pong mahiyang tumawag sa center.

Hinggil sa mga Banyagang nadespatsa, at natapos ang kontrata, nautusang manatili sa bahay, etc. dahil sa patuloy na paglala ng kalagayan gawa ng COVID-19. (Binago noong Hunyo 1)
2020.06.01

Maraming mga Banyaga ang nawalan o naalis sa trabaho dahil sa epekto ng COVID-19, tinapos ang kontrata, inutusang manatili sa bahay, etc. Depende sa inyong sitwasyon at sa mga kondisyon na inilatag ng Serbisyong Sangay Ng Imigrasyon, maaari kayong magpatuloy na manirahan dito sa Bansang Hapon sa taglay ninyong status of residence o Bisa, o kaya papayagan na palitan ang inyong status of residence sa “Designated Activities” upang makahanap ng trabaho. Paki tingnan po ang kalakip na file para sa maraming impormasyon.

Kung mayroon kayong katanungan tungkol sa mga bagay-bagay ito ay masasagot ng inyong local na Kawanihan Ng Imigrasyon. Kung kayo ay mangangailangan ng tulong ng taga-salin, huwag mag-atubiling tumawag sa amin.

Mahalagang mga Palakad para sa COVID-19 na Hakbangin o Countermeasures mula June 1st
2020.05.29

Ayon sa press conference na ginanap noong Mayo 29, 2020, nagpahayag ang Gobernador Ng Hokkaido ng “Mahalagang mga Palakad para sa COVID-19 Countermeasures.” Ang mga sumusunod sa ibaba ay ang maiksing banghay ng mga nilalaman:

・Pag-tantiya o pag-kalkula ng Resulta o kinalabasan pagkatapos ng Hunyo.
. * Pagbibigay-alam Na Paraan Ng Hojkkaido Corona.
・Pagpigil Ng Impeksyon (Grado ng Panganib)
・Maagang pagkakatuklas at Pagtugon.

Pakitingnan po ang kalakip na file para pa sa maraing detalye (Ingles).

Bagong Pamamaraan ng School Life – Pahayag mula sa Hokkaido Board of Education
2020.05.26

Ang Hokkaido Board of Education ay naglabas ng pahayag noong Mayo 26, 2020 para sa mga magulang at taga pag- alaga ukol sa pagsasagawa ng bagong pamamaraan ng School Life. Tingnan ang nakalakip na file para sa karagdagang impormasyon.

Para sa mga katanungan, makipag ugnayan sa eskwelahang pinapasukan ng ating anak.
*Para sa interpretasyon, huwag pong mahiyang tumawag sa center

Wakas Ng Pambansang Emerhensiya. Tugon Sa Hokkaido.
2020.05.25

Ayon sa press conference na ginanap noong Mayo 25, 2020, nagpahayag ang Gobernador ng Hokkaido ng mga bagong hakbangin upang mapigilan ang mas lalong pagkalat ng COVID-19.

Ang Kalagayan ng Pambansang Emerhensiya ay itinaas na sa buong Japan, at gaya nang nabanggit, ang Kalagayan Ng Pambansang Emerhensiya na nakapatong rin hanggang sa ngayon sa Hokkaido ay naitaas na rin. Gayon pa man, mayroon pa ring mga bagong kaso nang impeksiyon ang nakukumpirma ditto sa Hokkaido, dahil ditto, ang mga sumusunod na hakbangin ay patuloy pa ring ipapasunod sa panahong Mayo 25 hanggang May 31.

〇 Hakbangin para mapigilan ang mas lalo pang pagkalat ng Impeksiyon.
・Pakiusap sa mga mamamayan na manatili sa tahanan, at iba pa.
・Pakiusap sa pagtigil ng pagpapalakad/ Isara ang Negosyo( pakiusap ng pakikipagtulungan)
〇 Pagpapatupad Ng “Bagong Pamamaraan Sa Buhay.” o “New Way of Life”
・Masusing Pagpigil Ng Impeksiyon.
・Pagpapalaganap ng Social Distancing sa Hokkaido.
・Pakiusap sa hakbanging mapigilan ang impeksiyon sa mga pamilihan, parke, at iba pa. (Pakiusap ng pakikipagtulungan)

Sa karagdagan, ang mga detalye tungkol sa Bagong Pamamaraan Sa Buhay Sa Hokkaido ay naipahayag na.

Para sa maraming detalye, Pakitinganan ang kalakip na file (Ingles).

Paalaala mula sa Ministry of Education, Culture, Sports, Science and Technology: ukol sa Emerhensyang Benepisyong Pinansyal
2020.05.22

Dahilan sa epekto ng COVID 19, maraming estudyante ang nawalan o nabawasan ang kita .At upang matugunan ang kanilang pangangailangan, nagkaroon ng Emerhensyang Suporta o Benepisyong Pinansyal para sa mga estudyante upang maipagpatuloy ang kanilang pag aaral. Ang pangunahing plano para sa programang ito ay ang mga sumusunod.

・Karapat dapat na estudyante:
Estudyante ng Pampubliko o Pribadong Unibersidad (kasama ang mga nakapagtapos na) junior college, technical colleges, at iba pa (kasama ang estudyante ng Japanese school)
*Ang Estudyante ng International School ay karapat dapat rin na makatanggap nito

・Halaga:
Estudyante na hindi kailangang magbayad ng pang residenteng buwis 200,000
Iba pang estudyante 100,000

Tingnan ang kalakip na file para sa karagdagang impormasyon.

Para sa mga katanungan, makipag ugnayan sa eskwelahang pinapasukan.
Para sa interpretasyon, huwag pong mahiyang tumawag sa center.

Bahagyang Pag-angat ng Hiling Sa Pagsasara Ng Negosyo O trabaho mula May 25, 2020
2020.05.22

Ayon sa press conference na ginanap noong May 22, 2020, nagpahayag ang Gobernador Ng Hokkaido ng Bahagyang Pag-angat ng hiling Sa Pagsasara Ng negosyo o trabaho. Ang mga banghay o nilalaman ay ang mga sumusunod:

・Tungkol sa Bahagyang Pag-angat Ng Hiling Sa Pagsasara Ng Negosyo o Trabaho *
・Tungkol sa bagong pamamaraan ng Hokkaido (para sa operasyon ng negosyo)
・Mapagtagumpayan ang 2nd wave, mapaghandaan ang 3rd wave
*Upang maging karapat-dapat para makakuha ng suporta na igagawad sa mga negosyo, doon sa mga negosyong may hiling nang pagsasara, at iba pa, ay kailangang makipagtulungan hanggang May 25, 2020.

Para sa mga detalye, pakitingnan ang kalakip na file (Ingles).

Mga Binagong impormasyon mula sa Serbisyong Sangay ng Imigrasyon
2020.05.21

Nagkaroon ng mga pagabago sa mga impormasyon mula sa Serbisyong Sangay ng Imigrasyon na ipinapamahagi. Ito ay ang mga sumusunod.

・Mga pamamaraan tugon sa mga nahihirapang makabalik sa sariling bansa (Binago noong Mayo 21)
・Pakikitungo sa mga banyagang estudyante(Binago noong Mayo 20)
・Pamamaraan tugon sa aplikasyon ng Status of Residence ng Technical InternTrainees (Binago noong Mayo 21)

Para sa karagdagang Impormasyon basahin ang kalakip na file.

Halimbawa ng pagsulat sa application form ng Special Fixed Benefit na isinaad ng Ministry of Internal Affairs and Communication sa iba’t ibang wika
2020.05.20

Makikita sa Homepage ng Ministry of Internal Affairs and Communication ang halimbawa ng pagsusulat sa application form ng Special Fixed Benefit na 100,000 yen na nasa iba’t ibang wika. Ito po ay ating alamin.

https://bit.ly/2zSVRcQ

Para sa mga katanungan, tumawag sa Munisipyo ng inyong lugar.
Para sa interpretasyon, huwag pong mahiyang tumawag sa center.

Pahayag mula sa Ministry of Internal Affairs and Communication sa Pamamaraan ng pagtanggap ng Special Fixed Benefit ayon sa pagpapalit ng Status of Residence o visa.
2020.05.19

Ang pahayag na ito ay inilabas ng Ministry of Internal Affairs and Communication noong Mayo 19, 2020 at ito ay ang mga sumusunod.

Dahilan sa epekto ng COVID 19, maraming banyaga ang nahihirapang makauwi sa sa sariling bansa. Ang may hawak ng Temporary visitor at Designated Activities visa ay hindi sakop ng Special Fixed Benefit hanggang Abril 27. Subalit sa ngayon, ang visa na ito maaaring palitan ng mid-long term resident (3 buwan mahigit) at magiging sakop ng Benepisyo.

Para sa karagdagang impormasyon, basahin ang kalakip na file.
Para sa mga katanungan, huwag pong mahiyang tumawag sa center.

Paalaala mula sa Board of Education ng Hokkaido para sa muling pagbubukas ng mga eskwelahan
2020.05.19

Ang Board of Education ng Hokkaido ay nagpahayag ng mga paalaala ukol sa muling pagbubukas ng mga eskwelahan upang maiwasan ang pagkahawahan at maging ligtas ang bawat estudyante sa pagapasok at pagsasagawa ng mga aktibidades sa eskwelahan. Ang file na ito ay ipinaalam sa lahat ng mga eskwelahan.

Para sa detalyadong impormasyon, magtanong po sa bawat eskwelahan.
*Para sa interpretasyon, huwag pong mahiyang tumawag sa center.

Pahayag mula sa Pulisya ng Hokkaido ukol sa mga Panukala tugon sa pagbabago ng Lisensya ng pagmamaneho.
2020.05.19

 Ito ay magiging gabay para sa mamamayan na hindi makapag proseso ng pagbabago ng kanilang lisensya ng pagmamaneho dahilan sa epekto ng COVID 19. Para sa karagdagang kaalaman, basahin ang kalakip na file.

Para sa mga katanungan, tumawag po sa Pulisya ng Hokkaido o Licensing Center.
※Para po sa interpretasyon, huwag pong mahiyang tumawag sa center.

Kabuuan ng mga Panukala tugon sa COVID 19 mula sa Taskforce ng Hokkaido Para sa mga Mamamayan ng Hokkaido na naging apektado ng malawak na pagkalat ng COVID 19
2020.05.19

Ang Taskforce ng Lalawigan ng Hokkaido ay nagpahayag ng mga panukala tugon sa mga apektado ng COVID 19. Ito po ay gabay para sa mga mamamayang kasalukuyang hindi makapasok sa trabaho na naging dahilan ng pagkawala o pagkabawas ng kita. At para rin sa mga namomroblema sa pagbabayad ng mga bayarin at buwis

Para sa detalyadong impormasyon, basahin po ang kalakip na file (Ingles).
*Para sa mga tanong at interpretasyon, huwag pong mahiyang tumawag sa center.

Pangatlong Emerhensyang Mensahe(Mayo16~Mayo17)
2020.05.15

Nagpahayag ng Emerhensyang Mensahe sa Press Conference noong Mayo 15,2020 ang Gobernador ng Hokkaido,
Ito ay ang mga sumusunod.

Nabawasan na ang paglaganap ng COVID sa Hokkaido subalit nananatili itong kasama sa mga Preperektura na kailangang ipagpatuloy ang ekstrang pag iiingat sa paglaganap ng COVID 19. Kaya muling hinihiling sa mamamayan na gawin ang mga maaaring gawin sa loob ng katapusan ng linggo upang maiwasan ang muling paglaganap ng impeksyon.

1. Mga Residente ng Sapporo, manatili po tayo sa ating tahanan!
2. Mga Residente ng Hokkaido, huwag pong pumunta sa Sapporo!
3. Mga Residente sa labas ng Hokkaido, huwag pong pumunta o lumabas ng ibang preperektura.

Ipagpatuloy ang pag iwas sa 「3 C」, isagawa ang「Bagong Pamamamaraan ng Pamumuhay」upang maiwasan ang paglaganap ng impeksyon.

Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang kalakip na file.

Mga Pangunahing Panukala tugon sa COVID 19
2020.05.14

Noong Mayo 13, nagpahayag sa Press Conference ang Gobernador ng Hokkaido ukol sa gagawing mga pangunahing panukala tugon sa COVID 19.
Para sa karagdagang kaalaman, tingnan ang kalakip na file.
※Para sa mga katanungan, huwag pong mahiyang tumawag sa center.

Mayroon po ba kayong problema sa bayarin ng bahay o walang matuluyan dahil sa COVID-19?
2020.05.13

Ang mga sumusunod na suportang hakbangin ay ipinatupad para sa mga indibiduwal na humaharap sa kahirapan ng pagbabayad ng upa, o nawalan ng tirahan dahil sa epekto ng COVID-19.

1.Tulong Na Salapi Sa Pabahay
Kung ikaw ay nasa peligro na mawawalan ng tirahan dahil sa pagkawala ng trabaho o kaya pagbaba ng sueldo, Maaaring ikaw ay karapatdapat dito sa Tulong na salapi sa Pabahay. Ang Munisipal na gobyerno ang tutulong na magbabayad ng inyong renta o bayad ( magbabayad ng direkta sa may-ari) para, sa karaniwan, Tatlong buwan, Na hanggang sa pinakamataas na Siyam na Buwan. Upang maging karapat-dapat sa tulong na ito, ikaw ay kailangan na, alinman sa nawalan ka ng trabaho o nabawasan ang inyong sueldo ng Malaki sa loob ng dalawang taon, at nasa peligro na mawawalan ka ng tirahan.

2. Pansamantalang Suportang tulong Pangkabuhayan.
Kung kayo ay walang matitirahan, o kaya ay hindi matatag ang pakikipag-ayos sa tirahan, gaya ng pagtigil nang matagalan sa isang net café, at iba pa., emergency shelter, pagkain, at pananamit ay paglalaanan para sa taning na panahon (ng mga 3 Buwan) Sa karagdagan, iba’t-ibang tulong o suporta para sa pamumuhay matapos ang paninirahan sa shelter ang ipapamahagi, gaya ng para makapagtrabaho. Kung kayo ay walang lugar ng tirahan at ang kinikita ay mababa pa sa talagang kita, kayo ay maaaring karapat-dapat para sa suportang programa na ito.

Kung kayo ay may katanungan tungkol sa suportang hakbangin na ito, kumontak po sa inyong lokalidad o ang tinatawag na Independence Consultation Support Organization (jiritsu soudan shien kikan.) Para sa mga nangangailangan ng tulong ng Taga-salin, huwag mong mag-atubiling tumawag sa amin dito sa Center. Kami ay naririto upang tumulong!

Pahayag mula sa Imigrasyon ukol sa mga hindi makapagsagawa ng kanilang naturang aktibidades ayon sa kanilang Status of Residence (Visa).
2020.05.13

Dahilan sa epekto ng COVID 19, maraming mga dayuhan ang hindi makapagsagawa ng kanilang naturang aktibidades ayon sa kanilang Status of Residence. Pangkaraniwan na kapag hindi naisagawa ang naturang aktibidades pagkalagpas ng 3 buwan, ang kanilang Status of Residence ay mawawalan ng bisa. Subalit kung kayo ay may makatarungan o tamang dahilan, hindi mawawalan ng bisa ang inyong Status of Residence.
Para malaman kung anu-ano ang mga makatarungan o tamang dahilan, tingnan po ang kalakip na file.
Para sa mga katanungan, tumawag po sa opisina ng Imigrasyon.
Para sa interpretasyon, huwag pong mahiyang tumawag sa center.

Pahayag mula sa Immigration Services Agency Ng Japan – Pinahaba ang panahon sa pagtanggap ng mga aplikasyon na may kinalaman sa paninirahan (COVID-19)
2020.05.12

Na-update noong Mayo 12, 2020 ang mga hakbang upang mabawasan ang pagdagsa sa opisina ng Imigrasyon upang mapigilan ang pagkalat ng Corona Virus (COVID-19).

Sa ngayon, Ang mga Dayuhan na may taglay na Bisa na magtatapos sa mga buwan ng Marso, Abril, Mayo, Hunyo at Hulyo ay maaari nang magbigay ng aplikasyon sa Paninirahan ( halimbawa: pagpapahaba ng pagtigil o kaya pagpalit ng taglay na Bisang Paninirahan or residence status) na pahabain ng hanggang Tatlong Buwan mula sa petsa ng pagtatapos ng kanilang Bisa ng pagtigil. Hindi kasama rito ang mga Dayuhan na may taglay na Bisa na “Designated Activities (Departure Preparation Period).”

Tingnan ang kalakip na mga dokumento para sa mga detalyeng impormasyon.

Kung kayo ay mangangailangan ng tulong ng isang Taga-salin para makapagtanong, huwag po kayong mag-atubiling tumawag sa amin.

Pangalawang Mensaheng Pang Emerhensya 【Mayo 9(Sabado)、Mayo 10(Linggo)】
2020.05.08

Nagpahayag ng Emerhensiyang Mensahe ang Gobernador ng Hokkaido sa Press Conference noong ika 8 ng Mayo, 2020 ukol sa mga maaaring gawin ng bawat mamamayan ng Sapporo at Hokkaido upang mapigil ang malawak na pagkalat ng COVID 19 sa Hokkaido.

1. Mamamayan ng Sapporo: Manatili po sa ating tahanan!
2. Mamamayan ng Hokkaido: Huwag pumunta sa Sapporo!
3. Mamamayan sa labas ng Hokkaido: Huwag pumunta o lumabas ng ibang Preperektura!


Basahin po ang kalakip na file.

Mga Praktikal na Halimbawa ng Pamamaraan ng Bagong Pamumuhay sa ilalim ng Estado ng Panukalang pang Emerhensiya tugon sa COVID 19
2020.05.08

Naglabas ng pahayag ukol sa mga Praktikal na Halimbawa ng Pamamaraan ng Bagong Pamumuhay sa ilalim ng Estado ng Panukalang Pang emerhensiya tugon sa COVID 19 noong ika-6 ng Mayo, 2020.
Ito ay ang mga sumusunod:

1. Mga Pangunahing pamamaraan na nararapat gawin ng bawat isa upang maiwasan ang pagkahawa.
2. Mga Praktikal na halimbawa ng Pamamaraan para sa Pang araw-araw na bagong pamumuhay.
3. Mga Praktikal na Halimbawa ng Pamamaraan para sa bagong pamumuhay ayon sa iba’t ibang sitwasyon.
4. Mga Praktikal na Halimbawa ng Pamamamaraan sa Bagong Trabaho.

Para sa detalyadong impormasyon basahin ang kalakip na file.

Paghaba ng Pansamantalang Pagsasara ng Eskwelahan dahilan sa Estadong Emerhensya
2020.05.08

Nagbigay ng pahayag ang Board of Education sa bawat Board of Education ng anomang municipal noong ika 4 ng Mayo, 2020. Ito ay hinggil sa paghaba ng pansamantalang pagsasara ng mga eskwelahan hanggaang ika 31 ng Mayo, 2020. Kalakip nito ang maga impormasyon na maaaring makatulong sa mga magulang, mga guro ng iba’t ibang wika at iba pa. Ito ay ang mga sumusunod.

1.Ang pansamatalang Pagsasara ng eskwelahan ay tatagal hangggang Mayo 31, 2020
2.Kasabay sa kahilingan na pansamantalang pagsasara ng mga negosyo,ang paghahati ng pagpasok ng mga estudyante ay pananatilihin hanggang Mayo 15 at isasagawa nang konting bilang ng estudyante. Hiniling sa Board of Education na dagdagan ang bilang ng araw ng paghahati ng pasok ng mga estudyante kada lingo.
3.Regular pagsuri sa kalusugan at pamumuhay ng bawat estudyante. Ito ay nararapat isagawa isang beses sa isang lingo. Sa mga batang nakatala dahilan sa pangangailangan ng ekstrang suporta ay nararapat na magpasuri ng mahigit isang beses kada lingo

Para sa karagdagang impormasyon, makipag ugnayan sa eskwelahang pinapasukan ng ating anak. At para sa interpretasyon, huwag mahiyang tumawag sa center.

Paghaba ng Estado ng mga Panukalang Pang Emerhensya tugon sa COVID 19 sa Hokkaido
2020.05.07

Nagpahayag ang Gobernador ng Hokkaido na pahahabain ang panahon ng Estado ng mga Panukalang pang Emerhensya noong Mayo 6 sa dahilang paglawak muli ng COVID 19.

Lugar:Buong Rehiyon ng Hokkaido
Petsa:Abril 17(Biyernes)~ Mayo 31(Linggo)
Detalye ng Pagsasagawa:
Hanggang ngayon malawak parin ang pagkahawahan sa Hokkaido. At upang mapigilan ito may itinalagang mga
Pamamaraan para sa Bagong Pamumuhay at patuloy na kahilingan na iwasan ang 3C

★Mga Pamamaraan upang hindi na lumaganap pa muli ang pagkahawahan★
・Iwasang lumabas ng tahanan
・Pakikiisa na itigil muna ang mga okasyon at pagtitipon

★Sundin ang gawing mabuti ang mga pamamaraan para sa Bagong pamumuhay★
・Atin itong sundin upang mapigilan ang pagkalat ng virus at masugpo ito
・Ipaalam sa nakakarami ang tungkol sa Hokkaido Social Distancing
・Pakikiisa na iwasan ang pagkahawahan sa loob ng pamilihan at mga parke.

Basahin po ang kalakip na file.

Para sa Mamamayan ng Hokkaido (Mayo 4, 2020)
2020.05.06

Muling kahilingan ukol sa pananatili sa tahanan, pagsasara ng mga negosyo at eskwelahan

・Upang maiwasan ang malawak na pagkalat ng Coronavirus ang “Estado ng mga panukalang pang emerhensya” ay pahahabain hanggang Mayo 31.

・Tugon sa “Estado ng mga panukalang pang emerhensya” ang kahilihingan na pagsasara ng mga negosyo ay humaba hanggang Mayo 15.

・Kung mapipigilan ang pagkalat ng corona virus at hindi na magkukulang ang mga pangangailangan ng medikasyon, ipagsasaalang alang na huwag na gamitin ang mga akomodasyon kapalit ng mga ospital.

・Tugon sa 「Benepisyong Pinansyal sa mga nagsara ng negosyo 」ay hinihiling muling makiisa na isara ang mga negosyo hanggang Mayo 15 upang mabawasan ang pagkalat ng coronavirus.

Gobernador ng Hokkaido  Naomichi Suzuki

Pambihirang Benepisyong Pinansyal para sa Pamilyang nagpapalaki ng anak
2020.05.01

Noong ika-22 ng Abril, nagpahayag ang Ministry of Health, Labor and Welfare ukol sa matatangap na pambihirang benepisyong pinansyal ng bawat pamilyang may pinapalaking anak.
Ito ay ang mga sumusunod.

○ Mga maaaring makatanggap nito
: Mga nakatanggap ng Jidoteate (Child-care allowance) noong Abril (kasama ang para sa buwan ng Marso).

○ Mga Batang sakop nito
: Mga nakatanggap ng jidoteate simula sa buwan ng Abril.
※ Mga ipinanganak hanggang Marso 31. Kasama ang mga estudyanteng bagong tuntong ng Senior Highschool.

○ Matatanggap na halaga
: 10,000 yen bawat bata

○ Paraan upang makatanggap nito
: ・ Makakatanggap ng sulat mula sa munisipyo, pirmahan at ipadala sa pamamagitan ng       
  koreo.
・Ang matatanggap na halaga ay ipapadala sa itinalang bank account.

○ Kailan matatanggap
: Pagdedesisyunan ng Munisipalidad.

Para sa mga impormasyon, magtanong po sa Munisipyo ng inyong tinitirahan.
Para sa interpretasyon, huwag pong mahiyang tumawag sa center.

Suporta para sa paghahanap ng trabaho ng mga trainees at technical interns na nawalan ng trabaho
2020.05.01

Naglabas ng pahayag ang Imigrasyon ukol sa Suportang isasagawa para sa mga trainees at technical interns na biglang nawalan ng trabaho na naging epekto ng malawak na pagkalat ng COVID 19.
Ito ay ang mga sumusunod
〇 Mga Sakop nito: Dayuhang Trainees at Technical interns na nawalan ng hanap buhay epekto ng COVID 19.
(※Para sa detalyadong Impormasyon, makipag ugnayan sa Opisina ng Imigrasyon)
〇 Matatanggap na visa at itatagal nito
: Designated Activities (maaaring magtrabaho) pinakamatagal ang 1 taon.
〇 Maaaring gawing Aktibidades
: Magdagdag ng kaalaman na maaaring gamitin sa trabaho

Para sa detalyadong impormasyon, tinggnan po ang kalakip na file.
※ Sa manganagailangan ng interpretasyon, huwag pong mahiyang tumawag sa center.

Para sa karagdagang kaalaman: https://bit.ly/34Zm6tF (Wikang Hapon lamang)

Benepisyong Pinansyal na matatanggap ng mamamayan na nakabukod ng tirahan dahil sa pananakit ng puno ng tahanan
2020.05.01

Napagdesisyunan ng Gobyerno na ipadala ang application form para sa 100,000 yen na benepisyong matatanggap sa bawat puno ng tahanan (householder), subalit mayroong mamamayan na bukod ang tirahan dahil sa pananakit ng puno ng tahanan. Kaya ang mga ito ay maaaring makatanggap mula sa Munisipyo ng kasulukuyang tinitirahan.

〇 Petsa ng Aplikasyon
 Abril 24 ~ Abril 30, 2020 ※ Maaring ipadala ang mga papeles kahit lumagpas ng 30 araw.

〇 Mga kailangang Papeles
・Kasulatan na bukod na naninirahan dahilan sa pananakit ng puno ng tahanan.
・Application form na makukuha sa munisipyo,center para sa suporta sa mga kababaihan at website ng Ministry of Internal Affair and Communication.
Ito ay alinman sa mga sumusunod.
a. Opisyal na papeles ukol sa pananakit ng puno ng tahanan mula sa center ng Suporta sa mga kababaihan o munisipyo.
b. Opisyal na kopya mula sa korte.

※ Kung may kasamang anak o ibang miyembro ng pamilya, magpasa rin ng kanilang papeles upang malaman ang kanilang sitwasyon.

Para sa mga impormasyon, magtanong po sa munisipyo ng inyong tirahan.
Para sa interpretasyon, huwag pong mahiyang tumawag sa center.

[Golden Week] Emerhensiyang Mensahe
2020.05.01

Nagpahayag ng Emerhensiyang Mensahe ang Gobernador ng Hokkaido sa Press Conference noong ika 30 ng Abril, 2020 ukol sa mga maaaring gawin ng bawat mamamayan ng Sapporo at Hokkaido upang mapigil ang malawak na pagkalat ng COVID 19 sa Hokkaido.

1. Mamamayan ng Sapporo: Manatili po sa ating tahanan!
2. Mamamayan ng Hokkaido: Huwag pumunta sa Sapporo!
3. Mamamayan sa labas ng Hokkaido: Huwag pumunta o lumabas ng ibang Preperektura!


Basahin po ang kalakip na file.

Pakiusap sa pakikipagtulungan sa mga Supermarket/Park Sa oras ng Emerhensya
2020.04.28

Ayon sa pagpupulong na naganap noong Biernes, Abril 24, 2020, May karagdagang pakiusap nang pakikipagtulungan ang inihayag para sa mga residente ng Hokkaido tungkol sa mga hakbangin upang paglabanan ang impeksyon lalung-lalo na sa mga lugar gaya ng mga supermarket and parke.

Para sa mas maraming impormasyon, pakibasa ang naka attach na file sa ibaba.

Detalye ukol sa Financial Assistance na matatanggap ng mga Negosyante mula sa Pamahalaan ng Hokkaido
2020.04.24

Naglabas ng pahayag sa Homepage ang Hokkaido ukol sa impormasyon sa Financial Assistance na
matatanggap ng mga Negosyanteng pansamantalang magsasara ng kanilang negosyo bilang tugon sa kahilingan ng Pamahalaan upang maiwasan ang malaking paglawak ng Corona virus at masugpo ito. Ito ay ang mga sumusunod.

○ Itatagal na Panahon

Abril 25 ~ Mayo 6
※ Tingnan po ang nasa ibaba upang malaman kung ano ang mga sakop nito at hindi.
Mga Negosyong hiniling na pansamantalang magsara: https://bit.ly/2xKZaST
Mga Negosyong hindi kailangang magsara: https://bit.ly/2Y2dEs0

○ Detalye ukol sa pagsasara bilang pakikiisa: Financial Assistance
1 Sa mga pansamantalang magsasara
Korporasyon 300,000 yen
Solong May ari 200,000 yen
2 Maliban sa itaas, ang mga restawran at bar na nagbebenta o naglalabas ng alak (hanggang alas 7 ng gabi)
Korporasyon man o Solong may ari 100,000 yen
3 Kahilingan na dapat isagawa upang mabawasan ang delikadong pagkalat ng impeksyon.

○ Panahon na itatagal ng Aplikasyon
Ito ay agad na isasagawa matapos ang pagpupulong ng Pamahalaan ng Hokkaido.

Para sa mga katanungan
Direct dial: 011-216-0104, 011-206-0216
Araw: Lunes hanggang Biyernes 8:45 ~ 17:30 (kasama ang araw ng Abril 25 (Sabado) at 26 (Linggo)

Para sa detalyadong impormasyon tinggnan po ang kalakip na file.

Financial Assistance na matatanggap
2020.04.23

Naglabas ng pahayag sa kanilang homepage ang Ministry of Internal Affairs and Communication ukol sa impormasyon sa pagtanggap ng Financial Assistance noong Abril 20, 2020.

○ Sino ang makakatanggap ng Financial Assistance at pwedeng kumuha nito
・Ang lahat ng mamamayan na nakarehistro sa Basic Resident Register ay makakatanggap nito.
・Ang pwedeng kumuha nito ay ang Householder ng taong tatanggap (kung mayroon).
※Ang Foreigner na naninirahan ng higit 3 buwan sa Japan at may residence card ay makakatanggap nito.

○ Matatanggap na halaga
・100,000 yen bawat tao

○ Mga dapat gawing proseso upang makatanggap nito.
1. Sa pamamagitan ng Koreo: Pagkatanggap ng Application Form mula sa Munisipyo, pirmahan ito at ihulog sa post office kalakip ang kopya ng Passbook sa Banko o Post Office (kung saan ipapadala ang pera) at ID.
※Ang Application form ay ipapadala sa address na nakatala sa Basic Resident Register hanggang sa araw na Abril 27, 2020. Kung kayo ay lumipat ng tirahan, maaaring hindi makarating sa inyo ang application Form kaya tayo po ay makipag ugnayan sa Munisipalidad ng ating dating tirahan.
2. Sa pamamagitan ng Internet: (Ito ay para sa may My Number lamang) I type ang inyong detalye ng bank account sa MynaPortal, i upload ito kasama ng inyong ID.

○ Araw ng pagtanggap
・Pagdedesisyunan ng bawat Munisipyo.
・Sa loob ng 3 buwan matapos mag apply.

○ Call Center:
Tel: 0120-260020
Oras: 9:00 ~ 18:30

Kung kailangan po ng Interpretasyon, huwag pong mahiyang tumawag sa center.
Para sa karagdagang kaalaman:
https://www.soumu.go.jp/menu_seisaku/gyoumukanri_sonota/covid-19/kyufukin.html (Wikang Hapon lamang)

Suportang Pang Pinansyal para sa mga Negosyante
2020.04.22

Base sa Press Conference noong Abril 20, 2020, nagpahayag ang Gobernador ng Hokkaido ukol sa magiging suportang pang pinansyal sa mga negosyante na naapektuhan ng COVID 19. Ito ay tugon sa pagsasara ng negosyo bilang pakikiisa sa pagpigil ng pagkalat ng virus at maagap na masugpo ito. Tingnan ang kalakip na file para sa karagdagang impormasyon.
※Paalaala: Ito ay sisimulan matapos maaprubahan ang budget.
Palagi pong tingnan ang aming website at Facebook para sa mga bagong impormasyon.

State of Emergency sa Hokkaido-ukol sa Kahilingan sa pagsasara ng mga Negosyo
2020.04.22

Base sa Press conference noong Abril 20, 2020, ang Gobernador ng Hokkaido ay nagpahayag ng mas klarong impormasyon ukol sa kahilingan na pagsasara ng mga negosyo upang mabawasan ang pagkalat ng COVID 19.

Ang Pdf form ay makikita sa aming website na kung saan nakalista ang mga sakop na negosyo na hinihiling na magsara. Kung kayo po ay negosyante, tingnan po natin itong mabuti.

Mga Hakbang ukol sa State of Emergency tugon sa kumakalat na COVID 19
2020.04.20

Ayon sa Press conference noong ika-17 ng Abril, ang Gobernador ng Hokkaido ay nagpahayag/nagdeklara ng mga hakbang ukol sa State of Emergency upang maiwasan ang pagkalat at masugpo ang COVID 19.
○ Ibig sabihin ng State of Emergency
・Pagkakaisa ng bawat mamamayan, pulitiko, pampublikong samahan sa bawat rehiyon, tauhang medikal, espesyalista, negosyante na isagawa ang mga pangunahing hakbang upang maiwasan ang pagkalat at ng COVID 19 sa pamamagitan ng pananatili sa tahanan kung walang mahalagang pakay. Ito ay makakatulong upang hindi mahawaan at hindi makahawa ng ibang tao.
・Ito ay hindi kagaya ng tinatawag na "lockdown" na isinasagawa sa ibang bansa na kung lumabag ay paparatangan ng parusa.
・Hindi mauubos ang mga bilihin kagaya ng pagkain at mga gamit sa pang araw-araw na pamumuhay kaya hindi dapat mag panic buying.

○ State of Emergency sa Hokkaido
Lugar: Buong rehiyon ng Hokkaido
Itatagal: Abril 17 (Biyernes) ~ Mayo 6 (Miyerkules)
Mga Hakbang na isasagawa:
1. Epektibong paraan upang maiwasang mahawaan ng virus.
2. Kahilingan na manatili sa tahanan kung walang mahalagang pakay.
3. Kahilingan na itigil ang mga okasyon o pagtitipon.
4. Panatilihin ang Social Distancing.

Para sa detalyadong impormasyon, basahin po ang kalakip na file.

Kahilingan ng Board of Education ng Hokkaido na pansamantalang isara ang mga eskwelahan dahilan sa malawak na pagkalat ng COVID 19
2020.04.17

Noong ika-17 ng Abril, hiniling ng Board of Education na pansamantalang isara ang mga eskwelahan sa buong Hokkaido upang masugpo ang malawak na pagkalat ng COVID 19.

Ang pansamantalang pagsasara ay isasagawa mula ika 20 ng Abril hanggang ika 6 ng Mayo. Subalit maaaring may eskwelahan na papasukin ang mga estudyante nang bukod bukod ayon sa itinalagang oras ng kanilang pasok sa araw ng Abril 20. Tayo po ay makipag ugnayan sa eskwelahang pinapasukan ng ating mga anak.

※Sa mga nangangailangan ng tulong ukol sa pakikipag ugnayan sa mga eskwelahan, huwag pong mahiyang tumawag sa center.

Mensahe mula sa Gobernador ukol sa mga Panukala para sa COVID 19 (Abril 16,2020)
2020.04.17

Noong ika- 16 ng Abril 2020, nagpahayag ng mensahe sa Press conference ang Gobernador ukol sa mga panukala upang masugpo ang COVID 19. Tingnan po ang nakalakip na file para sa detalyadong impormasyon.

Nanawagan rin ang Gobernador na isara ang lahat ng eskwelahan sa buong Hokkaido. Ngunit ito ay wala pang opisyal na pahayag. Bisitahin po ang aming homepage o facebook para sa mga bagong impormasyon.
※Huwag pong mahiyang tumawag sa center kung may mga tanong at mga kahinggilan.

Konsultasyon sa iba’t ibang Wika ukol sa Corona Virus
2020.04.16

Noong ika-10 ng Abril, 2020, ang AMDA International Medical Information Center ay nagbukas ng center para sa konsultasyon ukol sa Corona Virus na may 8 wika.

〇 Tagal ng Pagsasagawa
Abril 10 (Biyernes) ~ Mayo 20 (Miyerkules)
Telepono: 03-6233-9266
・Oras: Hamak na araw 10:00 ~ 17:00
Sabado/Linggo/Araw ng Pista 10:00 ~ 15:00
※ Maaaring kumunsulta sa Wikang Ingles araw-araw at ang ibang wika ay ayon sa nakasulat sa ibaba.
(Lunes) Koreano, Tagalog
(Martes) Tsina, Thai
(Miyerkules) Kastila, Vietnam ( tuwing ika 2 at 4 na linggo lamang)
(Huwebes) Tsina
(Biyernes) Portugal

Telepono: 090-3359-8324
Oras: Hamak na araw 10:00 ~ 17:00 ( Wikang Ingles at Tsina lamang)

Maaaring tinggnan sa facebook na kung saan palaging bago ang impormasyon.
https://www.facebook.com/tagengosoudan/

Buod ng mga Panukala sa Suportang Pangpinansyal ukol sa COVID-19
2020.04.14

Dahilan sa patuloy parin na pagkalat ng COVID-19, ang Ministry of Health,Labor and Welfare ay naglabas ng mga Panukala sa Suportang Pang pinansyal ukol sa COVID-19. Gamitin po ito kung sa palagay nyo ay nauukol sa inyong kasulukuyang sitwasyon.

Para sa detalyadong impormasyon, tingnan po ang kalakip na file.
※Para po sa mga katanungan o kailangan ng interpretasyon, huwag pong mahiyang tumawag sa center.

Para sa mga nahihirapang magbayad ng Kuryente, gas, tubig at iba pang utility bills.
2020.04.14

Maraming mamamayan ang nahihirapang magbayad ng utility bills gaya ng kuryente, gas, tubig na epekto ng COVID-19. At dahil dito, hiniling ng gobyerno sa bawat kompanya ng gas, kuryente at tubig na magkaroon ng espesyal na panukala ukol sa paghaba ng palugit o pag antala sa pagbabayad nito.
Ayon sa patakaran, ang palugit ay hahaba ng 1 buwan.
Kung nais makatanggap ng panukalang ito, makipag ugnayan sa mga kinuukulan.

O Mga kinuukulang dapat tawagan
・Pag aantala ng bayarin sa Gas:Bawat kompanya ng Gas
・Pag aantala ng bayarin sa Kuryente: Bawat kompanya ng Kuryente
・Pag aantala ng bayarin sa Tubig: Bawat kompanya ng Tubig o kaya ay sa Munisipyo.

※Para sa interpretasyon, huwag pong mahiyang tumawag sa center.

Pinagsamang Deklarasyon na pang Emerhensiya sa Sapporo at Hokkaido
2020.04.13

Noong ika-12 ng Abril, may pinagsamang deklarasyon ang Sapporo at Hokkaido ukol sa maagap na pagpigil sa malawak na pagkalat ng COVID 19

Ito ay ang mga sumusunod:
1. Bawasan ang mga oportunidad na makihakubilo o magkaroon ng pagtitipon sa lungsod ng Sapporo, o tinatawag na social distancing.
2. Iwasang pumunta sa mga lugar ng kainan at inuman sa downtown.
3. Sumunod sa Estado ng Emerhensiya.
4. Pagsasara ng mga eskwelahan, gymnasium at iba pang pang publikong pasilidad.
5. Sapat at mas matatag na serbisyong pang medikasyon.
6. Palakasin ang suporta sa ekonomiya ng buong rehiyon.

Para sa detalyadong impormasyo, basahin ang kalakip na file.

Simula sa araw na ito ang Binuong Panukala Ng COVID-19.Period of COVID-19.
2020.04.08

Sa ginanap na pagpupulong nitong Abril 7, 2020I, Ang Gobernador ng Hokkaido ay nagpahayag nang mga detalye tungkol sa Binuong Panukala o “Concentrated Countermeasures” na dapat gawin laban sa COVID-19.

COVID-19 「Binuong Panukala o Concentrated Countermeasures」 (Abril 8 - Mayo 6)
・Ang Taga Tugong Puwersa ng gobierno sa COVID-19 ay nagpahayag o nagdeklara nang Pambansang Emerhensya batay sa natatanging hakbang para sa lumalawak na sakit na Trankaso o impluensa at mga bagong paghahanda at pagtugon sa mga sakit na may impeksyon.
・Sa kadahilanan na hindi pa tuluyang nasusugpo ang pagkalat ng COVID-19 sa Hokkaido, sa panahon ng Pambansang Emerhensya, ang Hokkaido ay susulong upang gawin ang Binuong Panukalang Hakbang (Concentrated Countermeasures) laban sa COVID-19, kaalinsabay ang patuloy at puspusang pagsasakatuparan nang mga pinagsikapan naming hanggang sa mga oras na ito upang masugpo ang pagkalat.
・Hinihiling ko po sa lahat ng mga residente ng Hokkaido na mapagtibay na muli ang importansya ng pahuhugas ng kamay, at ang tamang gawi ng pag-ubo, at magsumikap na kung lalabas ay iwasan ang Tatlong C’s (Closed spaces, crowded places, close-contact settings) na hahantong sa cluster outbreaks.

Tingnan ang nakalakip na mga dokumento para sa detalyadong impormasyon.

Mensahe mula sa Tagapamahala Ng HBOE.(Hokkaido Board Of Education)
2020.04.01

Ang Pangasiwaan ng Edukasyon ng Hokkaido at Tagapamahala ay nagbahagi nang mensahe para sa mga Magulang at Tagapag-alaga tungkol sa paparating na simula ng Bagong Semestro sa taong ito.

Siya ay humihiling nang pakikipagtulungan sa mga sumusunod:
1. Pakiusap lang po na patuloy ninyong kuhanin ang temperatura ng inyong anak tuwing umaga at gabi.
2. Pakiusap po na huwag papasukin sa eskwelahan ang inyong anak kung ito ay may sintomas ng sipon.
3. Pakiusap po na pagamitin ng Mask ang inyong anak papunta sa eskwelahan.

Para sa mas detalyadong impormasyon, pakitingnan ang kalakip na file.

Ang Pagwawakas Ng Pangkalahatang Emerhensya Tugon Sa COVID-19 Ay Nagtatapos Sa Araw Na Ito, March 19
2020.03.19

Hinggil sa pahayag na naganap sa press conference nitong 18 ng March, 2020, Magbibigay nang detalyadong pahayag ang Gobernador Ng Hokkaido sa oras na maiangat ang pagwawakas Ng Pangkalahatang Emerhensya Laban sa pagkalat Ng COVID-19, gayun rin ang mga hiling para sa mga mamamayan ng Hokkaido.

Mula sa Araw na ito, 19 ng March, 2020, nagwawakas ang Pangkalahatang Emerhensya tugon sa COVID-19. Subalit hinihiling ng Gobernador na, kahit naiangat na ang Pangkalahatang Emerhensya, patuloy pa rin po nating sundin ang mga sumusunod bago lumisan ng tahanan:

1. Ano ang inyong pakiramdam? Mayroon ka bang sintomas ng sipon?
2. Ang inyo bang pupuntahan ay dagdagsain ng tao o May mahinang bentilasyon ng hangin?
3. Alam mo ba ang mga paraan upang mabawasan ang peligro ng impeksyon?

Kung kailangan ng mga impormasyon Para sa karagdagang pangkontra sa COVID-19 matapos maiangat ang Pangkalahatang Emerhensya, pakitingnan o basahin ang kalakip na file.

Mensahe mula sa Ministry of Health, Labor and Welfare para sa mga Dayuhang Manggagawa ng isang Kompanya.
2020.03.17

Ang Ministry of Health, Labor and Welfare ay naglabas ng Impormasyon ukol sa COVID 19 para
sa mga dayuhang manggagawa.
Maraming Kompanya ang nagkaroon ng hindi magandang epekto ng pagkalat ng COVID 19
subalit ang mga dayuhang mangagawa ay dapat tratuhin at bigyan ng benepisyo kagaya ng
mangagawang Hapones.

Ang link na nasa ibaba ay ukol sa mga kontak at impormasyon mula sa Labor Standards Inspection Office at Hello Work.
Ang impormasyon na ito ay may 13 Lengguwahe kabilang ang Hapones, Ingles, Intsik, Koreano at iba pa.

Atin pong tingnan ang link sa ibaba para sa karagdagang kaalaman.
https://bit.ly/38UBnMJ

May inilabas na impormasyon ang Gobyerno ng Hokkaido ukol sa kumakalat na Corona virus
2020.03.16

Impormasyon mula sa Gobyerno ng Hokkaido (3.13.2020)

Atin pong tingnan ang PDF.

※ Kung nais mong tumawag sa health center pero sa wika maliban sa Hapon, mayroon din kami ng translation support sa Hokkaido Foreign Resident Support Center.
【Hokkaido Foreign Resident Support Center】 011-200-9595 (Lunes~Byernes、9:00~16:00)


(Listahan ng Health Center sa Doritsu)(Wikang Hapon Lamang)
http://www.pref.hokkaido.lg.jp/hf/kth/kak/tkh/hokensho/hokensho.htm

Kahilingan mula sa Gobyerno ukol sa COVID-19 (March 12, 2020)
2020.03.13

Noong ika-12 ng Marso, hiniling ng Gobernador na gawin ang 3 sumusunod na bagay kung sila ay lalabas ng bahay sa katapusan ng linggo.
1. Alamin ang kondisyon ng katawan, wala bang lagnat, sipon, ubo at pananakit ng katawan?
2. Ang pinuntahang lugar ba ay matao, masikip na hindi maganda ang daloy ng hangin?
3. Alam po ba ang mga kapatdapat gawin upang makabawas sa panganib ng impeksyon?

Ipinahayag rin ng Gobernador na magkakaroon ng suporta at konsultasyon para sa mga Negosyante at mga taong nagkaroon ng problemang pinansyal dahilan sa pagkalat ng COVID-19.

Para sa karagdagang impormasyon, alamin ang nakalakip na dokumento.
※ Para sa serbisyo ng interpretasyon, huwag pong mag atubiling tumawag sa Center.

Impormasyon ukol sa paghahati ng araw at oras ng pasok sa eskwelahan
2020.03.10

Batay sa Press Conference ng Gobernador, magkakaroon ng paghahati ng araw at oras ng pasok ng mga estudyante.
Ang bawat klase sa eskwelahan ay isasagawa lamang nang isang beses sa isang lingo at gagawin nang isang oras lamang. Ang bawat estudyante ay papasok lamang sa araw at oras na itinalaga sa kanila. Ito po hindi isasagawa sa mataas na paaralan.

Atin pong alamin ang detalyadong impormasyon.
Para po sa mga katanungan, tayo po ay makipag ugnayan sa eskwelahan na pinapasukan ng ating anak.

※Para sa serbisyo ng interpretasyon, huwag pong mag atubiling tumawag sa center.

Patalastas Mula Sa Sangay ng Serbisyo Ng Imigrasyon Ng Bansang Hapon (Sa petsang March 2020)
2020.03.06

Upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 dahil sa pagdagsa ng tao sa opisina ng Imigrasyon, ang Sangay ng serbisyo ng Imigrasyon ay nagsagawa ng mga natatanging alituntunin ukol sa pagbibigay ng mga dokumentong may kinalaman sa Bisa o Residence status.

Tingnan ang kalakip na file para sa mga karagdagang impormasyon.

Hakbang Panlaban upang Mapigilan ang Pagkalat ng COVID-19 para sa katapusan ng linggo March 7-8
2020.03.06

Sa naganap na press conference noong March 5, 2020, ipinahayag ng Gobernador ng Hokkaido ang mga detalyadong hakbang na panlaban na dapat gawin laban sa pagkalat ng COVID-19 sa katapusan ng linggo, March 7-8. Tingnan ang PDF na kalakip sa ibaba para sa iba pang detalye.

Sa parehong press conference, tinawagan pansin ng Gobernador Suzuki ang Hokkaido Prefectural Board of Education upang pahintulutan ang tinatawag “distributed school attendance (kung saan na ang limitadong mag-aaral o estudyante ay makakapasok ng limitadong oras)” para sa lahat ng elementarya, junior high, special education, at high schools sa Hokkaido simula sa March 10, 2020.

Sa oras na ilabas ang mas maraming detalye ng impormasyon ukol sa “distributed school attendance”, ipapahayag po namin ito sa aming Facebook at Homepage.

Pag-asikaso Ng Pag-aplay Ng Residence Status (Bisa upang manirahan) Na Apektado Ng COVID-19
2020.03.04

Pahayag mula sa Sangay Ng Serbisyong Imigrasyon Ng Japan.

Tingnan ang nakalakip na dokumento para sa mga detalye.

Pahayag mula sa Sangay Ng Serbisyong Imigrasyon Ng Japan
2020.03.04

Will Your Residence Status Expire During March?

Pahayag mula sa Sangay Ng Serbisyong Imigrasyon Ng Japan:
Upang mapigilan ang paglaganap ng COVID-19 dahil sa pagdagsa sa Serbisyong Tanggapan Ng Imigrasyon, ang mga indibiduwal na may mga taglay na Bisang magtatapos sa buwan ng Marso ay maaari na pong mag-aplay upang palitan ang ang inyong Bisa O paglawig ng inyong pagtira, etc.,kahit mga isang buwan ang lipas ng inyong Residence Card.

BABALA: Hindi po sakop ang mga tao/indibiduwal na may taglay na katayuang “Short Term Stay” (Panandaliang Pagtigil)or “Designated Activities( Itinalagang Aktibidad): Departure Preparation Period( Oras Ng Paghahanda at Pag-alis).”

Tingnan ang nakalakip na dokumento para sa mga detalye.

Panglabang Hakbang Upang Makaiwas Sa Paglaganap Ng COVID-19 Sa Hokkaido (Mula March 1)
2020.03.02

Ukol sa naganap na Press Conference noong March 1, 2020, ang Gobernador ng Hokkaido ay nagpahayag ng karagdagang detalye ukol sa mga dapat na gawing panglaban upang maiwasan ang paglaganap ng COVID-19 sa Hokkaido. Basahin ang mga nakatala sa ibaba para sa iba pang mga detalye.

Sa naturan ring Press Conference, binigyang liwanag ni Gobernador Suzuki na kanilang pinag-aaralan na ipahintulot ang “distributed school attendance ( kung saan na ang limitadong mga estudyante ang makakapasok sa maigsing oras)” hanggang bakasyon ng Tag-sibol or Spring sa elementarya, Junior high, espesyal na edukasyon at High schools sa Hokkaido.

Ipapahayag po namin ang mga bagong balita sa oras na mailabas na ang impormasyon.

Pamamaraan ng Pagsagawa ng Seremonya ng Pagtatapos upang makaiwas sa kumakalat na Corona virus
2020.02.29

Noong ika 25 ng Pebrero, ang Ahensya ng Edukasyon sa Hokkaido ay nagpadala ng kasulatan sa Board of Education ng iba’t ibang lungsod ng Hokkaido maliban sa Sapporo hinggil sa pamamaraan ng pagsasagawa ng Seremonya ng Pagtatapos sa bawat paaralan.

Ito ay pagdedesisyunan ng PTA.

Halimbawa:
1. Huwag magsagawa ng ensayo ng Seremonya, sa halip ito ay isagawa sa araw mismo ng Pagtatapos.
2. Maliban sa magtatapos na estudyante, huwag papuntahin ang ibang estudyante sa Seremonya.
3. Bawasan ang bilang ng mga magulang na pupunta sa Seremonya lalo na ang mga may sintomas ng sipon.
4. Lagyan ng puwang ang bawat upuan o kaya ay paupuin ang mga magulang sa isang lugar.
5. Baguhin ang laman o daloy ng Seremonya, gawin itong maikli lamang.

May iba’t ibang pamamaraan ang bawat paaralan kaya tayo po ay makipag ugnayan sa paaaralang pinapasukan ng ating anak.

Sa mga nangangailangan ng interpretasyon, huwag pong mag atubiling tumawag sa center.

Nagdeklara Ng Kalagayang Emerhensya Ang Gobernador Ng Hokkaido.
2020.02.28

Bandang 5:50 ng Hapon, Biyernes, 28 ng Pebrero 2020, ang Gobernador ng Hokkaido Ay nagdeklara ng Kalagayang Emerhensya bilang tugon sa Kumakalat na COVID-19. Ang panahong itatagal ay mula 28 ng Pebrero 2020 hanggang 19 ng Marso 2020.

Bilang Panglaban sa kumakalat na COVID-19, hinihiling ng Gobernador sa mga Mamamayan ng Hokkaido na Iwasa ang Pag labas ng Kani-kaniyang bahay ngayong katapusan ng Linggo.

Inaasahan Po namin ang inyong Pang-unawa at Pakikipagtulungan.

Ang karagdagang hakbang makalipas ang Linggong ito ay hindi pa Po anunsyado.

Pagsasara ng mga Paaralan, kasama ang mga Special Schools simula Marso 2 hanggang Spring break.
2020.02.28

Pahayag ng Gobyerno ng Hokkaido noong Pebrero 27

Ayon sa ulat ngayong araw, ang Prime Minister ng Japan na si Shinzou Abe ay humiling na isara ang mga paaralan hanggang spring break.
Kaya ang puno ng Hokkaido Board of Education ay nagdesisyon na humiling na isara ang mga paaralan hanggang Spring break.

Ito ay pagdedesisyunan ng Board of Education ng bawat lungsod kaya tayo po ay makipag ugnayan sa paaralan ng ating mga anak.
Kung nangangailangan ng interpretasyon, maari pong tumawag sa center.

Mensahe mula sa Puno ng Hokkaido Board of Education para sa mga magulang hinggil sa pagsasara ng Paaralan.
2020.02.28

Naglabas ng mensahe at impormasyon ang Hokkaido Board of Education hinggil sa pamumuhay ng mga bata sa panahon na walang pasok upang maiwasan ang pagkalat ng Corona virus.

Atin rin pong alamin ang (Pangangalaga sa Mental Health ng mg Estudyante).

Ang Hokkaido Foreign Resident Support Center ay nagbibigay ng suporta sa interpretasyon.
Kung may problema ukol sa pagkahawa o pang aapi, huwag pong mag atubiling tumawag at kumunsulta.

Hiling mula sa Board of Education hinggil sa pag kansela ng pasok ng mga estudyante ng mababa at mataas na paaralan.
2020.02.26

Dahilan sa kumakalat na Corona virus sa Hokkaido, ang Board of Education ay humihiling na huwag muna papasukin ang mga estudyante sa mababa at mataas na paaralan sa loob ng 7 araw.
Ito ay hindi pa napagdedesisyunan kaya tayo po ay makipag ugnayan sa paaraalang pinapasukan ng ating anak.

Huwag mag atubiling tumawag sa lunsuran para sa mga impormasyon.
※Ang mga paaralan sa lunsod ng Sapporo ay hindi pa sigurado kung mawawalan ng pasok.